Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Nahaharap sa three counts ng Crimes Against Humanity for Murder and Attempted Murder si Dating Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa isinapublikong "Prosecution Pre-Confirmation Brief" ng International Criminal Court o ICC.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Naharap sa three counts ng Crimes Against Humanity for Murder and Attempted Murder
00:05si dating Pangulong Rodrigo Duterte,
00:07batay sa isa na publikong Prosecution Pre-Confirmation Brief
00:11ng International Criminal Court o ICC.
00:14Sakop ng count 1 ang labing siyam na pagpatay sa mga umanoy drug pusher at magnanakaw
00:19noong 2013 hanggang 2016,
00:22noong si Duterte ay Davao City Mayor at umanoy leader ng Davao Death Squad.
00:27Sa count 2 ang labing apat na pagpatay sa mga umanoy high-value target
00:32na sangkot umano sa droga sa unang taon ng Administrasyong Duterte.
00:36At sa count 3 ang 43 pagpatay at 2 tangkang pagpatay sa lower-level criminals
00:43sa pamamagitan ng Oplan Tukhang mula 2016 hanggang 2018.
00:49Nakasaad na indirect co-proprietor si Duterte sa tatlong count ng murder,
00:54hindi binanggit o kaya'y redacted ang mga kasabuat umano.
00:58Pero may lumusot na De La Rosa na nangakong agad ipapatupad
01:02ang pinalawak na drug campaign ng Davao City.
01:05Sabi niya umano, kung may manlaban ay gaganti ang polis.
01:09At kung walang manlaban, ipilitin nilang manlaban ang mga ito.
01:14Lumabas din ng isang Aguirre na nagsabi umanong papatayin ang mga drug lord.
01:18Ang Justice Secretary noon ni Duterte na si Vitaliano Aguirre II
01:23itinangging sinabi niya ang mga ito.
01:26Hinding-hindi raw niya isusulong ang extrajudicial killings.
01:30Sinusubukan pa namin makuha ang panig di dating PNP chief
01:33at ngayon yung Senator Bato De La Rosa at ang kampo ni Duterte.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended