00:00Nararamdaman nyo ba na madali kayo mapagod o kaya nahihilo at minsan maputla pa ang balat?
00:07Nakuha, baka anemia na po yan.
00:09Dahil ayon sa 2023 National Nutrition Survey, 21.8% ng mga buntis sa Pilipinas ay may anemia.
00:18At sa mga batang edad 5 naman pababa, nasa 11.4 ang apektado.
00:23At sa mga senior citizen, halos 2 sa bawat 10 ang may anemia.
00:28Huwag po itong baliwalain dahil hindi po biro ang epekto nito.
00:58Para po mas maintindihan po ng ating mga ka-RSP, ano po ba itong anemia at ano po yung pinakakomon na klase ng anemia sa mga Pilipino?
01:07So ang anemia, ang kahulugan nito ay ang pagbaba ng bilang ng pulang dugo.
01:14Ngayon, importante ang pulang dugo dahil ito ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.
01:21Kaya kapag kulang ang pulang dugo, kulang ang oxygen sa katawan, madaling mapagod, madaling manghina, hindi nakakapagdala ng hangin sa buong katawan.
01:30Ngayon, karaniwan ang usual o karaniwan na sanhi ng pagbaba ng pulang dugo, lalo na sa mga Pilipino, certain ages, ay tinatawag na iron deficiency o ang makakulangan sa iron na ingredients para makagawa tayo ng dugo.
01:46So karaniwan, nakikita itong iron deficiency sa mga nagbubuntis, sa mga kababaihan dahil may buwan ng dalaw na babawasan yung dugo kada buwan.
01:59Sa mga kabataan, dahil ang mga kabataan nabibilis lumaki, kaya ang laki ng demand para sa iron.
02:05So yun yung isa sa mga karaniwan na dahilan ng pagbaba ng bilang ng dugo o anemia.
02:10Ngayon, Doc, paano po ba nalalaman kung anemic po ang isang tao? May specific na blood test po ba na kailangan?
02:17Or okay na po yung normal na CBC, di ba, pag nagpapalaboratory tayo?
02:24So tama po, sa CBC nalalaman o complete blood count, nalalaman ang pagiging anemic dahil ito ay bilang ng dugo.
02:31Ngayon, para malaman naman ang dahilan o sanhi noong pagbaba, may iba pang mga eksaminasyon na ginagawa,
02:39gaya ng mga exams na dugo, gaya ng mga sirong ferritin na exam para sa dami ng iron sa katawan,
02:46or mga ibang test para makita kung saan ba kayaan ang gagaling, ang pag-aba ng bilang ng dugo.
02:51Well, Doc, meron po bang efekto yung madalas na pagpupuyat, stress, even yung irregular meals?
03:01Posible po bang maging makakontribute ito sa pagkakaroon ng anemia?
03:07So ito ay taging natatanongan, kagaya doba, kapag ikaw ay nagpupuyat, ikaw ba ay maging anemic?
03:14Ito medyo maliktad, no? Kapag ikaw ay actually napupuyat dahil ito ay sintomas actually ng pagiging anemic,
03:24pero hindi nakakababa ng bilang ng dugo ang pagpupuyat.
03:30Ngayon, kapag ikaw naman ay hindi irregular ang pagkain, hindi ka nakakakuha ng tamang nutrisyon,
03:36ng tamang mga nutrients na gagamitin mo dapat para sa paggawa ng dugo,
03:40kaya ito ay pwedeng maging sanhi ng pagbababi ng dugo.
03:44Stress, hindi naman din nagiging dahilan para bumaba ang bilang ng dugo,
03:49kaya lang, magiging hindi ka ganon kagaling makakup sa stress dahil na nakukulang yung oxygen sa katawan.
03:57Hindi mo kakayanin, masagot yung mga stress na nakukuha mo.
04:02Okay, Doc. Yung mga pagkain po na dapat iwasan o dagdagan,
04:07ano-ano po ba yun para yung makatulong po, lalo na sa may mga anemia?
04:11Tsaka safe din po ba yung pag-inom ng iron supplement?
04:14So, sa mga pagkain naman, maraming mga pagkain na rich sa iron,
04:21na mayamag sa iron, kagaya po ng mga karne,
04:26yung red meat, organ meats gaya ng atay,
04:29medyo marami ring iron yan.
04:31Mga gulay mayroon din naman, kaya lang, minsan hindi ganon kaganda ang pagkuhan natin ng iron mula sa mga gulay,
04:38kaya sinasamahan din natin ng ibang mga sources gaya ng mga karne.
04:43Ngayon po, ang paggamit ng iron supplements,
04:46lalo na kung galing naman sa iron deficiency o pagbaba ng iron sa katawan ang dahilan,
04:52pwedeng makatulong naman ito sa pag-improve o pagpapaganda ng bilang ng dugo.
04:58Yun lang, ang isang importanteng kailangan malaman natin ay hindi kasi lahat ng pagiging anemic ay dahil lang sa iron.
05:06Pagkos, pwede pang makasama minsan ang sobra na iron.
05:12Bukod kasi sa iron deficiency, isa din sa mga medyo karadiwa na dahilan ay yung in-bore na dahilan ng pagbaba ng dugo
05:19o yung tiyatawag na thalassemia.
05:21Yun po, in-bore naman yun.
05:23Yung mga ganong may kondisyon, matako naman sa iron.
05:25E ang iron pagsobra sa katawan, nakakasira.
05:29Nakakasira din yan.
05:30Para kasing kalawang yan, isisirain yan ang mga organs kapag sumusombra.
05:34Kaya maganda, makapagpatingin sa ating mga doktor para alam po ano ang magandang paraan
05:39para magandahin ang pagiging anemic.
05:41So, talagang best advice is to check po sa ating mga doktor kung ano po ba talagang anong nangyayari,
05:50kung anemic ba talaga, o baka mamaya sobra naman pala sa iron.
05:53Pero ano po ba yung mga worst case scenario kung hindi po agad maagapan po ang anemia?
06:01Lalo na po ang anemia dahil sabihin nga hindi tumadaloy ng maigi ang oxygen sa buong katawan.
06:08Mahikirapan ang ating katawan na gumana ng tama.
06:13Kapag sobrang baba yung bilang ng dugo, yung mga nararamdamang sintomas,
06:18yung mga madali mapagod, may ilang nahihimatay, yung mga ganyan.
06:21At hindi ka magiging productive sa trabaho, yan yung mga pwedeng maging sintomas.
06:26Yung mga kapag sobrang pangit, sobrang malala, yung pagiging anemic,
06:30misa na oospital pa dahil kailangang salina ng dugo.
06:34So, ito yung mga hindi magagandang epekto ng anemia sa katawan.
06:38So, yan ay yung mga tips ni Doc kung paano natin iingatan ng ating sarili patungkol sa anemia.
06:45Ang simpleng pagod, yung pamumutla o yung pagkahilo ay hindi dapat binabaliwala.
06:50Mahalagang magpatingin sa mga espesyalista, kumain ng masustansya,
06:55at alagaan ang inyong sarili mga ka-RSP.
06:58Maraming pong salamat.
06:59Muli, nakasama po natin si Dr. Rico Paolo Gomez-T.
07:02Maraming salamat po.
07:03Thank you, Doc.
07:05Maraming salamat din po.
07:06Maraming salamat.