Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Naaharap sa Ethics Complaints sa Kamara si Acubicol Partialist Representative Saldico.
00:05Sa inihain reklamo ni Navotas Representative Toby Tsiangco,
00:09ipinuntun niya ang paglalagay umanun ni Ko ng bilyo-bilyong pisong insertion sa national budget noong 2025
00:15at ang pagtanggap din umanun ni Ko ng compensation sa labas ng Kongreso.
00:20Wala pang pahayag si Ko.
00:22Kaya unang balita si Tina Pangaliban Perez.
00:24Sa Ethics Complaints na inihain ni Navotas City Representative Toby Tsiangco,
00:32inakusahan niya si Acubicol Representative Elizalde Ko ng paglabag sa konstitusyon,
00:38sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at sa mga patakara ng Kamara.
00:45Kung na ito ng aligasyong sangkot si Ko sa bilyong-bilyong pisong budget insertions
00:49nang si Ko ang chairperson ng House Committee on Appropriations noong 19th Congress.
00:55Mula rin anya na magbukas ang 20th Congress noong July 28.
00:59Absent si Ko dahil sa medical reasons.
01:02Pero wala naman anya itong ipinapakitang medical certificate.
01:06Sabi pa ni Tiyangco,
01:08nakasaad sa Code of Conduct na mga nasa pamahalaan na dapat ay mamuhay sila ng simple.
01:13Pero si Ko Rao at ang pamilya nito idinidisplay sa publiko ang marangyanilang lifestyle.
01:20Ayon pa kay Tiyangco,
01:22sa rules ng Kamara,
01:23pinagbabawalan ang mga kongresistang tumanggap ng anumang kompensasyon mula sa sino man
01:29at makialam sa anumang bagay na pending sa anumang tanggapan ng gobyerno
01:33kung saan pwedeng kailanganin ang aksyon ng kongresista.
01:37Pero base anya sa data mula sa DPWH,
01:41nakakuha ang SunWest Inc. ng mahigit 86 billion pesos
01:45na halaga ng government infrastructure contracts mula 2016 hanggang July 2025
01:51kung saan halos kalahati ng mga proyekto ay nasa Bicol Region na Baluar-Teniko.
01:57So napagdugtong-dugtong na natin,
01:59diba sinabi ko na yung proponent napakahalaga ng role na ginagampanan.
02:06Diba sinabi na ni D.E. Alcantara na pag may na-insert,
02:11may silang dinideliver na amount.
02:14Nung una 20%, pangalawa nung later on naging 25%.
02:20Sinisika pa namin makuha ang reaksyon ni Co
02:22na dati nang itinanggi ang mga paratang na tumanggap siya ng kickback.
02:27Ayon naman kay ako, Bicol Representative Alfredo Garbin Jr.,
02:31dalawang linggo na ang nakararaan
02:33nang huli niya makausap si Co na nooy na sa Amerika pa.
02:37May medical check-up pa raw ito roon sa September 24.
02:40Tuwing nagkakausap daw sila,
02:42lagi raw sinasabi ni Co na walang basehan ang mga aligasyon
02:46at handa raw siyang harapin ang mga ito.
02:49Prioridad ng Kamara ngayon ang pagpapasa sa panukalang 2026 budget,
02:54pero hiling ng Ethics Committee,
02:56payagan silang magsagawa ng mga pagdini.
02:59This way, we can clear the docket of the Committee on Ethics
03:02para kung sakaling may makasuhan man sa ating mga miyembro,
03:06handa po rumesponde ang ating committee bago po tayo mag-adjourn.
03:10Censure, suspension o expulsion
03:12ang posibleng irekomendang parusa ng Ethics Committee
03:15na pagtitibayin sa plenario.
03:18Ito ang unang balita.
03:19Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
03:24Igan, mauna ka sa mga balita,
03:26mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:29para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended