00:00Choose happiness ngayong Tuesday, mga mari at pare!
00:07May pabilated birthday bash ang fans ng Kapuso star na si Miguel Tan Felix.
00:18Back from his solo vacation sa South America,
00:21heartwarming celebration agad ang sumalubong kay Miguel para sa kanyang 27th birthday.
00:27Full on party ang hatid ng fans mula sa birthday treats hanggang sa parlor games last Sunday.
00:34May ilang nabigyan pa ng chance na maka-actingan ang kanilang idol.
00:41Sobrang happy ko na at least kahit paano meron akong celebration ng birthday
00:45kasi galing akong South America so doon ako nag-celebrate ng birthday ko on my own
00:51pero ngayon at least meron ng celebration kasama yung family ko.
00:58Spotted ng netizens ang sweet moment ni Rita Daniela at basketball player na si Maclaude Guadagna
01:04sa pagdiriwang ng birthday ng Sparkle Star.
01:08Ang tanong ng netizens, in her dating era na nga ba si Rita?
01:13Surreal post kasi ni Rita ng kanyang 30th birthday celebration sa Instagram
01:17tila may sweet moment and holding hands ang dalawa sa dulo ng video.
01:22Isa sa mga invited sa celebration ni Rita ang basketball player.
01:27May cute interactions din ang dalawa sa social media.
01:30After ng kanyang birthday, nagwagi rin si Rita bilang best actress
01:38sa Sinag Maynila 2025 Independent Film Festival.
01:42Para yan, sa pelikulang Madawag ang Landas patungong pag-asa.
01:46Gumanap si Rita bilang isang guro sa malayong paarala na nakaranas ng karahasan at health crisis.
01:53Very thankful naman si Rita sa pagkilalang natanggap niya.
01:56Congratulations, Rita!
01:58Mga mari at pare, miss nyo na ba ang kulitan sa bahay ni Kuya?
02:06Totoo ang chika, may version 2.0 ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
02:13Magsasama pa rin ang kapuso at kapamilya stars para sa 20th anniversary celebration ni Kuya.
02:20New roster ng Sparkle at Star Magic Housemates ang magpapakita ng mga kwento ng totoong buhay.
02:26Ang mga kabataang Pinoy na G sa hamon ng pagkapakatotoo,
02:30makikilala na this October sa GMA.
02:34Para sa updates tumutok sa official social media accounts ng Kapuso Network at PBB.
Comments