Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nagbiteo bilang kongresista si Ako Bicol Partylist Representative Zaldico.
00:05Pero ang sa Department of Justice, hindi pa rin lusot si Ko sa mga kaso kagnay sa mga flood control project.
00:11Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:16Tapos na ang 10 araw na palugin para magbalikbansa si Ako Bicol Partylist Representative Zaldico.
00:23Matapos mawiin ni House Speaker Faustina Bojedi III ang travel clearance ng kongresista.
00:29Pero walang Zaldico na nagpakita sa kamara.
00:33Sa halip ni Pinos sa kanyang Facebook page ang kanyang pagbibitiw bilang miyembro ng kamara.
00:39Ayon kay Ko, dahil yan saan niya itotoo at malubhang banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
00:46Ipinagkait din umano ang kanyang karapatan sa due process.
00:49Agad-agad na efektibo ang pagbibitiw ni Ko.
00:52Nung Hulyo pa naka-medical leave si Ko sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects.
00:57Si Ko ang dating chairman ng makapangyarihang House Committee on Appropriations na nabahira ng isyo ng budget insertions.
01:05Nagtungo ng Amerika si Ko para magpagamot pero binawi ka makailan ni Speaker D ang kanyang travel authority.
01:12Sa pinakahuling impormasyon ay wala na sa Amerika si Ko na sinasabing nasa bansang Spain ngayon.
01:17Sa kanyang sulat, sinagot ni Ko ang ethics complaint na isinampalaban sa kanya ni Navotas Representative Tobit Yangko.
01:26Itinanggi ni Ko na siya ang naging utak ng inihabol na insertions at realignment sa 2025 national budget.
01:33Malabu raw kung hindi man imposible na nakapagpasok siya ng insertions nang hindi nalalaman ng mga miyembro ng Kamara at Senado.
01:41Dumaan din anya dapat sa mabusising pagsusuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang General Appropriations Act nung pinirmahan niya ito.
01:50Mainam daw kung hihintayin muna ng ethics committee ang desisyon ng Supreme Court at ombudsman sa mga kaso kaugnay nito.
01:58Kaugnay naman sa pagkwestiyon ni Tiyanko na nag-medical leave si Ko kahit walang ibinigay na medical certificate, sabi ni Ko hindi naman ito requirement.
02:08Itinanggi rin ni Ko na ipinagmamayabang nila ng kanyang pamilya ang kanilang yaman.
02:13Wala raw nagbago sa kanilang pamumuhay mula ng mahalal siya sa pwesto.
02:17Itinanggi rin ni Ko na kumita siya bilang kongresista mula sa mga proyekto ng SunWest Inc. na dati niyang pag-aari.
02:25Sasagutin daw ni Ko ang mga akusasyon laban sa kanya sa tamang panahon at tamang forum.
02:31Sabi pa ni Ko, ipatatanggal na niya ang kanyang mga personal na gamit sa kanyang opisina sa batas ang pambansa.
02:38Ang party list ano niya, ang mag-aabiso sa kamera kung sino ang papalit kay Ko.
02:42Sa iwalay na sulat, nag-leave din si Ko mula sa akobical party list.
02:47Sa ilalim ng batas, ang papalit sa nagbitiw na party list representative ay ang susunod na kinatawan.
02:54Sa listahan ng mga nominee na isinubi niya ng grupo sa COMELEC.
02:58Geet naman ni Tiyanko, kahit nag-resign si Ko bilang kongresista, hindi siya makakatakas sa mga kaso sa korte.
03:05Pang-iwan yun sa maturati ng tanong sa gettings committee. Kahit naman mag-resign siya, hindi naman siya makakaiwan.
03:13Sa ombudsman, isa si Ko sa mga inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure na kasuhan kaugnay sa irregularidad sa flood control project sa Oriental Mindoro.
03:24Posible pong magsampaan ng kaso paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa Procurement Law po, sa violation ng Revised Penal Code,
03:36specifically sa provision ng malversation and falsification.
03:43And of course, isa po dito ay yung paglabag sa Code of Conduct of Public Officers and Employees.
03:52Inirekomenda rin ng ICI na kasuhan si dating DPWH Mimaropa Regional Director, Engineer Gerald Pakanan,
04:00Assistant Regional Directors na sina Jean Ryan Altea at Ruben Santos Jr. at siyam na iba pang DPWH official.
04:09Damay rin sina Aderma Angeline Alcazar, ang President and Chairman of the Board of Directors ng SunWest, pati ng apat na miyembro ng Board of Directors.
04:18Ang ICI nga, gaya po sa parating sinasabi, ay nagbabase po sa ebidensa.
04:24The stronger the evidence we have, the more complete our evidence we have, that's the time that we will file our recommendation to the Ombudsman.
04:33Hindi po kami, hindi po basta-basta kaming nagre-rely o umaasa sa mga single testimony o sa isang apidavit po lamang.
04:43Sinusubukan namin kunin ang panik ng mga inirekomendang kasuhan.
04:48Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Rebulla, tuloy pa rin ang mga kaso laban kay Coe.
04:53Kumiling na rin ang DOJ ng Blue Notice mula sa Interpol para kumalap ng karagdaga impormasyon ukol sa aktibidad at lokasyon ni Coe.
05:03I don't expect him to come home. I mean, the way that everything is right now, I don't think we will just go home.
05:09Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
05:13Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:18Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment