00:00Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. binatikos ang nasiwalat sa pagdinig ng Senado kahapon
00:07na substandard ang lahat ng infrastructure project sa 1st District ng Bulacan.
00:13Git ng Pangulo, problema lang ang inihahatid nito sa mga Pilipino imbis na ginhawa.
00:19Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita, live.
00:25Angelique, ikinadismayang araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:29yung naisiwalat na impormasyon sa pagdinig ng Senado kahapon na lahat ng infra project sa District 1 ng Bulacan ay substandard.
00:40Sabi ng Palacio, hindi lamang ang Pangulo kundi kahit sino ay manlulumo sa lumutang na impormasyon.
00:47Dahil ang mga proyekto sanang ginhawa ang dala, problema ang risulta.
00:52Ang mga proyektong ito ay para sa kalahatan, para sa ikagiginhawa ng mga kababayan natin,
01:00pero ang mga gumiginhawa ay yung mga tao lamang na siyang nagpapayaman.
01:05Sa naging pahayag naman ni Curly Vizcaya sa pagdinig na tumaas sa 25 to 30 percent ang kickback sa mga infra project sa kasalukuyang administrasyon,
01:17tugon ng Palacio, hindi raw ito dapat ipagmalaki.
01:20Kaya nga raw ipinagutos ng Pangulo ang malawakang investigasyon at nais mapanagot ang mga nasa likod nito.
01:27Dinipensahan din ng Palacio ang ICI na sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta na
01:32too dependent o masyadong umaasa sa ibang ahensya ng gobyerno.
01:36Giit ng Malacanang, wala namang masama kung kukuha ng impormasyon ng ICI sa Senado o Kongreso
01:42para makatulong sa matagumpay na investigasyon nito.
01:47Saan ba sila kukuha ng mga impormasyon?
01:50Sa lahat na maaari nilang pagkakuhanan,
01:53you just cannot get evidence out of thin air.
01:58Magmumula rin ito sa mga dokumento mura sa gobyerno.
02:02Hindi lamang yun ang titignan ng ICI.
02:04Lahat ng angulo na maaari nilang makuha para makumpletong ebidensya.
02:11Sa usapin naman kung dapat bang magsauli ng ill-gotten wealth ang mga diskaya
02:16bago mapasailalim sa Witness Protection Program,
02:19sabi ng Palacio na may kalayaan naman ng DOJ
02:21na magbigay ng mga kondisyon batay sa Republic Act 6981
02:27o ang Witness Protection, Security and Benefit Act.
02:31To cooperate with respect to a reasonable request of officers and employees of the government
02:39who are providing protection under this Act.
02:42So in other words, malaya po na makapagbibigay ng mga reasonable requirements
02:48or mga kondisyon ang DOJ bago po maisama ang isang witness
02:54under the Witness Protection Program.
02:56Unang-una po, kapag sinabi po natin na sa salang dito,
03:01sila po ay kinakailangang magsalita, magsabi ng katotohanan,
03:04buong katotohanan, tell all, kumbaga.
03:08Kapag sinabi nilang tell all, ibig sabihin pati yung liabilities nila,
03:12ay dapat na maisiwalat.
03:14At kapag may pag-ami na sa kanilang naisiwalat na kanilang diumanong pagnanakaw
03:19sa kabanang bayan, hindi po ba nararapat din na isolin nila ito
03:25upang makita ang kanilang good faith
03:27instead na hintayin pa na ang gobyerno ang magsampa ng kaso sa kanila.
03:34Samantalang Angelique, sinabi ng palasyo na walang security threat
03:39ang Pangulo at abala lamang ito sa kanyang mga pribadong pulong nitong nakaraang araw.
03:45Angelique?
03:46Okay, maraming salamat sa iyo, Kenneth Quasyente.