Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kukustay na po natin ang lagay ng panahon ngayong may Super Typhoon Nando
00:03kay Dr. John Manalo, weather specialist mula sa pag-asa.
00:07Good morning po sir, si Maris po ito live po tayo sa unang balita.
00:10Good morning po Maris at ganoon din sa ating mga taga-sabaybay.
00:13Alright, una po sa lahat, ano pong oras posibleng lumabas ng PAR itong Super Typhoon Nando
00:18at bubuti na po ba ang panahon ngayong araw?
00:20Actually ngayong umaga po ay lumabas na ng Filipinary of Responsibility itong si Super Typhoon Nando
00:25at meron pa rin naman tayo nakataas na signal number 3, yung pinakamataas na lang, nabuwasan na po ito
00:31at mas tuloy yung panalalayo itong si Bagyong Nando.
00:35Pero nananatili ito na may efekto.
00:37Yung size kasi nitong si Bagyong Nando ay may kalakihan kaya nakaka-apekto pa rin ito
00:41at nagko-contribute para magdala ng moisture.
00:44Hilahin pa rin yung hanging habagat at magpaulan sa ilang bahagi ng western coastal areas or western Luzon.
00:52At sinabi nyo nga po nananatili pa rin yung efekto.
00:55So bahagi po nito yung wind signals sa bansa dahil sa Bagyong,
00:59gaano kalakas pa rin yung mararanasan natin lakas ng hangin?
01:02Yung mga naka-under sa signal number 3 ay makakaranas ng 89 to 117 kilometers per hour na lakas ng hangin.
01:10Yung signal number 2 naman po ay 62 to 88 and then yung signal number 1 ay 39 to 61 po.
01:16Hanggang kailan po magpapaulan ng habagat sa ilang bahagi ng bansa po?
01:19At saan saan lugar?
01:20Dito po ay magpapatuloy yung mga pagulan pero unti-unti na mababawasan na yan later this afternoon and then hanggang bukas.
01:27Dito po sa Metro Manila, ano po ang magiging lagay ng panahon?
01:31Dito sa Metro Manila ay nakataas pa din tayo sa heavy rainfall 1.
01:35Ibig sabihin moderate, light to moderate at times heavy rains yung ating mararanasan dito.
01:40Pero sa susunod lang yan na isa hanggang tatlong oras.
01:43And then throughout the day ay mararamdaman natin na unti-unti na na nababawasan yung mga pagulan at lakas ng hangin dito sa Metro Manila.
01:50Kumusta naman po yung binabantayan natin yung low pressure area sa Pacific Ocean?
01:53Magiging bagyo rin po ba yan at kailan papasok sa PAR?
01:56Opo, tumaas na yung chance na.
01:58From medium chance, ngayon ay high chance.
02:00Ang ibig sabihin ng high chance or high category ay within the next 24 hours nakikita natin na ito ay magiging isang ganap na nabagyo.
02:06Kahit na nasa labas pa ito ng Philippine Area of Responsibility sa kasalukuyan, ay kapag naging bagyo ito at pumasok na within this day or mamayang gabi or bukas ang umaga ay papasok na ito ng PAR.
02:17At bibigyan natin ito ng local name na Opong.
02:20Saan-saan lugar po ito dadaan at magiging super typhoon din po ba ito?
02:25Sa kasalukuyan ay hindi natin nakikita na ito ay magiging super typhoon.
02:28Mas mababa yung magiging track nito kaysa kay Bagyong Nando.
02:31Kung tutuloy-tuloy siya, west-northwest, papalapit dito sa eastern coast ng eastern Visayas, ganun din naman dito sa Bicol Region.
02:41At posible ito na mag-landfall at tumagos.
02:44Pero sa kasalukuyan, ang pinakamataas na kategory na nakikita natin ay tropical storm.
02:48Pero again, gusto din natin gamitin yung opportunity na ito na paalalahanan yung ating mga kababayan na manatili tayo na updated sa mga ilalabas pa na warnings and issuance ng pag-asa patungkol dito sa pag-monitor natin.
03:00Sa kasalukuyan na LPA na may potensyal na maging si Opong sa mga susunod na oras at araw.
03:04Alright, maraming maraming salamat po Dr. John Manalo, weather specialist mula sa pag-asa.
03:08Magandang umaga po sa inyo.
03:10Maraming salamat din po.
03:12Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
03:17Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended