Skip to playerSkip to main content
Umakyat pa sa 72 ang nasawi sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu. Oras ang hinahabol ng mga rescuer sa paghuhukay sa mga natabunan ng guho. Tuloy rin ang pagtitiis ng mga nakaligtas dahil bukod sa 2,000 aftershocks iniinda rin nila ang mga pag-ulan. Ang ilan sa kanila, ibinalot na sa plastik ang sarili para hindi mabasa o kaya nama’y natutulog na sa kulungan ng mga baboy.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lord, please send some help.
00:12Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:15Umakyat pa sa 72 ang nasawi sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
00:22Oras ang hinahabol ng mga rescuer sa pag-ukay sa mga natabona ng guho.
00:28Tuloy rin ang pagtitiis ng mga nakaligtas.
00:32Bukod sa 2,000 aftershocks, iniindarin nila ang mga pag-ulan.
00:39Ang ilan sa kanila, ibinalot na sa plastic ang sarili para hindi po mabasa.
00:44O kaya naman ay natutulog na lamang sa kulungan ng mga baboy.
00:48Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:50Mula sa Himpapawid, kita ang tindi ng pinsalang idinulot ng 6.9 magnitude quake sa lungsod ng bugo na malapit sa epicentro ng lindol.
01:02Sa video nito, kita ang rescue team na abala sa pagkuha sa katawan na isang biktima.
01:07Pahirap pa ng rescue and retrieval operations na kinailangan ng gamitan ng mga jackhammer at iba pang heavy equipment.
01:18Ang mga biktima kalunos-lunos ang sinapit tulad ng batang lalaki ito na nadaganan ang gumuhong parte ng tinutuloy ang two-story pension house sa lungsod pa rin ng bugo.
01:27Kasama niyang nasawi ang kanyang ina, nasulod na na-recover ng mga rescuer.
01:35Hinahabol ng rescue teams ang oras sa pag-asang may mahanap ang buhay sa ilalim ng guho.
01:40May mamadali talaga tayo. Buhay yung buhay yung ano natin.
01:46Kami ma'am, as mga responders, as rescuers, hindi kami umaasa kami talaga na buhay namin silang mailalapas.
01:55Sa ngayon, mahigit pitong puna ang bilang ng nasawi sa iba't ibang bahagi ng Cebu.
02:00Abot-abot ang hinagpis ng mga kaanak na mga namatay.
02:04Pero ang kalbaryo ng mga Cebuano, hindi pa rin natatapos.
02:09Ang ilan nakaligtas nga sa lindol, problema naman ang pansamantalang matutuluyan.
02:15Ang mga residenteng ito sa bayan ng Medellin, sa kalsada na naglatag ng kanilang mga sapin at nagpalipas ng gabi.
02:22Sumubay pa sa kanilang alalahanin ang pagbuhos sa ulan.
02:25At dahil hindi pa masilungan ang kanilang mga tahanan, ang ilan, ibinalot ang kanilang sarili sa plastik bilang proteksyon.
02:34Sa bayan ng San Remigio, ang pamilyang ito, sa kulungan ng baboy na piling matulog.
02:40Ang ilan ng mga tagabugo, sa plaza pa ang samantalang nanunuluyan.
02:45Bit-bit ang kanilang mga pangamba sa mga posibleng pagyani.
02:48God look, grabe ko puso.
02:52Wala pa ka mauli eh?
02:53Wala ko.
02:55Ayon sa FIVOX, umabot na sa mahigit dalawang libo ang mga naitatalang aftershocks.
02:59At inaasahan magtutuloy-tuloy pa sa mga susunod na araw.
03:03Ang isang nga kagabi, umabot pa sa magnitude 5 ang lakas.
03:06Ang takot ng mga residente ay hindi pa tuluyong inaalis.
03:27Lalo't para sa ilan, milagro ng maligtas sa naranasang sakuna.
03:31Yung anak ko, naiiwan sa mga balay.
03:34Salamat ako sa ginuho kasi walang nangyayari sa kanila.
03:39Pagdating ko namin doon, marami ng tao sa kasada.
03:43Kaba namin, hindi namin alam kung kasaposan ba namin ngayon.
03:48Hanggang ngayon parang nanginginig pa yung kalamdan ko.
03:53Dalit sa takot at maiiyak ako na ito sa takot.
03:57Sa gitna ng takot at pangamba, mga Cebuano patuloy na kinakapitan ang kanilang malalim na pananampalataya at pag-asa.
04:05Salamat lang sa pinuho ka sa laluhas at takot.
04:10Salamat kay Lord.
04:12Ang hirap pala.
04:14Pero okay lang nandyan naman siya.
04:16Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
04:27Salamat kay Lord.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended