Skip to playerSkip to main content
Mahigit sanlibong aftershock ang inaasahan ng PHIVOLCS kasunod ng magnitude 6.9 na lindol kagabi na pinakamalakas sa kasaysayan ng Northern Cebu. Posible ring gumalaw ang iba pang fault system na malapit sa epicenter ng lindol.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May gitsang libong aftershock ang inaasakan ng FIVOX kasunod ng magnitude 6.9 na lindol kagabi na pinakamalakas sa kasaysayan ng northern Cebu.
00:09Posible rin gumalawang iba pang fault system na malapit po sa epicentro ng lindol.
00:15Nakatutok si June Veneration.
00:21Pinakamalakas sa kasaysayan ng northern Cebu ang tumama na magnitude 6.9 na lindol kagabi.
00:27Sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o FIVOX.
00:32Maygit 800 aftershocks na ang naitala ng ahensya kaninong umaga na pwede pa raw tumagal lang ilang araw, linggo o buwan.
00:40Inexpect po natin yan, more than a thousand aftershocks.
00:44Pero again, hopefully po lahat po ito yung mangininalamin.
00:48Intensity 7 ang pinakamalakas sa pagyanig o paggalaw ng lupa na nilikha ng lindol
00:53resulta ng paggalaw ng isang offshore fault sa lalim na 5 kilometro.
00:58Naramdaman ang Intensity 7 sa epicenter ng lindol sa Bugo City,
01:02Daanbantayan, Medellin, San Remigio at Tabuelan sa probinsya ng Cebu.
01:08Paliwanag ng FIVOX, side to side o horizontal ang laging paggalaw ng fault.
01:13Kaya hindi lumikha ng tsunami.
01:14Hindi tulad kung ang galaw ay pataas o pababa.
01:17Malawak po, no, yung may reports po sa aming pagyanig.
01:22Umabot nga po sa Sambuanga sa South, intensity, hanggang dun po sa Bandang Quezon.
01:28So malawak po dahil po, again, may kalakasan po ang lindol at ito po ay may kababawan din.
01:35Sa pamamagitan nitong earthquake simulator ng FIVOX,
01:39titignan natin kung gano'ng nga baka lakas ang Intensity 7.
01:42Kasama ko si Glenn Wego ng DC Double B.
01:45Pero siyempre, iba pa rin talaga ang pakiramdam ng aktwal kung ikukumpara sa simulator lang.
02:03Sa report ng Office of Civil Defense, nabagsakan ng debris ang karamihan sa mga rasawi
02:08na base sa kanilang tala kaninang umaga ay umabot na sa 60.
02:12Na po, pinangangabahang marami pa ang natabunan na kailangang i-rescue.
02:16Critical daw ang unang 24 oras mula nang tumama ang kalamidad.
02:20Kaya kailangan mabilis ang search and rescue operations.
02:24Maraming casualties sa Bugo kasi highly urbanized siya.
02:29Maraming infrastructure doon.
02:31Malaking faktor din na gabi siya nangyari.
02:35Sabi ng FIVOX, posibleng gumalaw ang iba pang fault system na malapit sa epicenter ng magnitude 6.9 na lindol.
02:41Pero masyado na raw itong malayo para maka-apekto sa Metro Manila
02:45kung saan matagal ang pinangangambahang tumama ang The Big One o ang magnitude 7.2 na lindol.
02:52Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon na Katutok, 24 Oras.
Comments

Recommended