Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, pinaghahandaan na ang posibleng efekto naman ng Bagyong Paolo sa Aurora at Isabela.
00:07At sa Metro Manila patuloy ang paglilinis sa mga daluyan ng tubig.
00:11Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:16Tuloy-tuloy ang babala ng nagliikot na ambulansya sa Dipakulaw Aurora na yung nagbabantang manalasa ang Bagyong Paolo.
00:23Hinihimok ang lahat ng residente malapit sa dagat, ilog at bundok na lumikas habang wala pa ang bagyo.
00:31Ang mga bangka, inalayo muna sa dagat.
00:34Ang mangingisdang si Mang Vicente, ipinarada ang kanyang bangka sa harap mismo ng bahay niya, pero wala daw siyang planong lumikas.
00:42Babala ng pag-asa, posibleng hanggang dalawang metrong storm surge o daluyong sa hilagang bahagi ng Aurora,
00:49kabilang ang tinalungan, kasiguran at dilasad.
00:53Pwedeng umabot ito ng tatlong metro.
00:55Sa baler, nagpulong ang Aurora PDRRMO kasama si Governor Isidro Galvan
01:01at doon natalakay na pwedeng umabot sa signal number 3 ang Northern Aurora.
01:06Pinapayuhang lumikas ang mga nakatira sa may bayin.
01:09Pinagbawala na rin pumalaot ang mga sasakiyang pandagat.
01:13Sa Ilagan City, Isabela, tinatalian na ng mga residente ang kanilang bubong.
01:19Nag-iimbak na rin sila ng pagkain.
01:21May banta rin ang storm surge sa baybayin ng Isabela.
01:25Nagkaroon na kami ng briefing.
01:27Lahat ng mga equipment, logistics ay nakaredy na.
01:32Even yung mga kailangan rin ng ating mga kababayan, kung sila man ay ililikas.
01:38Sa Quezon City, nilinis naman ang Lagarian Creek.
01:42Makatutulong daw ito para maibisan ang baha gaya sa Rojas District.
01:47Ayon sa MMDA, tuloy-tuloy ang paglilinis sa mga estero maging sa ibang lunsot.
01:52Tuloy-tuloy rin ang de-clogging ng drainage system.
01:55Hindi pa rin naalis yung possibility na magkaroon ng mga light to motorway trains dito sa Metro Manila.
02:01Lalala na kapag papatawid na yung bagyo bukas, araw na bukas hanggang Sabado.
02:06Ngayon pa lang, nagsimula ng makaranas ng malakas na pagulan sa Rizal.
02:12Sa bayan ng Teresa, tumaas ang tubig sa ino galing sa kapundukan.
02:17Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
02:22Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:25Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended