00:00Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na may sapat na family food packs para sa mga apektado ng sunod-sunod na bagyong dumating sa bansa.
00:10Iyon ang ulat ni Noelle Talacay.
00:13Panglimang bagyo na ngayong September ang bagyong upong.
00:16Sa kabila nito, sinabi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD may sapat na stockpile ng mga family food packs.
00:27Ayon sa tagapagsalita ng DSWD na si Assistant Secretary Irene Dumlao, kahit nababawasan ang stockpile, tuloy-tuloy naman ang pag-re-pack ng mga family food packs sa Luzon at Visayas Disaster Resource Center.
00:42Batay sa tala ng ahensya, nasa mahigit 2.5 million ang kawang bilang ngayon ng stockpile ng mga family food packs.
00:52Sa pagdating ng bagyong upong kung saan inaasahan ang pagtama nito sa Visayas, National Capital Region at ilang mga kalapit na rehyon,
01:01nakapreposition na ang mga family food packs sa mga rehyon na posibleng daanan ng bagyo.
01:08Batay doon sa aming latest inventory, meron tayong more than 156,000 dyan sa Calaharzon, more than 96,000 family food packs sa Mimaropa.
01:20Dyan naman po sa Region 5, more than 201,000 food packs or preposition.
01:26Sa Region 6, more than 110,000 food packs.
01:30Sa NIR din, close to 90,000 family food packs rin yung mga nakapreposition.
01:36Sa Region 7, meron din po tayong mga around 60,000 family food packs.
01:41Sa Region 8, based sa mga natukoy na maaaring rin masamaan, more than 167,000 food packs rin po yung nakapreposition.
01:50Batay sa pinakabagong monitoring ng Philippine Coast Guard, mayroon ng mga stranded at mga nakadaong na mga bangka sa iba't ibang pantalan ng Luzon.
01:59Ayon sa DSWD, mayroon ng nakapreposition ng mga ready-to-eat food packs para sa mga stranded na pasahero sa pantalan.
02:09Bukod pa ang ipapamahagi sa mga lugar na masasalanta ng bagyong upong.
02:14Ngayon din po, doon sa mga major ports natin o doon sa mga pantalan, meron na rin kasi tayong mga nakapreposition doon.
02:22So, anytime po na meron mga maapektuhan, may mga pasahero po na hindi po makapag-abiyahe.
02:28Sila po ay maapektuhan, ay meron din po tayong ipapamahagi ng mga ready-to-eat food packs.
02:34Samantala, matapos manalasa ang Super Typhoon Nando, nag-deploy ng Mobile Command Center ang DSWD sa Barangay Pansyan, Ilocos Norte.
02:46Laman nito ang electric generator, Wi-Fi at charging station.
02:51Namahagi rin ang family food packs at ready-to-eat food ang ahensya sa mga evacuation center ng Cordillera Administrative Region.
03:00Noel Talakay para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.