Skip to playerSkip to main content
Dahil sa landslide, nagkawasak-wasak ang apat na sasakyan sa Tuba, Benguet. Isa ang patay habang walo ang sugatan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa landslide, nagkawasak-wasak ang apat na sasakyan sa Tuba Benguet.
00:05Isa ang patay habang walo ang sagatan.
00:08Nakatutok live si John Consulta.
00:10John!
00:15Emil, tuloy-tuloy pa rin ang clearing operations sa may bahagi ng Tuba Benguet
00:19kung saan naganap nga ang isang landslide kahapon.
00:22Samantali nakausop naman natin ang ilang mga saksi
00:24na ikinwento sa atin ang mga pangyari bago naganap ang trahedya.
00:30Habang nakabalot ng thermal blanket,
00:35pinagtulungang buhatin kahapon ng mga rescuers
00:38ang mga nakasakay sa mga sasakyang tinamaan ng landslide.
00:42Isinugod sa hospital ang mga sugatan na karamihan ay mga senior citizen.
00:46Nangyari ito sa Marcos Highway,
00:48nasakop ng barangay-poblasyon Tuba Benguet
00:50sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Nando.
00:53Nairapan silang magpenetrate kasi nga may slide pa before the impact site.
01:00May need nilang i-clear out.
01:03So gumawa sila ng paraan by using shovel manually
01:07to reach the impact site.
01:10Very much challenging kasi nga yung site pa lang
01:14ang mahirap doon baka may number two wave of bagsak ng putik.
01:21Kaya very dangerous.
01:24Nang balikan namin ang lugar na pinangyarihan ng landslide,
01:28bumungod sa amin ang nagkawasak-wasak na mga sasakyan.
01:31Basag ang mga salamin, puro putik ang loob.
01:34Naipit daw ang mga pasehero.
01:36At di makalabas ang ilan dahil di mabuksan ang mga pinto.
01:40Nagkalat din sa gilid ng kalsada
01:41ang mga pirapirasong bahagi ng mga sasakyan.
01:44Kwento ng mga saksi, pasado 12 ng tanghali ng maganap daw
01:48yung unang landslide na mas maliit dito sa may badang unahan
01:51na lumikha ng traffic sa mga sasakyang paakyat ng Baguio City.
01:57Pagkatapos daw ng 5 hanggang 10 minuto
01:59ay nakarinig na sila ng mas malaking dagundong.
02:02Yun na pala ang mas malaking landslide na nangyari na
02:07at tumama sa mga sasakyan na naipit ng traffic.
02:14Nakuna ni Lisa Pitas ang video ng unang landslide
02:18at nang mangyari ang ikilawang landslide,
02:21sila ang unang sumaklolo sa mga sugatan.
02:24Isang bagsak lang po siya pero malakas po.
02:26May natira pong senior kasi hindi po sila nakalabas agad
02:29kasi hindi po nila mabuksan yung pinto.
02:30Hindi na nila maitulak yung pintuan po
02:33kasi nayupi na po yung sasakyan.
02:35Inasis po namin dyan po sa loob para hindi po sila mabasa.
02:38Inabutan naman namin si Javier Gregorio
02:41habang nire-recover ang balot ng putik ng motor ng kanyang anak
02:45na nasa lugar ng maganap ang landslide kahapon.
02:48Wala rin siyang magitang madilim na eh.
02:51Nabalot na siya ng putik.
02:52Ayan yung helmet niya.
02:54Buti na lang naka-helmet.
02:56Kaya hindi naaadali yung ulo niya.
02:59Dito lang sa tagiliran, tapos yung gas-gas.
03:02Hanggang kanina, tuloy-tuloy ang ginagawang clearing operations
03:05sa pinangyariyan ng landslide
03:07at sinisikap na maalis sa lalong madaling panahon
03:10ang mga nasirang sasakyan,
03:12kabilang ang may kargang tanker truck na ito.
03:15Sa kasaksagan naman ng pagulan kahapon,
03:18nag-mistulang ilog ang bahagi ng Marcos Highway.
03:21Nagdulot ito ng pagkantala sa biyahe ng ilang motorista.
03:24Muli naman nag-mistulang lawa ang strawberry farm
03:27sa Latrinidad kahapon,
03:29bunsod pa rin ng malakas na buhos ng ulan.
03:35Kaya hindi naaadali yung gas-gas-gas-gas-gas-gas-gas-gas-gas-gas.
Comments

Recommended