00:00Sa mundo naman ng sports, aabante na ng susunod na round si Pinay Tennis Sensation Alex Ayala sa Jing Shan Open sa China.
00:10Ito'y matapos ng talunin kahapon sa round of 32 ang Belarusian opponent na si Aliona Falei sa score na 6-3 at 7-5.
00:19Pumasok si Ayala bilang top seeded player sa kompetisyon kung saan umpisa pa lamang ng kanilang laban ni Falei ay na-domina na ng Pinay Tennis star ang laro sa kanyang 3-0 sa opening set.
00:33Sinubukan pang makahabol ni Falei sa sumunod na set ngunit agad na nakuha ni Ayala ang kanyang momentum para tuluyang masungkit ang straight sets win contra 21-year-old Belarusian netter.
00:46Sunod na makakaharap ni Ayala sa round of 16, si WTA No. 268, May Yamaguchi ng Japan.