00:00Mga kapuso, ngayon pong may panibagong bagyo na naman kailangan maging handa.
00:04Narito po ang mga dapat ilagay sa go bag o emergency kit na ating bibit-bitin sakaling kailangan lumikas.
00:11Maghanda ng mga ready-to-eat na pagkain at may inom na tubig, battery-powered na radyo at flashlight.
00:17Samahan na rin ang mga battery, makapal na lubid, pito, jacket at kumot, trash bag at utensils.
00:25Maglagay rin ang mga face mask, hygiene kit at first aid kit sa inyong go bag.
00:31Huwag din kalimutan ang mga importanteng dokumento at itago ito sa ligtas na lalagyan.