Skip to playerSkip to main content
Binigyan ng Kamara ng 10-araw para magbalik-Pilipinas si Cong. Zaldy Co na isinasangkot sa ilang maanomalyang flood-control project. 9 na araw na mula nang umalis siya sa New York, ayon sa mga awtoridad sa Amerika.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binigyan ng Kamara ng 10 araw para magbalik Pilipinas si Congressman Zaldi Coe
00:07na ay sinasangkot sa ilang maanumalyang flood control project.
00:11Siyem na araw na mula ng umalis siya sa New York.
00:15Ayon sa mga otoridad sa Amerika, nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:22Apat na araw mula ng bawiin ng Kamara,
00:25ang Travel Authority ni Acovical Partylist Representative Zaldi Coe
00:29may impormasyong umalis na umano ito sa Amerika.
00:32Sa record ng U.S. Customs and Border Protection,
00:35si Coe ay dumating sa New York noong August 26 gamit ang tourist visa.
00:40Pero nitong September 13, umalis na umano ito sa New York City.
00:44Hindi nakalagay sa U.S. Customs and Border Protection website
00:48kung saan siya sumunod na pumunta.
00:50Mag-iang bagong liderato ng Kamara, wala raw impormasyon kung nasaan ngayon si Coe.
00:59Hindi ko paalam.
01:01Matatandaang noong September 18,
01:02binawi ni Speaker Faustino D. III ang travel clearance ni Coe
01:06para makapagpagabot sa Amerika.
01:09Binigyan siya ng 10 calendar days para bumalik sa bansa
01:12kung hindi maaari siyang maharap sa disciplinary at legal actions.
01:16May mga nagsasabing natanggap na,
01:20pero hopefully nga natanggap na para sa ganun eh,
01:23yung sampung araw na ipinain natin sa kanya ay masunod ito.
01:27Pag-uusapan natin, pag-uusapan ng leadership,
01:30especially yung chair ng ethics kung ano pa yung mga pwedeng gawin
01:35para matiyak natin na makuwi si Congressman Salty Kod.
01:42Dagdag ni D, pabor siyang ihintuna ang pagdinig ng House Infrastructure Committee
01:46at makipagtulungan na lang sa Independent Commission for Infrastructure
01:51na nilikha ng Malacanang.
01:52Kung ako lamang ang masusunod, yung Infracom,
01:56kailangan lahat na ng report at kung ano nangyari dun sa Infracom,
02:01kailangan i-submit na namin sa ICI.
02:04Tutal, hindi naman pinaniniwalaan ng ating karamihan,
02:08ng ating mga kababayan kung ano nangyayari dito sa Infracom.
02:11Nag-convene naman sa unang pagkakataon
02:13ang Budget Amendments Review Subcommittee ng Kamara.
02:17Pakay nilang tukuyin kung saan ililipat ang 255 billion pesos na pondo
02:23na inali sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways para sa 2026.
02:29We will be guided by the sectors, the priority areas as expressed by the President,
02:38yung menu po na inilatag ng ating Pangulo.
02:41We will of course take into consideration during today's deliberations
02:45the need to prioritize education, health, agriculture, labor,
02:52and other sectors that pertain to human capital development.
02:57Naka-livestream ang pulong para makita ng publiko ang pagbabago sa panukalang budget.
03:03Ang mga panukala na galing mismo sa mga kongresista dapat formal na nakasulat at may pirma.
03:10Daraan pa ang mga panukala sa House Appropriations Committee.
03:14May mga apektado naman sa pagkawala ng flood control projects
03:17dahil may mga lugar din naman daw na tunay na nangangailangan ito.
03:21Isa sa umaaray, ang 1st District of the Union.
03:24Sana po i-reconsider nila kasi may mga lugar po talaga na kinakailangan po yung flood control.
03:31Just like in my case, may island barangays din po kami.
03:35Kaugnay naman sa panawagang i-release na mga mambabatas
03:38ang Statement of Assets, Liability and Net Worth o SALA nila
03:42para masuri ng publiko, sinabi ng Speaker na pabor siya rito.
03:46Sa tingin ko naman sa ngayon, kailangan talaga maging makita nila ang ating mga miyembro
03:53at hindi lang dito sa miyembro ng ating mababang kapuluan, dito sa kongreso,
03:58ay lahat dapat talagang makita at maging bukas ang SALA ng bawat isa
04:02para sa ganun talagang ipakita natin sa ating mga kababayan
04:06at may manumbalik ang pagtitiwala sa atin.
04:09Kung kakailangan ipakita ang aking SALA, why not?
04:12Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended