00:00Para hindi magamit sa pamumulitika, mananatiling privado ang mga pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure ayon sa Executive Director nito.
00:11Kiniyak din ang komisyon na hindi nadodoble ang kanilang investigasyon ang pagsasasasat ng Justice Department. Nakatutok si Joseph Moro.
00:22Balik Independent Commission for Infrastructure o ICI, sinadating DPWH Bulacan 1st District Engineer Bryce Hernandez at JP Mendoza.
00:36Ikatlong beses na silang ipinatawag ng ICI. Tikom ang bibig ng dalawa pero buong hapon silang kinausap ng ICI.
00:43Dumating rin si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia para makapagpulong sa ICI.
00:49Simula noong September 19 na magsagawa ng pagdinig ang ICI, bawal ang media sa loob.
00:54Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, mananatili raw privado ang mga pagdinig ng ICI.
01:02Ito ay sa harap ng mga panawagan na gawing publiko ang mga pagdinig.
01:06We don't want the commission to be used for any political agenda or leverage.
01:10Kaya nag-iingat po kami. Lahat po ng mga binibigay po ng mga informasyon,
01:15kailangan po namin i-verify at in fact kailangan po makolaborate.
01:19Ayon sa Independent Commission for Infrastructure o ICI,
01:22hindi nila nadudoble ang trabaho ng DOJ sa pag-iimbestiga at paghahain ng reklamo.
01:28I think complementary. Nakita naman po ninyo kanina ni CSOJ na pumunta dito kanina
01:33at nag-submit ng mga affidavit.
01:37And for us, that's very important. Close coordination with the government agencies,
01:42whether legislative or investigative, is very valuable for us.
01:48Because the more information that we get, the more basis we will have
01:51to file cases against those who's responsible for this mess.
01:55Ayon kay Rimulya, maaaring idiretsyo ng ICI ang mga reklamo nila sa ombudsman
02:01kung sangkot ang mga opisyal ng gobyerno at sa DOJ.
02:04Walang conflict pero mostly with the ombudsman yan kasi syempre
02:08there's always a working between government, a government person behind every transaction and every case.
02:16Pero kailan ba makakakita ang publiko na may makakasuhan at malilitis sa Sandigan Bayan?
02:22Everything is due process. Siyempre naiinip tayo pero sinasabi ko nga proseso lahat yan.
02:27I mean, paano kami nakapag-file ng kaso kay Atong Ang?
02:30Tatlong taon nang inintay namin. After one year may nakuha kami mga tips.
02:36Sir, this one will take three years?
02:37Hindi naman, hindi naman. Mas matindi yun eh.
02:40Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments