Skip to playerSkip to main content
Lumabas na may ghost project din sa mga health center. Naungkat ‘yan sa pagdinig ng Senado sa budget ng Health Department. May pasilidad din ang kagawaran na nakakontrata sa kumpanya ng mga Discaya na hindi pa nagagamit kahit bayad na.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lumabas na may ghost project din sa mga health center.
00:06Naungkat yan sa pagdinig ng Senado sa budget ng Health Department.
00:10May pasilidad din ang kagawaran na nakakontrata sa kumpanya ng mga diskaya
00:15na hindi pa nagagamit kahit bayad na.
00:19Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:24Ultimo sa health centers, may mga nabayaran pero hindi natapos na proyekto.
00:29Yan ang ibinunyag ni Health Secretary Teddy Herbosa sa budget hearing ng Senado kanina.
00:34Nadiskubre yan ni Herbosa matapos tingnan ang mga kontraktor na ibinunyag ni Pangulong Bongbong Marcos
00:40na nasa likod ng ghost flood control projects.
00:43Pinahanap ko rin yung mga kontraktor na prinisent ni Presidente.
00:47Sabi ko meron na bang ginawa.
00:48So may nadiskubre ako isa nabayaran na pero hindi completed.
00:52So meron din ako nakita.
00:54So there's a similar modus po na nakita po ninyo?
00:58I had to inspect.
01:00And to be fair, this is over 10 years.
01:02This is over 10 years.
01:03Itong sinasabi kong nakita ko, 2020.
01:07Okay.
01:08So you're saying ho na there was a facility na merong kontraktor, nabayaran siyang kompleto pero wala pong nabuo na facility.
01:18Nabuo naman pero hindi tapos.
01:20Hindi tapos.
01:21Hindi tapos.
01:22Hindi rin magamit.
01:23Hindi rin mabigyan ng life.
01:24Pero nabayaran.
01:25They're not allowed to walk away.
01:27There's no such thing.
01:28Do you think may collusion dito kagaya ng DPWH na ilan sa mga opisyal ninyo maaaring sa regional level, provincial level?
01:37May collusion, may subwatan dun sa kontraktor para sa paggawaan ng mga projects na ito?
01:45Yan po ang aking conclusion din.
01:47Kasi kung ang engineer na nag-inspect from our side, binigyan siya ng clean bill na completed, mababayaran siya.
01:55Kasi hindi naman ma-i-issue kung hindi bibigyan ng inspection na clearance.
01:59So yun ang side ko na i-investigahan ko.
02:03Bakit siya nabayaran kung hindi pa completed?
02:05Eh dapat dyan progress billing po.
02:07Isa sa mga halos tapos na pero hindi pa rin magamit ang Mindanao Central Sanitarium sa Zamboanga
02:13na kinontrata ng Department of Health sa St. Gerard Construction na pagmamayari ng mga diskaya.
02:1998% complete pero naging idle po siya without certificate of final acceptance due to pending post completion of punch list.
02:30So yun pero bayad na po ito amounting to 133 million.
02:36Dagdag ni Sen. Pia Cayetano, dalawang contractor ng DOH,
02:39ay kabilang din sa top 15 contractors ng flood control projects,
02:43ang Legacy Construction at Royal Crown Monarch Construction and Supplies.
02:47Si Legacy in 2021 had a 107.5 million project and 15% completion pa lang as of now.
02:56This is for Southern Philippine Medical Center.
02:59Apat na taon na, 15% pa lang, Southern Philippine Medical Center.
03:03This is a very good hospital.
03:05Ang Royal Monarch naman, tatlong proyekto ang inabando na dahil sa contract termination.
03:10Napakaliit lang naman, 3.6 million, tatlong barangay health station.
03:16So kung ganun kaka big time, I don't know kung pag-aabalahan nilang 1.2 million,
03:20nakakahaka ko lang, baka naman napasa na yan or subcontracted kasi 1.2 million i-abandon pa.
03:29Tinitingnan pa ng DOH ang record nila sa mga proyektong ito.
03:32Sinisika pa namin makuha ang panigdang St. Gerard, Legacy at Royal Crown Monarch.
03:38Samantala, isiniwalat ni Sen. Wynn Gatchalian na basa sa COA report,
03:42may mga kontrata pa ang DOH na higit 11 billion pesos na hindi rin tapos.
03:47We don't get our value for money kasi nga delayed. Sometimes after makita mo yung delayed,
03:53when you try to fix it, mas mahal na ulit kasi it's another different year na.
03:58Sama-sama na ito eh, poor planning, lack of coordination, poor execution, na ipit yung 11.5 billion.
04:06Tinanong naman ni Sen. Health Committee Chair Sen. Risa Ontiveros ang lumabas sa pagdinig ng Kamara kahapon
04:12kaugnay sa daang-daang health centers na ginastusan ng bilyong-bilyon pero hindi nagagamit.
04:18Paliwanag ng DOH, karaniwang problema ay hindi makapag-hire ang LGUs ng mga doktor, nurse at midwives.
04:25Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended