Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00o
00:02Tirahan at kaligtasan ang problema ngayon ng ilang nilindol na residente sa San Remyjo sa Cebu.
00:06Bukod sa mga uka, kabi-kabila rin doon ang mga tumambad na butas o sinkhole.
00:11Mula sa San Remyjo Cebu, nakatutok live si Ian Hruz.
00:15Ian.
00:18Ivan, mahigit tatlong po na nga anong natagpuan nga sinkhole dito sa San Remyjo.
00:24Kaya naman ang nais ng pamahalaang lokal.
00:27aya malaman kung po pwede bang tabunan na lamang ang nasabing mga singkol
00:30o ideklarang hindi naligtas ang mga apektadong lugar.
00:37Hindi napantay ang kalasadang ito sa Sito Tangkong, Barangay Hagnaya, San Remy, Yosifu
00:42dahil sa malalim na bitak na likha ng malakas sa lindol martes ng gabi.
00:48Isang sidecar ng tricycle ang makikitang nakalubog.
00:52Patikim pa lang pala yun dahil sa komunidad marami pang bitak.
00:56Si Wilma, naiyak at napayakap sa anak nang makitang nasa ibabog pala ng fault line ang bahay nila kaya kahit gamit sa loob, hindi nila makuha.
01:06Walang mabihis ba? Tapos sabi nila, huwag na, huwag nyo nang pasukin kasi delikado daw kasi yung nakahalo daw yung ilalim sa bahay namin.
01:15Ayaw ako kasi pinahirapan ko yung bahay ko. Ya, ganun na lang. Wala akong mga gawa. Babote sir, ligtas kami lahat.
01:25Maputing ang ilang kalsada, pati ang loob ng ibang bahay.
01:28Sila ang pinakapurad kasi malapit sila sa balon. Diyan naglabas din sa balon ng mga putik nung gabing yun.
01:38May mga bitak din sa kalapit na barangay punta dahil sa malakas na lindol.
01:43Napakalalim at napakahaba nitong bitak dito sa barangay punta, dito sa bayan ng San Remigio, Cebu.
01:49Makikita nga po natin na talagang halos ilang tao ang lalim nito.
01:54At pagsinukat naman natin, napakahaba po ng gap ito na halos yung pinakaikse at doon sa banda doon ay mahaba pa.
02:01Ang mga taga rito, nais na mabisita na mga eksperto itong nangyaring bitak sa kanilang lugar
02:06para malaman nila kung paano ba sila magpaplano ng kanilang buhay sa mga susunod na panahon.
02:12Si Aling Josephine, nagkabitak-bitak ang bahay dahil sa lindol.
02:17Hindi niya malaman kung paano silang mag-anak ay nakatalon at nalampasan ang mahabang bitak.
02:22Nanginginig pa rin siya kapag tumatawid sa bitak.
02:25Ang mga alagang baboy, ipinakiusap na niyang ilipat na.
02:29Hindi ko kaya sir.
02:32Sama ngayon sir, wala na kaming matirahan, wala na kaming balay.
02:37Sa Situ San San sa barangay Manyo, maraming nakitang sinkhole.
02:42Ang isang malaking butas, may tubig pa, may dalawang maliit sa likalayuan at may sinkhole sa tabing dagat.
02:49Pero ang pinakamalaking sinkhole na aming nakita, nasa gilid ng bahay ni Nazaldi.
02:55Pabuti na lang, nakalikas siya at kanyang mga magulang ng lumindol.
03:00Ayaw na nilang tirhan ang bahay nilang nasa bingit ng sinkhole.
03:03Ayon kay San Remigio Mayor Mariano Martinez, 32 sinkholes and counting na ang naitatala nila.
03:10Do we cover them or just declare the areas unsafe?
03:17But the problem there is there are already buildings.
03:20Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng Mines and Geosciences Bureau ng DNR,
03:24kaugnay sa mga hakbang kasunod na mga tumambad na sinkhole.
03:27May timang FIVOX na minamapa na sa Cebu,
03:30ang Bugo Bay Fault na siyang pinagmulan ng 6.9 magnitude na lindol noong Martes.
03:36Nasa Siburin si na DPWH Sekretary Vince Dizon at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon.
03:42Binisita nila ang San Remigio kung saan mahigit dalawang po ang nasawi.
03:46Magtatayo rin ng tent city ang Red Cross sa tulong ng DPWH.
03:50This will be preparing for 2,500 families.
03:53Kung kakaposin, nadagdagan pa natin.
03:55And each tent will have sleeping kits.
04:01May banig dalawa, may kumot, may moskitero.
04:05Pagkatapos may hygiene kit na yan.
04:08May tuwaja, dalawa tuwaja.
04:10Mayroon silang anim na sipijo for our family.
04:14May sabon.
04:15Ang dami pong mga tourism workers that have been gravely affected with a loss of livelihood.
04:20So una, pina-include po natin sila sa one of the priority sectors na mabigyan ng family food packs through the DSWD.
04:29And then eventually we are endorsing them as well as those that will be situated in the tent city
04:35for alternative livelihood training by the Department of Tourism.
04:39Maraming tulay at kalsada ang napinsalan ng lindol.
04:42Agad daw itong papaayos ng DPWH.
04:45Gawa na yun ngayon so cleared na yung mga highways natin.
04:48Ang next step starting Monday, uunahin natin yung mga tulay, magre-rehabilitate na tayo.
04:53So papaspasa natin, sabi ni Presidente, kailangan tuloy-tuloy na yan.
04:57So advance work lahat ito.
05:02Ivan, ayon sa mga opisyal na dumating dito, mula nga dun sa mga kalihim at mga taga Red Cross,
05:07talagang mahaba pa ang laban patungkol sa epekto nitong malakas na lindol.
05:11Kaya naman dapat daw na magtulong-tulong ang lahat para malagpasan itong malaking hamon.
05:16Balik sa iyo, Ivan.
05:17Yes, Ian, nakikita ko sa likod mo, yan yung tent city, parang dyan sa San Remigio yan.
05:23Pero yung mga ibang bayan kaya, naapektado rin yung mga residente na wala rin matuluyan.
05:28Pansamantala, san sila ngayon?
05:34Ivan, yung mga tent city na gaya nito, actually ito yung mga tents na itinayo pa lamang
05:40naman ng mga lokal na pamalaan, ng iba't ibang maorganisasyon.
05:43Pero iba pa yung itatayo na tent city ng Red Cross sa tulong ng DPWH.
05:48Mas malaki yung iban at mas maraming ma-accommodate doon.
05:51Pero yung natanong mo na papaano yung mga ibang mga lugar.
05:55Maraming ding mga ganitong kapareho sa Bugo, doon sa Midelgin at sa iba pang mga bayan.
06:02Pero Ivan, yung mga hindi na nakakapunta sa mga tent city o doon sa mga open space,
06:07ang napapansin natin talagang doon sila natutulog sa mga gilid ng kalsada,
06:11doon sa harapan ng kanilang bahay na open.
06:13Kasi Ivan, talagang nakakaroon pa rin ng mga pagyanig.
06:17Lalo kung madaling araw, ayaw na ayaw na at natatakot ang mga residente,
06:21lalo na yung mga bata, na kapag yumayanig ay nasa loob sila ng bahay.
06:25Kaya ang ginagawa nila, doon na lang sila naglalatag sa labas
06:27para daw agad ay nasa lintas na silang lugar, Ivan.
06:32Maraming salamat, Ian Cruz.
06:34Hindi mapatahan ang anim na taong gulang na si Ezia sa Cebu.
06:44Namatayan kasi siya ng alaga kasunod ng lindol noong Martes.
06:48Natagpuan niyang wala ng buhay ang alagang hamster na si Jellybean
06:51nang balikan ng kanilang bahay kinaumagahan.
06:54Nitong mayo lang daw binili ng kanyang mga magulang si Jellybean.
06:58Sila mag-anak naman ay nasa mabuting kalagayan.
07:00Pero natutulong pa rin sila sa labas dahil hindi pa rin daw ligtas
07:05na manatili sa loob ng kanilang bahay.
07:10Binamadali na ang pagbuo ng 10th City sa Northern Cebu
07:14na magiging pansamantala nga pong tirahan ng mga pamilyang ni Lindol.
07:18At mula sa Daan Bantayan Cebu, nakatutok live si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
07:23Nico.
07:26Ivan, alinsunod nga sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos
07:29ay itinatayo na ngayon ang mga 10th cities sa mga lugar dito sa Northern Cebu
07:34na matinding na apektuhan ng magnitude 6.9 na Lindol.
07:39Sa bakanting lote sa barangay Cogon sa Bogos City,
07:43itinatayo ang mga 10th na pansamantalang tutuluyan na mga nawalan ng tirahan
07:47dahil sa magnitude 6.9 na Lindol.
07:50Karamihan kasi, takot pa bumalik sa kanikanilang bahay.
07:53Mismo si Pangulong Bongbong Marcos ang nagutos ng pagtatayo ng 10th City,
07:58lalot hindi agad mererelocate ang mga nawalan ng tirahan.
08:02Ininspeksyon ni na DPWH Secretary Vince Dizon,
08:06Tourism Secretary Christina Frasco,
08:08at Philippine Red Cross Chairman dating Senador Richard Gordon ang 10th City.
08:132,500 tents ang ilalagay rito.
08:15Kompleto raw ito sa water station, sanitation facilities at ibang amenities.
08:21Mula Bugo, dumiretsyo ang mga opisyal sa bayan ng Medellin kung saan may itatayo rin 10th City.
08:27Patuloy naman ang pagdating ng tulong sa mga nilindol sa Northern Cebu.
08:32Bumigat ang trapiko sa mga kalsada papunta roon.
08:36Karamihan ay mga bumibiyahe para sa relief mission at distribution.
08:40Kawawa naman kasi yung mga kababayan natin that are currently na sa roads or nakakalat,
08:51kawawa sige from the elements.
08:53So the LGU will be handling that.
08:56It's a complete city practically.
08:59Although the mayor already is not too far away from here.
09:03I'm a health center.
09:04First we will start with those families na permanently yung bahay nila na damaged talaga.
09:10And then second po, we will also try to, may report kasi second, yung sa Philvox,
09:16there was a new fault line.
09:19So we will try to convince or maybe force evacuate those residing along the fault line.
09:29Ivan, dahil nga sa lumalalang sitwasyon sa traffic,
09:32nananawagan ngayon ang Cebu Provincial Government sa mga magdodonate para sa mga biktima ng lindol.
09:37Kung maaari, i-co-course through sa Provincial Government o sa iba't ibang organisasyon ang kanilang mga donasyon,
09:43imbes na personal silang pumunta dito sa Northern Cebu para hindi na dumagdag pa sa mabigat na daloy ng trapiko.
09:50Ivan?
09:50Daghang salamat, Nico Sereno, ng GMA Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended