00:00Kapatid na isa sa mga nawawalang sabongero ang napaulat na inaresto dahil sa tangkang panunuhol ng 1.5 million pesos sa dating kinakasama ng biktima.
00:09Ito ay para umano i-atras ng kaso labang kinaatong ang at iba pa.
00:14Saksi, si Emil Sumangin.
00:20Pagsisiwalat mismo ng PNP-CIDG ngayon, ang kanilang inaresto kahapon dahil sa tangka umanong panunuhol para i-atras ang demanda.
00:29Laban sa negosyanteng si Atong Ang at sa iba pa, mismong kapatid, nang nawawalang sabongero na si Jean-Claude Inonog.
00:37Inaresto ito at ang kanyang asawa matapos aluki ng 1.5 million pesos.
00:44Ang dating kinakasama ni Inonog na si Jaja Pilarta.
00:47Ayon kay Pilarta, una siyang kinausap ng ama ni Inonog.
00:51Sasamahan kita sa kanya, kayo mag-usap, ikaw ang magsabi kung anong kailangan mo, kailangan mo na negosyo, kung anong kailangan.
00:57Basta willing siyang tumulong.
00:59Itong lahat ng ito, ano po ang kapalit? Meron ba?
01:02Sabi niya sa akin, yun nga daw po na kailangan, hindi na ako magsasalita o, babawiin ko lahat ng mga sinabi ko.
01:09Ipinakita sa akin ni Pilarta ang pinapipirmahan sa kanyang Affidavit of Desistence, kung saan nakasaad na walang katotokanan ang mga nauna niyang akusasyon.
01:20Nakalagay rin dito na nilinlang at pinapaniwala lang siya ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan para maghain ng reklamo.
01:28Hindi ito nilagdaan ni Pilarta.
01:31Pinasinungalingan ng ama ni Inonog na si Butch ang paratang ni Pilarta.
01:35Ako nga yung nagdemanda sa grupo nila eh. Bakit ko papaatra sa kanya?
01:39Thankful na nga ako dahil lumutan niyang alias Dondon.
01:42Pero para ilimpa nila ako kay Atong Ang, ay malabo ata yan.
01:46Nagdag niya, ang perang dala ng kanyang anak para i-abot kay Pilarta ay hindi suhol, kundi sustento para sa anak nila ni Jean-Claude.
01:55Gaja, hindi ko alam kung saan tayo patutungo nito pero pahala ka na.
02:00Walang kapatawaran niyang ginawa mo sa mga anak ko dahil nakikipag-usap sa inyo ng maayos sa mga anak ko.
02:05Iba na palang na-entraftment ka na palang ganyan.
02:09Sana noon pa lang po binulabog ko na sila para ibigay yung pera ng mga bata.
02:12Mag-isip na siya, nawalan ka na ng anak. Ngayon pinain mo pa yung anak mo ulit.
02:18Tumahimik na kayo pero huwag niyo akong pakialaman kung anong ginagawa ko.
02:22Ang kaanak ng iba pang mga nawawalang sabongero, nababahala.
02:27Nakakalungkot kasi parang feeling namin parang ginigiba kami.
02:31Parang pinipigilan kami kumuha ng justice.
02:34Lalo na merong perang involved, tapos meron pang recantation na pinapapirmahan.
02:40Sana naman kung sino manin sa kanila ang mga nagpabayad,
02:45hayaan nyo na kami, makamit namin ang ustisya dahil matagal kami naghintay.
02:52Inaalam naman ng Justice Department katuwang ng NBI kung sino-sino pang mga kaanak ng mga nawawala ang inaareglo
02:59at kung sino ang nagbabayad para patahimikin sila.
03:03Kung gusto nilang kalikutin yung kaso, nakakamali sila. Andyan na yung kaso.
03:07Kaya kailangan talaga ito'y maging aral din sa mga, sa lahat na pagkaganito na po ang estado ng kaso,
03:22ay hindi po tayo dapat makialam at awatin ang proseso ng batas.
03:27Ang CIDJ sinabing dalawa pang suspect ang pinagkahanap kawag na yung sanaturang panunuhol,
03:33lalo't may pagbabantaraw na natanggap ang complainant.
03:37We will act on any complaint. You can be sure na we will be assisting and ensure that justice will be served.
03:47That's the marching order of the GPNP.
03:49Ayon naman sa abogado ni Ang, wala silang inotorisa para areglohin ang kaanak ng mga nawawala.
03:55Hindi rin ang nila dadalo si Ang sa preliminary investigation buka sa DOJ
04:00dahil pag-aaralan pa nila ang mga dokumento at maghahain ang counter affidavit sa takdang oras.
04:06Wala po kaming ino-authorize na sino man na mag-solicit ng kung anong mga withdrawal.
04:17Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangin, ang inyo, Saksi!