00:00Magandang hapon! Ito po ang ating latest weather update ngayong araw.
00:04Kanina nga pong alas gis ng umaga ay nakalabas na ng ating Philippine Area of Responsibility,
00:10itong Sibagyong Opong, at habang binabaybay nga po ang West Philippine Sea,
00:14ay mas lumakas pa bilang isang typhoon category kaninang umaga.
00:18Sa ngayon nga po ay nasa layo na po ito na 665 kilometers sa kanluran ng Iba Zambales,
00:25at meron pa rin po itong taglay na hangin na aabot sa 130 kilometers per hour at pag bugso na aabot sa 160 kilometers per hour.
00:34Pero ngayon dahil malayo na nga po ito sa ating mga kalupaan,
00:38ay wala na po tayong nakataas na wind signals kanina pong alas 11 ng umaga dahil nga malayo na ito,
00:44at meron na lamang po tayong mga bugso-bugso hangin dahil naman po dito sa Southwest Monsoon o sa Habagat.
00:52At aside po sa bugso ng hangin, meron din po itong dala na maulap at maulang panahon sa may Palawan at sa may Occidental Mindoro.
01:01Pero aasahan natin na mawawala naman na ang epekto nitong Southwest Monsoon dito sa area ng Occidental Mindoro bukas,
01:09liba na lamang dito na lang sa may Palawan at Kalayaan Islands.
01:13Samantala, ito naman pong Easter Least.
01:16Ang mapapansin po natin, ito po yung nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi po ng ating bansa.
01:24So mapapansin natin, wala po masyado tayong mga makakapal na kaulapan dahil po yan sa Easter Least
01:30o yung hangin na mainit at maalinsangang na nanggagaling po sa Karagatang Pasipiko.
01:36O kaya napansin po natin ngayong umaga ay mas mainit na po ang ating mga nararamdaman.
01:43Ito po yung ating forecast para bukas.
01:46So dahil nga po sa Easter Least ay magpapatuloy po yung matinding init sa malaking bahagi ng Luzon,
01:52liba na lamang sa mga isolated or localized thunderstorms especially sa hapon o sa gabi.
01:58Dahil nga po sa init, papalo po hanggang 33 degrees Celsius ang maximum temperature,
02:04lalong-lalo na dito po sa may Tugigaraw pati na rin po dito sa may Lawag.
02:09Aside po doon sa Metro Manila, aabot ng 32 degrees Celsius naman ang ating maximum temperature.
02:16Dito naman po sa may Palawan, Visayas at Mindanao,
02:19magpapatuloy nga ang epekto ng southwest monsoon sa may Palawan at Kalayaan Islands.
02:26Ngunit sa nalalabing bahagi ng ating bansa, asahan naman yung maaliwalas na panahon.
02:31So generally, improving po yung ating weather conditions.
02:35Kaya sana, itake po natin itong oras na ito para makapag-recover po yung ating mga kababayan na nasa lanta.
02:42Nito nga pong si Bagyong Opong.
02:45Dito naman po sa nakakaranas ng Easter Least,
02:49asahan pa rin po natin yung posible yung mga biglaang mga pagulan dahil po sa mga thunderstorms.
02:54Kaya po ayating nga pong bisitahin ang webpage na panahon.gov.ph para po malaman natin kung meron pong thunderstorm na posibleng mangyari o mag-occur doon po sa inyong mga localities.
03:08Ito naman po ang ating mga agwat ng temperatura, kung saan dito po sa May Davao aabot sa 33 degrees Celsius ang kanilang temperatura,
03:17habang sa Zamboanga, sa May Cebu, Iloilo at sa May Cagayan de Oro posibleng pumalo ng 32 degrees Celsius ang kanilang temperatura dahil nga po sa tinding sikat ng araw.
03:29Magdala pa rin po tayo ng mga pananggalang para po sa mga biglaang pagulan at dun din po sa matinding sikat ng araw.
03:36Dahil nga po ay papalayo na nga po itong si Typhoon Bualoy, ay wala na nga po tayong nakataas na gale warning sa anumang baybaying dagat ng ating bansa.
03:49Ngunit mag-ingat pa rin po yung ating mga kababayan na nandito po sa may western at sa eastern sections ng Luzon at Visayas
03:57dahil posible pa nga po yung mga katamtaman hanggang maalon na mga karagatan dito po sa may seaboards ng eastern at western Luzon at Visayas.
04:09At habang papalayo na nga, ang Typhoon Bualoy ay maaari na nga po mas bumaba, magiging katamtaman at banayad na lamang ang kanilang mararanasan sa susunod pa na mga araw.
04:20Kaya't mag-ingat pa rin po yung ating mga mandaragat.
04:24At para naman po sa ating 3-day weather outlook, inaasahan natin na magpapatuloy po ang epekto ng easterly sa malaking bahagi ng ating bansa.
04:33Kaya't mainit at malinsangan na may chance na mga thunderstorms ang ating weather from Lunes hanggang sa Wednesday.
04:43Ngunit dito sa may Bicol Region, pati na rin nga po doon sa may Aurora at Quezon, posible po tayong makaranas ng mga makulimlim na panahon
04:51at meron din po mga kalat-kalat na pagulan dahil po yan sa easterlies din po.
04:56Posible nga po ay yung mga pagulan po dito hindi naman po gaanong kalakas.
05:01Yun lamang pong mga scattered rain showers o yung mga pagambun-ambun lang throughout the day.
05:07Yun po yung ating inaasahan at hindi naman ganun kalakas nung mga nakarang araw dahil kaya typhoon na opong.
05:17At dito na nga po sa may Cagayan Valley, pati na rin po sa may Tugigaraw area, asahan po natin magiging makulimlim din po sa kanilang lugar by Merkoles o sa Wednesday po yan.
05:30Dito naman po sa may Visayas, asahan din po ang epekto ng easterlies na magpapatuloy hanggang Merkoles din po.
05:38Dito sa may Eastern Visayas, posible din po yung mga makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pagulan dahil po sa easterlies.
05:45At yun nga po, yung mas maapektuhan nito ay yung nandun po sa may Eastern sections at sa may Northern sections ng summer na nasa lanta nga po ng bagyo.
05:56Kaya mag-ingat at mag-handa pa rin po tayo dito sa mga posibleng mga pagulan.
06:01At dito naman sa Mindanao, asahan nga po natin tuloy-tuloy ang matinding sikat ng araw.
06:07Kaya para po sa ating mga senior citizens at yung may mga comorbidities, iwasan po natin na lumabas po during 10 a.m. hanggang sa alas 2 ng hapon.
06:18Dahil yun po yung mga oras na meron po tayong matitinding sikat ng araw.
06:22So, kailangan mag-ingat po tayo magbaon ng mga tubig para hindi naman po tayo ma-dehydrate throughout the day.
06:30At para naman po dito sa Kalakang, Maynila, ang araw ay lulubog mamayang 5.48pm at sisikat naman bukas ng 5.46pm.
06:40At para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang mga social media accounts ng DOST Pag-asa sa X, sa Facebook at sa YouTube.
06:49At para sa mas detalyadang impormasyon, bisitahin po ang aming website sa panacon.gov.ph at sa pag-asa.dost.gov.ph.
06:58Muli ito po si Lian Loreto. Mag-ingat tayo at mag-antabay tayo sa balita galing sa pag-asa.
Be the first to comment