Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inulan at binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite at Rizal mula hapon hanggang ngayong gabi.
00:06Epekto po yan ang habagat na pinaiting ng Super Bagyong Nando.
00:10Saksi, si Mark Salazar.
00:16Ramdam ang hagupit ng habagat na pinalakas ng Super Bagyong Nando sa Kawit Cavite kaninang hapon.
00:23Gayun din sa Baras Rizal, tila naging ilog ang daan sa Sityo Paupawan
00:28Nasiraan pa ng motorsiklo ang isang rider, ang mga naturang lugar kasama sa Orange Rainfall Warning na inilabas ng pag-asa alas 5 ng hapon kanina.
00:38Ibig sabihin, nakaka-alarma ang pagbaha at posible ang landslide.
00:43Kasama rin sa Orange Rainfall Warning ang Metro Manila.
00:46Malamig at malakas ang hampas ng hangin sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, bandag alas 4 ng hapon.
00:53Halos zero visibility sa E. Rodriguez.
00:58At Araneta Avenue.
01:01Malakas na ulan din ang sumalubong sa mga motorista sa Quezon Avenue.
01:08Sa Amoranto Street, napapasayaw ang mga puno sa lakas ng hangin.
01:14Habang bumubuhos ang malakas na ulan, gutter deep ang baha sa Araneta Avenue underpass.
01:19Binahari ng ilang bahagi ng Timog Avenue.
01:24Kanto ng Kamuning at Scout Ibardulaza.
01:28Sa Sergeant Rivera Street, nagsabay ang baha at pagbagal ng usad ng trapiko.
01:34Tuloy-tuloy ang ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila hanggang gabi.
01:39Pasado alas 7 ng gabi hanggang hita ang tubig sa ilang bahagi ng Araneta Avenue.
01:44Nag-utos na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng pre-emptive evacuation sa mga barangay na madaling bahain.
01:52Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.

Recommended