00:00A lot of rations written on the 2026 Flood Control Projects
00:08kay Pangulong Bongbong Marcos
00:11Jasmin Gabriel Galvan from GMA Regional TV
00:16Sa kabila ng controversy sa mga flood control projects,
00:23ito ang binigyang diini Pangulong Bongbong Marcos.
00:26Hindi ibig sabihin matitigil ang flood control project dahil po sa aming mga pag-aaral,
00:33meron pa yung budget ng flood control project sa 2025 ay 300 plus billion.
00:42So hindi pa naubos yun. So tuloy-tuloy pa rin ang magiging flood control project.
00:47Pero Anya, titiyakin daw na maayos ang proposal, implementasyon at naaayon ang proyekto sa pangangailangan ng isang lugar.
00:55Babantayan din na walang magiging bahid ng korupsyon sa mga proyekto.
00:59Ibabalik din ang Pangulo ang proseso ng acceptance ng LGU sa lahat ng completed national projects.
01:05Napaka-importante yan na meron kang clearance sa barangay chairman, may clearance ka sa mayor, may clearance ka sa probinsya.
01:15Dahil yun ang paraan namin sa local government para tiyakin na yung mga project ay magandang pagkagawa at tama
01:23at hindi naman nagmahal ng masyado.
01:26Ayon sa Pangulo, sa kabuwang 255.5 billion pesos na nasave ng gobyerno sa mga kansilado ng 2026 flood control project,
01:3636 billion pesos ay ilalaan sa DSWD para sa AICS at SLP,
01:41may git 26 billion peso sa DepEd,
01:4329 billion sa DOH para sa pagtatayo ng mga ospital,
01:4746 billion sa Department of Agriculture,
01:495 billion sa National Irrigation Administration,
01:52maglalaan din ng pondo sa DOLE para sa tupad na nasa ilalim ng social programs ng gobyerno.
01:58Gayon din sa DICT, DOE para sa Electrification Program,
02:02Anti-Agricultural Smuggling,
02:04Waste to Energy Program,
02:06at maging sa DOTR para sa pagpaganda ng transport system sa bansa.
02:10Titiyakin po natin na hindi na po maulit yung ating nakita.
02:15Titiyakin po natin na bawat sentimo na pera ninyo.
02:20Kami po ay kung tawagin, e-kustodyan lang, tigabantay lang kami sa pera ninyo.
02:25Sa amin ang responsibilidad, ang katungkulan na tiyakin na ang bawat sentimo ay mapupunta sa maganda
02:33para pagandahin po ang buhay ng ating mga kababayan.
02:37Ang anunsyo ng Pangulo ay sa gitna ng pamamahagi niya ng tulong
02:41sa mahigit dalawang libong pamilya sa Cagayan na sinalanta ng Super Typhoon Nando.
02:46Kabuo ang 2,533 na pamilya mula sa Santa Ana at Gonzaga
02:50ang nabigyan ng tigsampung libong pisong cash assistance at family food packs.
02:55Ang mga nasalantang magsisaka, binigyan ng cash assistance at pataba.
02:59Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
03:02Jasmine Gabriel Galban nakatutok 24 oras.
Comments