Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Matapos kunin itong Sabado sa kanyang bahay, nanatili sa kustudiya ng kampo ni dating DPWH Bulacan Engineer Bryce Hernandez ang kanyang desktop computer.
00:42Laman-umano nito ang tala ng mga nangurakot-umano sa flood control projects sa Bulacan mula 2022 hanggang 2025, kabilang ang ilang politiko.
00:51Doon po sa computer kasi talagang nakahimay na po yung mga projects and then yung mga proponents.
00:58Hindi nyo po makikita sa gaa yan eh, yung kung sino yung nagpasok eh.
01:02Pero dito sa computer niya ni Bryce, nandoon po yung mga proponents.
01:07And doon sa mga proponents may mga ilan-ilan na mga personalities.
01:11Yan sasabihin ko po na meron pong mga senador, meron pong mga congressmen.
01:17Dahil dyan, pinag-aagawa na umano ang computer ayon sa abogado ni Hernandez.
01:21Meron pong mga request po yung senado na kasi binigyan na po yung senado ng mga ilang mga dokumento na print out na yung nilalaman ng computer.
01:30Ang problema, gusto nilang kunin yung buong computer.
01:34May mga tawag pa umano na may pagbabanta ayon sa abogado.
01:37Pag hindi daw tinurn over yung computer, ay iwi-withdraw yung pong kanyang parliamentary immunity
01:45at hindi po siya i-recommenda sa Department of Justice para pumasok sa Witness Protection Program.
01:52We feel that that is a threat.
01:53Hindi po senador, bakit nyo kami ina-arm twist?
01:56Pwede naman yan mag-exchange sila ng mga dokumento.
01:59Sinusubukan pa namin na hinga ng pahayag ang senado kaugnay nito.
02:03Pero sabi ni Sen. Sgt. at Arms Retire General Mau Aplasca,
02:06hindi raw natuloy na ibigay ni Hernandez ang kanyang computer sa Blue Ribbon Committee dahil sa payo ng kanyang abogado.
02:13Nakipagpulong naman si na Sen. President Tito Soto at Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lakson
02:18kay Justice Secretary Crispin Remulia.
02:21Ayon kay Soto, konsultasyon ito kaugnay ng mga resource person ng senado na humihingi ng proteksyon
02:27at kung maituturing silang testigo.
02:29Mayroon kami mga nababanggit Secretary Remulia na possible na i-consider.
02:35Nagusap sila ni Sen. President Soto tungkol sa mga i-admits or i-recommend sa WPP.
02:43Kabilang sa mga humingi ng proteksyon,
02:45ang mag-asawang Pasifiko Curly at Sara Descaya na nakapulong na ni Remulia noong Biyernes.
02:50Ngayon din si Sally Santos ng Sims Construction na umaming nag-deliver ng daang-daang milyong piso
02:56sa mga dating opisyal ng DPWH Bulacan at nasa protective custody na ng Senado.
03:02Pati na si Hernandez na nakadetain na sa Senado matapos ma-cite in contempt.
03:06Sa ngayon, wala pang inire-recommenda ang Blue Ribbon Committee para sa Witness Protection Program.
03:10Hindi kasama sa kanila si dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
03:16Pero paniwala ni Sen. JV Ejercito, susi siya para matukoy ang matataas na opisyal na sangkot sa korupsyon.
03:22I think siya yung link sa mga higher officials, probably higher officials sa DPWH,
03:29yung mga proponents, kung may mga legislators man.
03:32So, I think it's the missing link to identify the proponents.
03:38Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
03:42Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:45Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment