Skip to playerSkip to main content
-Dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribon Committee; nag-sorry sa naging papel niya sa flood control projects/ Dating DPWH Usec. Bernardo: Nakatanggap ng kickback sa flood control projects sina Sen. Chiz Escudero, dating Sen. Bong Revilla at dating Sen. Nancy Binay/ Dating DPWH Usec. Bernardo, dinala sa DOJ mula sa Senado para suriin ang kanyang sinumpaang salaysay; itinuturing na ring protected witness

-DILG: Dapat maghanda na ang mga LGU sa hagupit ng bagyo/ DOH, naka-code white alert bilang paghahanda sa hagupit ng bagyo

-PAGASA: Bagyong Opong, lumakas bilang Severe Tropical Storm habang lumalapit sa bansa

-Mga residente sa Brgy. Apitong, kani-kaniyang diskarte para maghanda sa bagyo/ Ilang residente, masama ang loob sa ghost flood control projects; malaking tulong daw sana iyon ngayong may bagyo/ Ilang magsasaka, nangangamba sa kanilang palayan na posibleng malubog ulit sa baha/ Mga residente sa mga bahaing lugar, pinaghahanda na sa posibleng paglikas

-DOJ: Mag-asawang Discaya, dating DPWH-Bulacan Engrs. Alcantara, Hernandez, at Mendoza, itinuturing nang mga protected witness/ DOJ Sec. Remulla: Posible pa ring maharap sa mga kasong kriminal ang protected witnesses

-Isa pang luxury car ni Engr. Brice Hernandez, isinuko sa Independent Commission for Infrastructure/ Isusuko rin ni Brice Hernandez ang mga mamahalin niyang motorsiklo, ayon kay ICI Special Adviser Mayor Magalong/ Dating Senate Pres. Escudero, humarap sa ICI; itinangging kasama siya sa small committee na nagsingit umano ng mga proyekto sa 2025 budget

-4-anyos na babae, patay sa pamamalo ng ina; suspek, aminadong pinalo ang anak dahil makulit at makalat daw

-9 na bahay sa Brgy. Longos, napinsala ng buhawi/ 14 na pamilya malapit sa ilog, inilikas dahil sa pagbaha

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit na balita, humarap na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
00:07sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
00:10Nag-sorry si Bernardo sa naging papel niya sa katiwalian sa flood control projects.
00:14Sa sinumpaang salaysay ni Bernardo,
00:16pinangalanan niya si Sen. Cheese Escudero na nakakuhaan niya ng P160 million
00:21mula sa pondo sa ilang proyekto sa Marinduque at Valenzuela.
00:26I-deliver daw ni Bernardo ang pera sa kaibigan ni Escudero na si Maynard Ngu.
00:32Nagpadala rin daw ng pera si Bernardo sa mga bahay ni nadating Sen. Bong Revilla at Nancy Binay.
00:40125 million pesos daw ang i-deliver kay Revilla habang 37 million pesos naman daw kay Binay.
00:47Sisikapin pang kunin ang pahayag ng mga idinawit ni Bernardo sa kanyang affidavit.
00:52Una nang itinangginin na Revilla at Escudero na sangkot sila sa anumang katiwalian.
00:55Tulad ng ginawa kay Engineer Henry Alcantara sa nagdang-hearing,
00:59pinayagan ng Senado ng umalis si Bernardo sa gitna ng hearing
01:02kasama si Justice Secretary Jesus Crispin Rimulla.
01:05Pumunta sila sa DOJ para suriin ang sinumpaang salaysay ni Bernardo.
01:10Ayon kay Rimulla, itinuturing na ring protected witness si Bernardo.
01:14Nagpapatuloy ang pagdilig ng Senate Duribun Committee.
01:17Pinaghahanda ng Department of the Interior and Local Government o DILG
01:26ang ilang probinsya sa hagupit ng Bagyong Opong.
01:30Ang mga probinsya sa Eastern Visayas nakaalerto na.
01:33Puspusan ng monitoring sa mga flood at landslide prone area sa iba't ibang barangay.
01:37Kansilado na kahapon pa ang biyahe ng mga barko sa Matnog Sorsogon,
01:41alinsunod sa advisory ng Philippine Coast Guard.
01:43Ang mga manging isda naman sa Virac, Catanduanes,
01:47inililipat na ang kanilang mga bangka sa ligtas na lugar.
01:50Umaasa silang hindi masisira yun ng masamang panahon.
01:53Pinatututukan ng DILG ang high-risk areas na nasa daraan na ng bagyo.
01:58Kabilang sa dapat daw ihanda ang mga gamit sa posibleng search and rescue operations at relief goods.
02:04Ang Department of Health naka-code white alert na.
02:07Pinaghahanda nila ang lahat ng pampublikong ospital at health facilities
02:10sa posibleng pagdagsa ng mga biktima ng masamang panahon.
02:16Lumakas bilang severe tropical storm ang bagyong opong habang lumalapit ito sa bansa.
02:21Namataan po yan ang pag-asa 355 kilometers silangan ng Giwan, Eastern Samar.
02:27Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers per hour.
02:31Umaga o hapon bukas, posibleng dumaan ang bagyong opong malapit sa Northern Samar
02:37o kaya'y mag-landfall sa Bicol.
02:39Tsaka tatawi rin ang ilan pang bahagi ng Southern Luzon.
02:43Sa Sabado, inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong opong.
02:48Maraming lugar na sa bansa ang isinailalim sa wind signals.
02:52Tumutok lamang po dito sa Balitanghali para sa nasabing listahan
02:56batay sa 11 AM Bulletin ng Pag-asa.
03:01Puspusan na ang paghahanda ng mga residente at otoridad sa Nauhan Oriental Mindoro
03:06na nasa wind signal number 1 ngayon dahil sa bagyong opong.
03:10Hinaing ng ilan, malaking tulong sana ngayon ang masamang panahon
03:13kung hindi naging guni-guni lang ang mga ghost control project sa kanilang lugar.
03:17Balitang hatid ni Bea Pinlak.
03:22Bakas sa bahay ni Mang Ronia sa barangay apitong Nauhan Oriental Mindoro
03:26ang epekto ng paulit-ulit na pagkalubog sa baha.
03:30Ang sahig at dingding na nabubugbog ng bagyo,
03:34tinatapalan na lang daw niya ng kahoy para hindi tuluyang bumigay.
03:38Minsan tulog kami, tapos yung aso ay maingay.
03:41Pagbaba namin tubig na pala.
03:43Tapos minsan nadadala yung kung anong mga nasa baba, naaanod.
03:48Hindi namin alam, baha na pala.
03:50Kami ang kawawa-babahain.
03:52Talong-talo, ma'am.
03:54Kaya sa nagbabadyang paghagupit ng bagyong opong sa probinsya,
03:58bakas din sa muka ni Mang Ronil ang takot dahil sa posibleng pinsalang idudulot nito.
04:04Kung hindi lang daw sana naging ghost project ang mga pangon trabaha sa kanilang lugar,
04:09maiibsan sana ang paulit-ulit na problema.
04:12Medyo nakasama ng loob.
04:15Kung baga, pera yun namin.
04:17Tapos dun inilagay sa flood control daw.
04:21Kaso wala naman.
04:22Kung meron sana nun, di malaking tulong sa amin.
04:24Hindi kami babahin dito.
04:25Hindi na kami mamamangang ba na uulan na naman.
04:27Baha na naman ito mangyayari.
04:29Pati hanap buhay ng mga magsasakang gaya ni Mang Alan,
04:33malulubog na naman daw.
04:35Yan pong pala yan ito.
04:36Yan pong mga nakikita natin yan.
04:38Yan po ay talagang lubog po sa tubig yan.
04:40Ang nangyayari po sa amin, naiging kaawa-awa, maliliit na katulad namin.
04:45Na wala pong ibang inaasahan, kundi po makisaka o may pala yan.
04:50Yung flood control na yung sayang.
04:51Kung di ito nga sana napalagay, eh di sana, wala na po kaming...
04:55Nung bumisita ang DPW8 sa Barangay Apitong,
04:58hindi matuntun ang tatlong proyektong kontrabaha na pinondohan
05:02at idiniklarang tapos na noong 2024.
05:06Ngayon, puspusan ang paghahanda ng mga otoridad
05:09para sa bagyong opong.
05:11Magkakaroon po tayo ng pakikipag-ugnayan
05:14doon sa ating mga kabarangay na malapit dito sa...
05:17Yung mga prone area na binabaha
05:20upang wala pa man po yung baha
05:23ay palilikasin na po natin.
05:25Kung kinakailangan lumikas,
05:26pumunta na sa mga ligtas na lugar
05:28o yung mga evacuation center
05:29o yung mga kamag-anak nilang may mga malalaking bahay
05:33na pwede nilang tigilan pagka dumating yung bagyo.
05:35Inilatag na rin ang provincial government
05:37ang mga plano nito para paghandaan ng bagyo
05:40tulad ng pre-emptive evacuation
05:42sa mga residente sa vulnerable areas.
05:45Suspendido na rin sa biyernes
05:47ang pasok sa lahat ng antas
05:49sa mga pampubliko at pribadong paaralan
05:51pati sa government offices sa Oriental Mindoro.
05:54Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:58Limang personalidad na sangkot
06:06sa maanumalyo-umanong flood control projects
06:09ang itinuturing ng protected witnesses
06:11ng Department of Justice.
06:13Sila ay sina,
06:14Sara at Pasifiko Curley Diskaya,
06:17dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
06:21at dating DPWH Bulacan Assistant District Engineers
06:24Bryce Hernandez at JP Mendoza.
06:26Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
06:30sumulat na siya kay Senate President Tito Soto
06:32para malinaw kung ano ang proteksyong saklaw
06:35para sa protected witnesses.
06:37Paglilinaw ni Remulia,
06:38iba ang protected witness sa state witness.
06:42Bagaman may proteksyon ang protected witnesses
06:45laban sa mga banta sa kanilang buhay,
06:47posible pa rin silang maharap sa mga kasong kriminal
06:50gaya ng state witnesses.
06:53Korte raw ang magpapasya
06:55kung sino ang kwalifikado maging state witness.
07:01Sa pagharap niya sa Independent Commission for Infrastructure,
07:04itinanggi ni dating Senate President Jesus Cudero
07:06na parte siya ng small committee
07:08na nagsingit umano na mga kwestyonabling proyekto
07:11sa 2025 budget.
07:12Si dating DPWH Engineer Bryce Hernandez naman
07:15nagsaudi ng isa pang luxury car.
07:18Balita natin ni Joseph Moro.
07:23Kauna-unahang super sport utility vehicles sa buong mundo
07:26na nagkakahalaga ng 30 to 35 million pesos.
07:31Ang Lamborghini Urus na ito,
07:32ikalawang luxury vehicle na isinuko
07:35ni dating Bulacan First District Assistant District Engineer
07:38Bryce Hernandez
07:38sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
07:42Ayon sa abogado
07:43ni dating DPWH First District Assistant Engineer
07:47Bryce Hernandez,
07:48yung pagsusuli niya ng kanyang mga luxury vehicle,
07:50dalawa na ito ngayon.
07:52Noong Friday,
07:52GMC 12 million
07:54at ngayon,
07:55Lamborghini na 30 to 35 million
07:57ay wala raw hinihinging kapalit
07:59sa gobyerno.
08:00This is the right thing to do.
08:01Hindi na mo ito in exchange for anything?
08:03No.
08:04Dati nang sinabi ng ICI
08:06na ipasusubasta
08:07ang mga isinukong luxury vehicles.
08:10Ayon kay ICI Special Advisor
08:11at Baguio City Mayor Benjamin Magalong,
08:14may mga mamahalin pang motorsiklo
08:16na isa sa uli si Hernandez.
08:18Pero ayon sa kampo ni Hernandez,
08:20pinag-uusapan pa yan.
08:21Sir, all you said all,
08:23ilan yung susuli niya?
08:25Ah, meron yung,
08:26yung binanggit niya,
08:26yung binanggit niya,
08:28yung GMC,
08:29at may mga motor pa siyang isusuli.
08:31No, yung Ferrari nandito na ngayon.
08:34Alam na namin kung saan ang location,
08:36kaya lang hindi ma-start.
08:38Kaya kailangan may dadalhin na kwan dun eh.
08:40Kasi kwan pala yun eh.
08:42Parang hybrid siya.
08:43Hindi ma-start,
08:44kaya hindi nila madala rito.
08:46Pero makukuha na namin yan.
08:47May makakita mo yung video,
08:48may mga Ducat,
08:49may mga motor pa siya.
08:50Well, kasama ba yung...
08:51Hindi pa namin napag-uusapan
08:52with regard to that.
08:55Pinatawag ng komisyon
08:56si dating Senate President Xi,
08:58sa Skudero.
08:58Sa Skudero at si Jacobi Coldpartialist
09:01Representative Saldico
09:02ang itinuturo ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno
09:06na nasa likod ng maanumalya
09:07o manong insertion sa 2025 budget.
09:10Yan ay klarong paglilihis,
09:12kaugnay sa iso na kinakaharap natin
09:14at nakahanda kaming ipaliwanag yan
09:17kung sakasakali.
09:18There were no insertions?
09:20Amendment sa pinapanukala
09:22ng mga miyembro ng Senado,
09:23amendment na pinapanukala
09:24ng mga miyembro ng Kongreso,
09:26si Congressman Puno,
09:28hindi siya bahagi nga
09:29ng Kongreso pa noong panahon yun
09:31kaya hindi ko alam
09:32kung saan siya nagagaling.
09:33Itinanggirini a Skudero
09:34na may small committee sa BICAM.
09:37Sure will the ICI ask you,
09:38is there a small committee
09:40that inserts flood control projects?
09:42Wala at hindi ako bahagi nun
09:44at hindi flood control projects
09:46dahil ang alam kong komite
09:47ay nagre-reconcile
09:49ng pagkakaiba ng dalawa.
09:50Joseph Morong nagbabalita
09:52para sa GMA Integrated News.
09:54Ito ang GMA Regional TV News.
10:01Mainit na balita mula sa Luzon
10:03hatid ng GMA Regional TV
10:04na matay sa pamamalo
10:06ng kanyang ina
10:07ang isang batang babae
10:09sa Dasmariñas, Cavite.
10:11Chris, ano naman ang
10:13maliwanag dito ng nanay?
10:17Tony, sabi ng sospek,
10:18pinalo niya ang apat na taong gulang na anak
10:21dahil siya pagiging makulit
10:22at makalat.
10:24Batay sa salaysay ng iba pang kapwa-tenants
10:26ng mag-ina sa paupahang bahay
10:28sa barangay Salawag,
10:29nakita nilang ilang beses
10:31hinampas ng kahoy
10:32ng sospek ang kanyang anak.
10:34Nawalan daw ito ng malay.
10:35Hanggang sa nagpatulong
10:37ang sospek sa kanila
10:38na dalhin ang bata sa ospital.
10:40Idinektara ang biktima
10:41na dead-on arrival.
10:43Itinawag ng ospital
10:44sa pulisya ang insidente
10:45at doon inaresto
10:47ang ina ng bata.
10:48Maharap siya
10:49sa reklamong pariside.
10:53Napinsala naman
10:53ang buhawi
10:54ang siyam na bahay
10:55sa Maykawayan, Bulacan.
10:57Kita sa kuhan
10:58ng ilang residente
10:59na natanggal
10:59ang bubong
11:00ng kanilang bahay.
11:01Bumagsak din
11:02ang pader
11:03at nagkalat
11:04ang mga gamit
11:04sa loob
11:05ng kanilang tirahan.
11:06Ayon sa kapitan
11:07ng barangay Longos,
11:08isang sugatan
11:09matapos mabagsakan
11:10ng yero
11:10na nilipad
11:11ng hangin.
11:13Pansamantalang
11:14nakikitira
11:14ang mga apektadong
11:15residente
11:16sa kanilang mga kaanak.
11:17Nagpapatuloy
11:18ang clearing operation
11:19sa lugar.
11:21Dito naman
11:21sa Dagupan, Pangasinan,
11:23bumaha
11:23sa ilang kalsada
11:24dahil sa high tide.
11:26Pahirapan
11:26ang pagtawid
11:27ng mga motorista
11:27sa kalsada
11:28kaya bumabagal
11:29ang trapiko.
11:30Pinasok din
11:31ang tubig
11:31ang ilang bahay
11:32sa lungsod.
11:33Labing apat
11:34na pamilya
11:35ang inilikas,
11:36partikular
11:36ang mga nakatira
11:37malapit sa ilog.
11:38Tiniyak naman
11:39ng Dagupan,
11:40LGU,
11:40na may nakahandang tulong
11:42para sa kanila.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended