Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mas malaki pa rao sa pork barrel noon ang nadiskubri ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.
00:07Mahigit isandaang bilyong piso ang isiningit rao o yung mga insertions sa national budget ngayong 2025
00:14ng halos lahat anya ng mga senador sa 19th Congress.
00:18Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:23Nagulat daw si Senate President Pro Tempore Ping Lacson na sa 2025 General Appropriations Act
00:28Mahigit isang daang bilyong piso aniya ang insertions o isiningit ng halos lahat ng senador ng 19th Congress.
00:35Individual insertions daw ito na naka-FLR o for later release.
00:40Hindi pa raw siya nakakita ng ganito kalaking halaga.
00:42Noon daw kasi, nasa daang daang milyong piso lang ang Priority Development Assistance Fund o PDAF
00:47na mas kilala bilang pork barrel bago ito ideklarang unconstitutional.
00:52Sabi ni Lacson, hindi pa niya nakikita ang buong listahan ng mga kongresistang nagsingit din sa budget
00:58pero mahaba rin aniya ito.
01:00Pwede raw niyang tanungin sa budget deliberation kung bakit ito pinayagan,
01:04kung ilan sa mga insertion ang na-release at paano ito ay pinatupad.
01:08Giip ni Lacson, bagamat hindi naman agad-agad masasabing iligal ang mga budget insertion o amendment,
01:13nakokwestiyon ito lalo kung umabot ang individual insertion ng 5 hanggang 10 na bilyong piso.
01:19Nanawagan din ang senador sa mga kapwa mambabatas na iwasan ang paggamit ng tinatawag na leadership fund sa DPWH
01:26na nagbibigay daan para makapag-singit ng proyekto ang mga senador at kongresista kahit sa National Expenditure Program o NEP.
01:34Samantala, may mga senador na nababahala sa affidavit ni Orly Gutesa,
01:38ang dating security aide ni Congressman Zaldico,
01:40na nag-deliver umano ng mali-maletang pera kinako at dating House Speaker Martin Romualdez.
01:46Bukod kasi sa hindi pagsipot sa pulong niya sa Justice Secretary,
01:49pinasinungalingan ng dalawang dating kasamahan niya ang kanyang pahayag.
01:52Iti nanggi rin ang nakapirmang notaryo na si Atty. Pesci Rose Espera
01:56na siya ang nagnotaryo at tumulong maghanda sa salaysay ni Gutesa.
02:01Sabi ni Lacson, makakatulong ang Manila Regional Trial Court
02:04na lutasin ang misteryo ng kontrobersyal na affidavit ni Gutesa.
02:08Sabi ni Senador Dante Marcoleta,
02:10na nagpakilala kay Gutesa sa Senate Blue Ribbon Committee,
02:13walang epekto sa salaysay ni Gutesa ang anumang problema sa pagnotaryo sa affidavit
02:18dahil binasa niya ito sa pagdinig. Sumumpa naman daw siya sa Blue Ribbon,
02:22binasa roon ang kanyang salaysay at tinanong pa ng mga senador.
02:26Kaya aniya, kahit walang notaryo, hindi nawala ng saisay ang mga sinabi ni Gutesa.
02:31Pwede naman daw ipanotaryo muli ni Gutesa ang affidavit niya
02:34para mawala ang duda ng mga tao.
02:36Tingin ni Marcoleta, may kredibilidad bilang testigo si Gutesa
02:40dahil tinest niya ito at pinagtatanong sa mga sinabi niya,
02:43particular sa mga umaneng maleta ng pera.
02:45Taliwas naman ang pananaw ni Senador Erwin Tulfo,
02:48na may duda raw kay Gutesa.
02:50Lalo pa raw ng itanggin ng notaryo na pinirmahan niya ang affidavit nito.
02:54Ngayon nga po, nawawala na po.
02:56Nawawala na po si Mr. Gutesa.
02:58Hindi na nga makita po, hindi na po matagpuan.
03:02Medyo, at this point po, medyo nakakapagduda.
03:05Gusto ko nga may isang hearing pa po para matawag yung tao na yun,
03:09ma-course examin ho natin, para matanaw lang ho natin,
03:13sino ba ang nagturo sa'yo?
03:15Dagdag ni Tulfo, magandang makuha rin ang CCTV footages
03:18mula sa pinagdalhan o manong exclusive subdivision.
03:21Pero ang eleksyon daw rito,
03:23dapat suriin muna ang mga testigo bago paharapin sa pagdinig.
03:27Para sa GMA Integrated News,
03:29Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
03:34May tuturing daw ng Department of Justice
03:36sa sinyalis ng kawalan ng sinsiridad.
03:39Ang pagiging kampante ang mga aksyon at pahayag kahapon ni Sarah Niskaya.
03:44Ma'am, short statement lang po.
03:47How did it go po, ma'am?
03:49Kama sa ko?
03:50Ma'am, how did it go?
03:51Sinabi ni Sarah Niskaya nang hinga ng pahayag ng media
03:54habang palabas ng DOJ kahapon.
03:57Nang dumating naman siya, nagsend niya siya ng finger heart sa mga tao.
04:02Sabi ni DOJ spokesperson, Asek Miko Clabano,
04:06kasama ang mga ginawa at sinabi ni Sarah sa mga isasaalang-alang
04:09sa isinasagawa nilang assessment at evaluation.
04:13Paghimok ng DOJ, kumilos ang naaayon ng lahat ng persons of interest
04:17sa iniimbisigahang maanumalyang flood control projects.
04:21Kabila ang mag-asawang Sarah at Curly Niskaya
04:23sa mga protected witnesses sa ilalim ng Witness Protection Program ng DOJ.
04:28Nagpunti sila kahapon sa DOJ para magsumiti ng mga ebidensya.
04:315 hanggang siyampang bagyo ang inaasahan sa Philippine Area for Responsibility
04:38bago matapos ang taon ayon sa pag-asa.
04:41Sinabi rin ng weather agency na nagbibigay sila sa DPWH
04:45at mga humihinging contractor ng datos tungkol sa dami ng ulan
04:50na makakatulong daw sa paglidesenyo ng mga drainage.
04:54Nakatutok si Bernadette Reyes.
04:56Dahil sa sunod-sunod na bagyo nitong mga nakaraang linggo,
05:03maraming lugar sa bansa ang binayo ng malalakas na hangin,
05:07nakaranas ng matitinding ulan,
05:09at nalubog sa matataas na baha.
05:13Ngayong taon, labin-limang bagyo na ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
05:19Tiglima noong Agosto at ngayong Setiembre.
05:23Sa nanalabing tatlong buwan ng taon,
05:25lima hanggang siyam na tropical cyclones pa
05:27ang maaaring pumasok sa PAR.
05:31Batay sa historical data,
05:33kadalasan mga lugar sa Visayas at Mindanao
05:36ang posibleng naa-apektuhan nito.
05:38Nagla-landfall o tumatama at tumatawid rin sa lupa ang mga ito.
05:43Hindi naman natin inaasahan na mas malalakas,
05:47pero more on landfalling silang mga tropical cyclones.
05:51So that's why, of course, yung preparation natin,
05:53mas kailangan for that.
05:55Ang DSWD hihilingin daw sa DBM na ma-replenish ang Quick Response Fund
05:59bilang paghahanda sa mga maaari pang dumating na kalamidad.
06:03So far, sapat po yung resources ng DSWD,
06:08but we will request for replenishment of our Quick Response Fund
06:13kasi that's provided naman under existing laws
06:15na once na bumaba na o na-meet na natin yung 50%
06:18o na obligate na natin 50% of our Quick Response Fund,
06:22ay maaari tayong mag-request for replenishment.
06:25So we will do that.
06:25Kaugnay ng mga flood control projects,
06:28sinabi ng pag-asa na nagbibigay sila sa DPWH
06:31at mga nagre-request na contractors
06:34ng Rainfall Intensity Duration Frequency o RIDF Curve
06:39na batay sa Analyzed Rainfall Data.
06:41Sabi ng pag-asa, makakatulong ito sa hydraulic design applications,
06:47pagdidesenyo ng urban drainage system at iba pa.
06:50We provide such kind of information.
06:54But we are not, of course, after providing the information,
06:58we don't know whether it was used or not.
07:00Ang pag-asa po, ang mandate niya is pertaining only to that.
07:05And then kapag ka naman dun sa other,
07:09halimbawa for the design standards,
07:11of course, that's under the DPWH na po.
07:15So I think that is the reason why yung subsequent consultation
07:19are no longer being done with pag-asa.
07:24Sinusubukan pa naming makunan ng pahayag ang DPWH kaugnay nito.
07:29Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
07:35Sous-titrage Société Radio-Canada
Be the first to comment
Add your comment

Recommended