Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Lumaba sa budget hearing ng Department of Health sa Senado na may ghost projects din na mga health center.
00:06Yan, at ipo pang usapin, tatalakayan natin kasama si Health Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo.
00:11Magda umaga po!
00:17Magda umaga po!
00:20Magandang umaga, Igan. Magandang umaga mga kapuso na nakikinig at nanonood.
00:24Asig Domingo, nabanggit ni Health Secretary Ted Arbosa na may ghost health centers din.
00:30Mga proyektong nabayaran na ng gobyerno pero hindi tinapos ng kontraktor.
00:34Saan po mga lugar ito?
00:37Ito po, Igan, yung mga tinutukoy ng mga super health centers.
00:41Iba-ibang lugar po siya, humigit-kumulang.
00:43Siguro mga around 400 out of mga 600 health centers.
00:49At yung termino pong ginamit, magamat sinabing ghost,
00:52kompleto po itong mga infrastrukturang ito.
00:55Ang kulang dito ay yung tao.
00:57Oo. Kaya nga si Senator Wingatselan yung gumamit itong termino.
01:01Sabi niya, haunted.
01:02Pero ang punto namin dito,
01:04hindi kasi natupad ng LGU yung kanyang obligasyon na mag-hire ng tao.
01:09Isang kontraktor lang ba ito o iba-iba po?
01:14Iba-iba po yan.
01:15Malaki po yung distribution nationwide.
01:19Pero kung ang binabanggit nyo po is yung...
01:22Hindi kumpleto.
01:24May nakita rin po kami.
01:26Yun naman po yung tinukoy nga ni Secretary Erbosa sa Zamboanga Region.
01:31Yung na kinonfirm rin po ng ating Commission on Audit,
01:34yung Mindanao Central Sanitaryo, meron silang project doon.
01:38Tsaka yung isa po doon, yung sindangan satellite sa Zamboanga del Norte.
01:43Iba pa po yun.
01:44So anong gagawin ng DOH?
01:46Kung tao lang ang kulang dito at nado naman yung establishmento?
01:52Yan ang hirap pa, Igan, sa ating sistemang pangkalusugan.
01:56Devolved po kasi ang ating sistema ayon sa local government code.
02:00Hindi namin pwedeng utusan yung local government unit,
02:02kahit ba sila ay nangako sa pamamagitan ng memorandum of agreement
02:06na naway tatauhan nila, pero hindi nila tinupad yung kanilang obligasyon.
02:10So ito po ay aming sinasangguni sa Department of Interior and local government
02:15kung ano bang pwedeng gawin.
02:16Pero ang ginagawa na rin ng DOH, habang di tayo makaantay,
02:19kasi may taong nangangailangan,
02:21yung ating mga bagong urgent care,
02:22ambulatory service centers, or yung bukas centers,
02:25DOH po ang nagtataon yan.
02:27DOH yung nagbibigay ng servisyo ayon sa utos ng Pangulo.
02:30May mga ginagawa pa ba ngayon ng mga health centers, ASEC?
02:33Ang utos po ng ating kalihim ng kalusugan,
02:38dahil nga nagkakaroon tayo ng mga nakakahanapan o gulatan sa infrastruktura,
02:43eh dapat muna yung mga new construction hold muna,
02:46pero ang pondo natin gagamitin ay para sa completion
02:49at talagang nakatutok talaga.
02:51No delivery, no payment.
02:53Actually, Igan, ever since progress billing ang DOH.
02:56So talagang itong nangyari sa Zamboanga,
02:58iimbestigahan talaga namin,
03:00at kung merong malilintikan, ay may malilintikan talaga.
03:02Okay, kaugnay ng lindol naman dito sa Cebu.
03:06Ano po ang itulong na po ng DOH sa mga ospital,
03:09lalo na yung maraming pasyente nasa labas ng mga ospital.
03:13So, anong update natin, ASEC?
03:17Opo, kasama po ni Secretary Erbosa,
03:19ang Pangulong Marcos kahapon at iba pang mga kalihim,
03:22at nakita nga natin yung sitwasyon,
03:24yun pong ating mga medical teams na on the ground since day 1 or day 0,
03:29nung nakakalindol pa lang po galing sa Vicente Soto,
03:32tuloy-tuloy po yan.
03:33Meron na po tayong mga,
03:34nilipat na rin mula sa Bogo,
03:37tinutulungan tayo ng ating provincial government,
03:40linilipat nila sa Vicente Soto sa Cebu City.
03:43Kundi ako, nagkakamali,
03:44mga almost 60 plus or 70 plus yung pasyente yung tinanggap natin.
03:48At the same time,
03:49nakastandby po yung ating tatlong
03:51Philippine Emergency Medical Assistance Teams.
03:53And Egan,
03:54I think it was last night or nung isang gabi,
03:56si WHO Director General Tedros,
03:59nag-tweet siya,
04:01makikita niyo po yan sa Twitter niya,
04:02na nakaredy ang WHO through their country office.
04:06Pag nag-activate po yan,
04:07magdadagdag pa tayo ng logistics mula sa kanila.
04:10Okay, nakarating na rin po ba sa inyo
04:12ang ulat na may abnormal na pagtaas ng influenza,
04:16pati sa mga senior citizen?
04:17Sa ating pong pag-monitor,
04:21hindi pa naman po tumataas
04:22ang ating mga influenza-like illness.
04:25Marami na po tayo naoobserba,
04:26sa panahon ngayon na pabago-bago
04:28ang ating temperatura,
04:30may papasok na naman tayong bagyo
04:31o papapasok na si Paulo,
04:33talaga pong yung irritation
04:34sa ating lalamunan tumataas.
04:37So, dapos po,
04:37lating na natin,
04:38maaaring hindi ito influenza,
04:40ngunit kung influenza ito,
04:41mabuting kumonsulta na rin
04:43sa pinakamalapit na health center.
04:45Okay, maraming salamat po
04:46si Asek Albert Domingo
04:48ng Department of Health.
04:49Ingat po kayo.
04:51Salamat, Igan.
04:52Mga kapuso, good morning.
04:57Igan, mauna ka sa mga balita,
04:58mag-subscribe na
04:59sa GMA Integrated News sa YouTube
05:02para sa iba-ibang ulat
05:04sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended