00:00Binuksan na muli ngayong araw ang Philippine International Convention Center o PICC matapos ang pagsasaayos dito.
00:08Pinangunahan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang reopening ng Convention Center bilang paghahanda sa ikalimampung anibersaryo nito at sa 2026 ASEAN Summit.
00:19Sa kanyang talumpati, inilarawan ang Pangulo na saksi sa mahalagang yugto sa kasaysayan itong PICC.
00:26Tinawag niya rin itong tahanan ng diwang Pilipino.
00:31Itinayo noong 1976 ang PICC upang pagdausan ng IMF World Bank Meeting.
00:38Dinesenyo ito ni National Artist Leandro Luxin at kinilalang isang pambansang yaman at obra maestra pang arkitektura.
00:47Ilan sa mga bagong features ng bagong ayos na PICC ay ang open-air gallery, makabagong LED screens at modernong meeting rooms.
00:59Simula Oktubre ay tatanggap na muli ang PICC ng mga booking para sa iba't ibang event gaya ng global conferences, conventions at graduation ceremonies.
Comments