Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Bago ang pagdalo sa pagdilig ng Senate Blue Ribbon Committee, sumalang si Public Works and Highway Secretary Vince Lison sa budget hearing ng Kamara para sa revised budget ng DPWH para sa susunod na taon.
00:11Ang ilang kongresista umalma ng tanggalin ng budget para sa flood control projects ng kanilang distrito.
00:18Balitang hatid ni Joseph Moro.
00:20Mula sa orihinal na P881.3 billion, P625.78 billion na lamang ang budget na hinihingi ng Department of Public Works and Highway sa 2026.
00:36Tanggal ang P252.53 billion na halaga ng mga lokal na flood control projects na gobyerno ang nagpupondo.
00:44Ang tinira lamang ay ang P15 billion na halagang sagot ng gobyerno sa mga foreign assisted flood control projects tulad ng Pasig Marikina Rehabilitation Project.
00:54May bahagi kasi ng pondo para dyan na inutang sa ibang bansa at obligadong tapusin bukod pa sa mahigpit na binabantayan ng mga nagpautang.
01:03Tapusin na lang muna natin yan. Ayusin po natin ang mga ginagawa nating ongoing na flood control all over the country.
01:10For 2026, zero muna tayo.
01:15Ito na ang pinakamababang budget ng DPWH na isinumite sa kongreso sumula noong taong 2020.
01:21Wala muna ang pondo para sa mga flood control projects hanggat hindi na sosolusyonan ang problema.
01:28Pero paano ang mga pagbaha na nangangailangan ng aktual na solusyon?
01:32Sabi ni Dyson, may mga flood control projects naman na napondohan noon pan-2024 at ngayong taon.
01:38Tanong ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice, paano ang pondo sa dredging sa kanilang lugar na isa sa mga nasa gasaan?
01:47Unfair naman po yun.
01:50Yung po eh matagal naghihintay.
01:53Tapos ang magihirap ngayon, yung mga kababayan nating babahain sa susunod na taon.
02:04Ayong kikagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez natanggal din ang pondo para sa bypass road sa lugar nila.
02:12I am asking, appealing to the Secretary, can you restore this?
02:16I think it was looked at as multiple packages. We will find a way to restore this.
02:22Umaasa pa rin ang mga kongresista na uubra ang pagbabalik ng pondo kung hindi naman anila para sa flood control.
02:29So wala na mga pag-singin sir?
02:32Yun ang instructions sa amin.
02:34Yun lang kailangan natin bantayan. Kung may babalik man, kung saan man mapunta, kailangan ma-verify na yun yung talaga yung kailangan.
02:41Ang pagtatapyas ng pondo para sa mga flood control project alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na is zero budget ang mga proyekto kontrabaha sa 2026.
02:51Sa susunod na taon din, target mailabas ang flood control master plan para sa Metro Manila.
02:57Kung magkakaroon din ang master plan for the entire country.
03:01Yun po ang plano natin, Mr. Chairman.
03:04Marami po sa mga nakita natin ngayong mga proyektong may problema dito sa flood control specifically,
03:11e mga proyekto po na wala man lang ni plano.
03:14Kahit anong detailed engineering design, kahit anong feasibility study, wala man lang po.
03:19At ang commitment po at ang gusto pong mangyari ng ating Pangulo ay hindi na po mauulit yan.
03:24Itinuro naman ng ilang kongresista ang umano'y small committee sa Bicameral Conference Committee kung saan umano'y nadagdag ang 289 billion pesos na budget ng DPWH sa 2025.
03:37Nang unang dumating daw ang 2025 National Expenditure Program ng DPWH, ito ay nasa 898 billion pesos lamang.
03:45Pero sa kongreso ay bumaba pa ito ng 825 billion pesos.
03:51Nang dumahan daw ito sa Bicam ay tumaas ito bigla sa 1.13 trillion pesos.
03:57Ang malinaw dito, ang insertions o paglobo o pagsingit nangyari sa Bicam.
04:06Hindi sa small committee dito sa House of Rep.
04:08Bukas ba ang departamento na i-identify kung sino ang sponsor ng bawat amendment dyan?
04:17Pwede ba lahat ng pagbabago dyan i-identify at isa publiko?
04:23Okay ba kayo doon?
04:24Tingin ko po ang magandang ideya po yan.
04:27Dapat.
04:29Isa publiko yan.
04:31Kasi masyado ng maraming tinatamaan na hindi dapat tinatamaan.
04:35Tinanggap naman na ni Dizon ang courtesy resignation ni DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
04:41Si Cabral ang sinasabi ni Sen. Panfilo Lacson na nag-uudyok umano kay Sen. Tito Soto
04:47na maglagay ng budget insertion sa 2026 proposed budget.
04:51Ang sabi ni Lacson, itinanggiraw ito ni Cabral kay Secretary Dizon ng tanungin.
04:56Sabi ni Cabral, handa siyang saguti nito sa pagbinig.
05:00Joseph Moro, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment