Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kamusahin na po natin ang sitwasyon ngayon sa Cebu Provincial Hospital sa Bogos City,
00:04kung saan maraming pasyente ang nasa labas pa rin ng gusali.
00:08May ulat on the spot si Susan Enriquez.
00:10Susan?
00:15Alis lang niya Pangulong Marcos dito sa Cebu Provincial Hospital dito sa Bogos City,
00:19kung saan tinignan niya kung paano ba yung preparasyon para matugunan
00:22ang pangangailangan ng mga pasyente dito na kailangan ilabas dito sa gusali
00:26dahil nga po sa nangyaring paglindol.
00:28Kasamang dumating dito ni Pangulong Marcos ang ilang miyembro ng kanyang gabinete
00:32gaya ni DPW Secretary Vince Disson at maging si DSWD Secretary Vince Gatchalian.
00:39At dito nga po, kanina kausap natin si Dr. Sorayda Yurangon.
00:43Sabi nga niya, siya po yung chief of hospital.
00:45Sana ay makapasok na, makabalik na sa loob yung mga pasyente.
00:48Nakikita niyo po yung mga pasyente na dito po sa mga tent.
00:52At dahil mahirap po para sa mga pasyente na manatili dito sa mga hospital,
00:57dito sa mga tent na ito dahil mainit na mainit ang panahon dito.
01:01At siyempre ito po yung kahit paano nakaka-apekto pa po sa kalagayan ng mga pasyente.
01:06Pati yung mga medical supplies, hospital supplies ay nandun-dun sa isang area.
01:11Dito po muna lahat yung dumadating ng mga pasyente kung kailangan magkaroon ng mga pagsusuri muna.
01:16At yung iba naman po na hindi nakaya tungunan dito dahil yung na-damage po yung kanilang operating room
01:21ay inire-refer ho sa ibang hospital.
01:24Sa pagpunta dito niya, Pangulong Bongbong Marcos, hindi na ho siya pumasok dito sa mga gusali.
01:28Bagkos ay naglakad na lamang siya dito at tinignan nga niya kung paano ba ang preparasyong ginawa dito
01:33para ho makatugon doon sa pangangailangan ng mga pasyente.
01:37At sa mga oras na ito ay nandito pa ho yung mga tauhan ng DPWH.
01:40At sabi nga ni Dr. Yurango, sa oras na maggadeklara yung mga tauhan ng DPWH na safe,
01:47at least yung isang gusali na ito ay pupwede na ho nilang ipasok yung ilang mga pasyente
01:51na talaga ho nagtitis sa init ng panahon dito.
01:54Napaka init ho ng panahon at kahit doon sa ground floor man lang ay mailipat nila yung mga pasyente.
02:01Yung mga kailangan ng operahan na pasyente, lalo na ho kung medyo matinde yung pinsalang kailangan natugunan,
02:08ay pinapadala na lang ho nila sa ibang hospital dahil yung kanilang operating room
02:12ang isa sa matinding na apektuhan sa bahagi ito ng Cebu Provincial Hospital dito po sa Bogos City.
02:19Mula po rito sa Bogos City, Cebu, back to studio po tayo.
02:23Maraming salamat, Susan Enriquez.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended

2:15:40
Up next