Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30Motorcyclo ang nakasalpukan nito.
00:32Tumilapon ang rider.
00:34Nagpagulong-gulong naman ang nakalas na utility box ng motor.
00:39Ang tinapay na bit-bit ng rider tumilapon sa bubong ng sasakyan.
00:44Grabe!
00:47Dead on the spot, ang 41-anyos na rider.
00:54Kwento ng saksing tumangging humarap sa camera.
00:57Kasabay ko si Karina dyan sa stoplight.
01:00Patuloy na siya.
01:01Ilang siguro, four times sa twumbling-tumbling bago bumagsak.
01:06Sa investigasyon ng polisya, pauwi na sa Antipolis City ang rider mula kainta matapos maglaro ng basketball.
01:14Magsusundo naman daw sana ng kaanak, ang 57-anyos na AUV driver,
01:19para bumiyahe sa probinsya at makilamay sa namatay nilang kaanak.
01:23Kakaliwa po siya para pumasok sa subdivision po siya.
01:26Nung pakaliwa siya, moderate lang yung takbo.
01:30So kung takbo ng motorcycle, kung hindi siya ganong katulin, makakapag-sudden brake siya at may prevent yung collision.
01:38Tumangging magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng nasawing rider.
01:42Nasa kustodiyan na ng kainta polis ang AUV driver.
01:46Kasi nagulat din po ako. Sobrang bilis niya.
01:49Ano po?
01:50Sobrang bilis. Nakakalungkot. Wala naman po akong masamang intention.
01:55Aksidente po talaga.
01:57Maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.
02:03Para sa GMA Integrated News, E.J. Gomez, nakatutok 24 oras.
02:11Mas malaki pa raw sa pork barrel noon ang nadiskubri ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.
02:17Maygit isandaang bilyong piso ang isiningit raw o yung mga insertions sa national budget ngayong 2025
02:24ng halos lahat anya ng mga senador sa 19th Congress.
02:29Nakatutok si Mav Gonzalez.
02:30Nagulat daw si Senate President Pro Tempore Ping Lacson na sa 2025 General Appropriations Act,
02:39mahigit sang daang bilyong piso anya ang insertions o isiningit ng halos lahat ng senador ng 19th Congress.
02:46Individual insertions daw ito na naka-FLR o for later release.
02:50Hindi pa raw siya nakakita ng ganito kalaking halaga.
02:53Noon daw kasi, nasa daang daang milyong piso lang ang Priority Development Assistance Fund o PDAF
02:58na mas kilala bilang pork barrel bago ito i-declarang unconstitutional.
03:03Sabi ni Lacson, hindi pa niya nakikita ang buong listahan ng mga kongresistang nag-singit din sa budget,
03:09pero mahaba rin anya ito.
03:11Pwede raw niyang tanungin sa budget deliberation kung bakit ito pinayagan,
03:14kung ilan sa mga insertion ang na-release at paano ito ay pinatupad.
03:18Giit ni Lacson, bagamat hindi naman agad-agad masasabing iligal ang mga budget insertion o amendment,
03:24nako-question nito lalo kung umabot ang individual insertion ng 5 hanggang 10 na bilyong piso.
03:29Nanawagan din ang senador sa mga kapwa mambabatas na iwasan ang paggamit ng tinatawag na leadership fund sa DPWH
03:36na nagbibigay daan para makapag-singit ng proyekto ang mga senador at kongresista kahit sa National Expenditure Program o NEP.
03:44Samantala, may mga senador na nababahala sa affidavit ni Orly Gutesa,
03:49ang dating security aide ni Congressman Zaldico,
03:51na nag-deliver umano ng mali-maletang pera kinako at dating House Speaker Martin Romualdez.
03:56Bukod kasi sa hindi pagsipot sa pulong niya sa Justice Secretary,
04:00pinasinungalingan ng dalawang dating kasamahan niya ang kanyang pahayag.
04:03Itinanggi rin ang nakapirmang notaryo na si Atty. Peci Rose Espera
04:07na siya ang nagnotaryo at tumulong maghanda sa salaysay ni Gutesa.
04:11Sabi ni Laxon, makakatulong ang Manila Regional Trial Court
04:15na lutasin ang misteryo ng kontrobersyal na affidavit ni Gutesa.
04:19Sabi ni Sen. Rodante Marcoleta,
04:21na nagpakilala kay Gutesa sa Senate Blue Ribbon Committee,
04:24walang epekto sa salaysay ni Gutesa ang anumang problema sa pagnotaryo sa affidavit
04:29dahil binasa niya ito sa pagdinig.
04:31Sumumpa naman daw siya sa Blue Ribbon,
04:33binasa roon ang kanyang salaysay at tinanong pa ng mga senador.
04:36Kaya aniya, kahit walang notaryo, hindi nawala ng saysay ang mga sinabi ni Gutesa.
04:41Pwede naman daw ipanotaryo muli ni Gutesa ang affidavit niya
04:44para mawala ang duda ng mga tao.
04:47Tingin ni Marcoleta, may kredibilidad bilang testigo si Gutesa
04:50dahil tinest niya ito at pinagtatanong sa mga sinabi niya,
04:54partikular sa mga umanimbaleta ng pera.
04:56Taliwas naman ang pananaw ni Sen. Erwin Tulfo na may duda raw kay Gutesa.
05:01Lalo pa raw ng itangginang notaryo na pinirmahan niya ang affidavit nito.
05:04Ngayon nga po, nawawala na po yung, nawawala na po si Mr. Gutesa.
05:09Hindi na nga makita po, hindi na po matagpuan.
05:12Medyo, at this point po, medyo nakakapagdudal.
05:16Gusto ko nga may isang hearing pa po para matawag yung tao na yun,
05:19mga course examin po natin, para matanaw lang po natin,
05:24sino ba ang nagturo sa'yo?
05:25Dagdag ni Tulfo, magandang makuha rin ang CCTV footages
05:29mula sa pinagdalhan umanong exclusive subdivision.
05:32Pero ang eleksyon daw rito, dapat suriin mo na ang mga testigo
05:36bago paharapin sa pagdinig.
05:38Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, nakatutok, 24 oras.
05:44Bukod sa Oriental Mindoro, bugbugsarado rin sa bagyong opong
05:48ang Occidental Mindoro, kung saan isang namatay.
05:51Nakatutok si Bea Pinlak.
05:52Nag-miss tulang dagat ang kalsadang ito sa San Jose Occidental Mindoro
06:00dahil sa bahang dulot ng pananalasa ng bagyong opong.
06:04Usad pagong ang mga sasakyan.
06:06May tumirik pang tricycle sa gitna ng daan.
06:08Sa tala ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office
06:21ng Occidental Mindoro, isang lalaking edad 51 ang nasawi
06:25at tatlo ang sugatan dahil sa bagyo.
06:27Sa Sablayan, nailigtas ng mga otoridad ang limang crew
06:45ng isang bankang inanod ng malakas na alon at hangin
06:48noong biyernes ng hapon.
06:50Ayon sa Philippine Coast Guard, lumangoy ang limang crew
06:53patungo sa Pandan Island sa kasagsagan ng bagyo.
06:56Ligtas din ang masakay ng fishing vessel
06:58na sumadsad naman malapit sa baybayin ng paluan.
07:02Ayon sa PCG, hindi ito nagdulot ng oil spill sa dagat.
07:06Mahigit liman libong pamilya
07:07o halos labing walong libong individual
07:10ang apektado ng bagyong opong sa Occidental Mindoro.
07:13Di bababa sa limampung milyong piso
07:15ang pinsala sa agrikultura ng probinsya.
07:18Sa Oriental Mindoro naman,
07:20napinsala ng bagyo ang isang high school sa bayan ng Bongabong.
07:23Nabuwal din ang ilang puno at lumaylay ang mga kawad.
07:28Lagpas limampung libong pamilya na
07:30o mahigit sandaan at animnapung libong individual
07:33ang nasalanta ng bagyong opong sa probinsya.
07:36Umakyat na sa apat na po ang sugatan.
07:38Hinahanap pa rin ang dalawang nawawalang manging isda
07:41sa bayan ng Mansalay.
07:43Lumobo na sa halos kalahating bilyong piso
07:45ang halagan ng pinsala sa agrikultura
07:47dito sa Oriental Mindoro
07:49at halos 150 milyon pesos naman
07:52sa kanilang infrastruktura.
07:54Para sa GMA Integrated News,
07:56Bea Pinlak, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended