00:00Hindi naagustuhan ng Department of Justice ang finger heart sign at side comments na ginawa ni Sara Diskaya.
00:06Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:11Pasimpleng finger heart sign.
00:14Ito ang naging sagot ng kontratista na si Sara Diskaya
00:17nang kamustahin siya bago pumasok sa opisina ng Department of Justice nitong Sabado.
00:23Si Curly Diskaya naman, simpleng ngumitila.
00:26Hi sir! Good morning po.
00:28Paglabas naman ang DOJ bago sumakay ng sasakyan,
00:32sumimpleng biro ulit si Sara nang gandahan nyo yung Minsko.
00:36Pero ang DOJ tila hindi natuwa sa ginawa ni Sara Diskaya.
00:41Sa pahayag ni Assistant Secretary Nico Clavano,
00:44ang finger heart sign tila simbolo umano na hindi sincero at masyadong kampante si Sara.
00:51Kaya isinama nila ito sa ginagawang assessment at evaluation sa mga Diskaya na maging witness.
00:57Nagpaalala naman ang DOJ na dapat ang persons of interest sa kaso ay mananatiling maayos at tama ang paghuhugali lalo habang gumugulong ang investigasyon.
01:08Ang pagpunta naman ng mga Diskaya sa DOJ nitong Sabado ay ang ikatlong beses na dumaan sila sa evaluation at assessment.
01:15Sa ngayon, hindi pa sila itinuturing na state witness kundi mga protected witness pa lamang.
01:21Hinihingi ng DOJ ang mga ledgers at dokumento ng mga Diskaya upang maging patunay sa mga pangalang idinadawit nila sa kaso ng mga maanumalyang flood control projects.
01:32At makasama ang mga ito sa irerekomendang masampahan ng reklamo.
01:36We want to ask them specific matters about it kasi ang problema mo, if you cannot point out and you do not have supporting evidence, it's very hard.
01:49Kaya nga, I asked to meet him tomorrow, but I will ask the Senate President to probably give him a day or half a day to look out at its records.
02:00Kasi si Kareli may hawak na records eh. And while in detention, he cannot produce the records for us. And we want the ledgers and other documents to be given to us.
02:09Sa huling tala ng DOJ, 21 individual na ang inirerekomendang sampahan ng malversation, indirect bribery at graft and corrupt practices kaugnay ng maanumalyang flood control.
02:21Kasama na rito ang ilang senador at opisyal ng gobyerno na idinadawit ng dating DPWH officials na sinadating Yusek Roberto Bernardo at mga dating opisyal ng DPWH Bulacan 1st District na sina Henry Alcantara at Bryce Hernandez.
02:37Posible naman anyang madagdagan pa ito, depende sa evaluation sa mga diskaya. At kung makakausap na rin nila, ang umunay security aid diazaldigo na si Orly Guteza.
02:47Mas marami yan and it's going to be congressmen. Probably part of you will be the subject of many of these actions. Marami pa yan. Marami pa kami kailangan kasuhan. Hindi lang talaga kaya sabay-sabay.
03:00And besides, we want to give, we want to work with the ICI already about all of these people who have to be brought to court.
03:10Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.