Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kapansin-pansin ang smog sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kaninang umaga.
00:05Delikado yan para sa mga bata, mga nakatatanda at may sakit.
00:09Nakatutok si Jamie Santos.
00:14Napansin niyo bang parang malabo ang views sa Metro Manila kaninang umaga?
00:19Hindi nga masyadong maaninag ang mga nagtataasang gusali.
00:23Sa Makati City nga, naitala ang unhealthy na antas ng pollution
00:26para sa sensitive groups at acutely unhealthy.
00:31Ayon sa pag-asa, temperature inversion ang nangyari.
00:35Tila naiipit at hindi makataas ang pollution sa hangin
00:38dahil nasa ilalim ng malamig na hangin ang mainit na hangin.
00:42Isang possible reason din yun na bakit nagkaroon tayo ng increased number ng air pollutants sa kalangitan
00:50kaya po nagkaroon po ng tick or bumaba po yung visibility ng area dahil po sa smog.
00:57Nakakadagdag din daw sa pamumuo ng smog kapag mahina ang hangin.
01:01Basta mahina yung hangin, hindi po na-dispers yung air pollutants po natin.
01:04So nangyayari na koconcentrate lang sila sa isang area.
01:08Delikado ang ganitong kondisyon para sa mga bata, matanda at may iniindang sakit.
01:14Maari raw nitong palalain ang hika, magdulot ng iritasyon sa mata at lalamunan
01:18at magpataas ng panganib ng pagkakaospital.
01:21Pinapayuhan ng publiko na umiwas lumabas kapag makapal ang usok o mababa ang visibility.
01:26Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended