00:00Itinaas na ng Department of Health ang Code White Alert bilang paghahanda sa bagyong opong.
00:05Ayon sa DOH, dahil dito ay inihahanda na ng Operation Center ng Ahensya ang mga gamot,
00:10Medical Equipment at ang Health Emergency Response Team para sa mga rehyon na maapektuhan ng bagyo.
00:16Nakahanda na rin ang tatlong Philippine Emergency Assistance Team na ay kinikilala ng World Health Organization
00:22kung sila ay kailangan sumaklolo sa anumang ospital na maapektuhan ng bagyo.
00:26Nakaantabay naman ang National Emergency Hotline 911 at Local Emergency Hotlines para sa mga nangangailangan ng tulong.