Skip to playerSkip to main content
Matapos ang ilang buwan, naaresto na rin ang isang lalaking nagbanta na papasabugin ang headquarters ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG). Ang sabi pa ng suspek, nagawa niya ito para makakuha ng atensyon. Pero ayon sa PNP-ACG ay wala silang palalampasin na banta seryoso man o hindi.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Matapos ang ilang buwan, na-aresto na rin ang isang lalaking nagbanta na papasabugin ang headquarters ng PNP Anti-Cyber Crime Grupo ACG.
00:10Ang sabi po ng suspect, nagawa niya yun para lamang makakuha ng atensyon.
00:15Pero ayon sa ACG, e wala silang palalampasing banta, seryoso man o hindi.
00:21Nakatutok si June Veneracion.
00:30Dahil sa bantang pasasabugin ang headquarters ng Anti-Cyber Crime Grupo ACG ng PNP, arestado ang lalaking ito sa Batangas City.
00:46Gamit ang tatlong Facebook account, nagpadala ng direct message ang barso ng taong ito ang suspect sa social media page ng ACG
00:54na merong bomba at anumang oras ay sasabog kung hindi inaksyonan ang kanyang reklamo.
01:00Pero hindi naman malinaw kung ano ang nais niyang aksyonan.
01:03Inimbestigahan siya hanggang sa makilala at masampahan ng kaso.
01:07Ngayong buwan, naglabas ng warrant of arrest ng korte laban sa kanya
01:10dahil sa kasong grave threats na may kaugnayan sa Cyber Crime Prevention Act.
01:16Dito, nagpapatunay na yung mga kababayan natin na magsasagawa ng mga ganitong activity ay talagang tsatsagain namin.
01:26Sabi ng suspect, kumukuha lang siya ng atensyon.
01:29Pero ang gusto lang niya talaga ay aksyonan ng mga otoridad ang umano'y surveillance at panggugulo na ginagawa sa kanya sa kanilang lugar.
01:37Pero magulo ang mga detalye ng kanyang reklamo.
01:40Pati nga sa loob ng kulungan ay may nagbabantaro sa kanya.
01:43May isip ko lang po kung sa kursang magpo-post ng mga ganon, may isip ko na masasagawa ng lugar na yun
01:50at mapapatunayan ko talaga ng pag may pang-aabuso kasi dun sa inyong lugar,
01:54at sinukin na sa barang reklamo sa aking paningwalaan.
01:57Seryoso man o hindi, wala raw palalampasing pagbabanta ang ACG.
02:02Aktibo ang monitoring na ginagawa nila sa social media,
02:05lalo na ngayong may malaking kilos protesta laban sa korupsyon na mangyayari sa linggo.
02:10Partikular nilang babantayan kung may mga post na may tuturing na labag sa batas.
02:15Pagka may threat na, there's a threat to the property, to the person,
02:20so doon makita natin may violation na.
02:22Simula kaninang alas 5 ng hapon,
02:25ay inilagay na sa full alert ang mga polis sa National Capital Region.
02:29Sabi ni Acting PNP Chief Jose Melencio Nartates Jr.,
02:32ang prioridad nila ay ang kaligtasan ng lahat.
02:35Mahigit 50,000 polis ang i-deploy ng PNP
02:38para mapanatili ang peace and order sa mga rally sa iba't ibang panig ng bansa sa linggo.
02:43Sa assessment ng PNP, hindi naman inaasahang hahantong ang mga ito sa gulo,
02:48pero nakahanda raw sila sa anumang posibleng mangyari.
02:52Para sa JMA Integrated News,
02:54June Van Arasyon, Nakatutok, 24 Horas.
02:56JMA Integrated News,
Be the first to comment
Add your comment

Recommended