Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa Oriental Mindoro, bugbugsarado rin sa Bagyong Opong, ang Occidental Mindoro, kung saan isang namatay.
00:07Nakatutok si Bea Pinlak.
00:12Nagmistulang dagat ang kalsadang ito sa San Jose Occidental Mindoro dahil sa bahang dulot ng pananalasa ng Bagyong Opong.
00:20Usad pagong ang mga sasakyan. May tumirik pang tricycle sa gitna ng daan.
00:24Sa tala ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Occidental Mindoro, isang lalaking edad 51 ang nasawi at tatlo ang sugatan dahil sa bagyo.
00:54Sa Sablayan, nailigtas ng mga otoridad ang limang crew ng isang bangkang inanod ng malakas na alon at hangin noong biyernes ng hapon.
01:06Ayon sa Philippine Coast Guard, lumangoy ang limang crew patungo sa Pandan Island sa kasagsagan ng bagyo.
01:12Ligtas din ang mga sakay ng fishing vessel na sumadsad naman malapit sa baybayin ng paluan.
01:18Ayon sa PCG, hindi ito nagdulot ng oil spill sa dagat.
01:22Mahigit liman libong pamilya o halos labing walong libong individual ang apektado ng Bagyong Opong sa Occidental Mindoro.
01:29Di bababa sa limampung milyong piso ang pinsala sa agrikultura ng probinsya.
01:34Sa Oriental Mindoro naman, napinsala ng bagyo ang isang high school sa bayan ng Bongabong.
01:40Nabuwal din ang ilang puno at lumaylay ang mga kawad.
01:44Lagpas limampung libong pamilya na o mahigit sandaan at animnapung libong individual ang nasa lanta ng Bagyong Opong sa probinsya.
01:52Umakyat na sa apat na po ang sugatan.
01:54Hinahanap pa rin ang dalawang nawawalang manging isda sa bayan ng Mansalay.
01:59Lumobo na sa halos kalahating bilyong piso ang halagan ng pinsala sa agrikultura dito sa Oriental Mindoro
02:05at halos 150 milyon pesos naman sa kanilang infrastruktura.
02:10Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended