Skip to playerSkip to main content
Tinawag na cover up ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagpalit ng liderato sa Kamara. Alegasyon niya, pinili si bagong House speaker Faustino Dy III ng anak ng pangulo at kapartido nitong si Cong. Sandro Marcos.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinawag na cover-up ni Davao City Representative Paulo Duterte
00:05ang pagpalit ng liderato sa Kamara.
00:08Aligasyon niya, pinili si bagong House Speaker Faustino Dina III
00:13ng anak ng Pangulo at kapartido nitong si Congressman Sandro Marcos.
00:19Ang sagot ng mga leader ng Kamara sa pagtutok ni Jonathan Andal.
00:23Galing sa Solid North at kilalang malapit na kaibigan ng Pamilya Marcos
00:31ang bagong Speaker ng Kamara na si 6th District Congressman Faustino Boji D. III.
00:37Uupo siya sa gitna ng kontrobersya ng mga maanumaliyang flood control projects
00:41na bumabalot sa buong gobyerno, lalot may mga kongresistang napangalanan sa mga investigasyon.
00:46Our duty is not to protect each other.
00:49Our duty is to protect the Filipino people.
00:54Kasama ni Pangulong Bongbong Marcos si D sa Partido Federal ng Pilipinas.
00:58Noong 2022 elections, todo suporta si D sa unit team ni Marcos at Vice President Sara Duterte.
01:04Sabi ng mga leader ng Kamara, mga leader ng iba't ibang partido na kasama sa mayorya ang pumili kay D.
01:10Hindi lang naman daw si D ang pinagpilian.
01:12Nasa listahan daw si Navotas Congressman Tubitianco na nagsabing ayaw niyang maging Speaker.
01:17Pati na si Bacolod Congressman Albi Benitez na nagparaya raw para kay Congressman D.
01:22It's a game of numbers, the magic number being 158.
01:27Kinausap at tinanong po namin ang mga party leaders kung sino sa tingin nila ang pwede maging Speaker kapalit
01:32ni Speaker Martin Romaldes.
01:34At ang pangalan na lumabas lagi ay ang pangalan po ni Congressman Boji D.
01:38It was vetted by the party leaders and outside from that, I can no longer say if there are any others
01:45who influenced the selection of representative Boji D.
01:49Ang bagong Speaker ng Kamara ay galing sa political clan ng mga D sa Isabela.
01:54Dalawang anak ni Speaker D ang nasa politika.
01:57Si Ino, Mayor ng Echage.
01:59Si Kiko, Vice Governor ng Isabela.
02:01Dalawang pamangkin naman niya ay kasama niya sa Kamara na kinatawan ng ibang distrito sa Isabela.
02:06Tatlong dekadang hawak ng Pamilya D ang Kapitulyo ng Isabela bago ito naagaw ni Grace Padaka noong 2004
02:13pero nabawi ulit ni D noong 2010.
02:16Halos limang dekada naman nang namumuno ang Pamilya D sa bayan ng Kawayan.
02:20Naging kinatawan siya ng 3rd District ng Isabela mula 2001 hanggang 2010.
02:25Naging gobernador at busy gobernador din siya ng Isabela taong 2025 nang magbalikkamara si D.
02:31Ang pagkakahalal kay D ay kasunod ng pagbibitiw ni dating House Speaker Martin Romualdez na pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:38At ang sabi ni House Majority Leader at Presidential Sun Congressman Sandro Marcos,
02:43nagsabi mismo si Romualdez sa Pangulo ng disisyon niyang mag-resign.
02:47At nirespeto naman daw ito ng Presidente.
02:49It was one of respect.
02:50Dahil nakita niya that he was doing it to save the institution and to give way for the independent body to have a fair and thorough investigation.
02:58Maging si Romualdez daw ay nanghingi ng suporta para kay D.
03:02Magkasama rin silang dalawa sa pinatawag na meeting ng lakas bago ang plenary session.
03:07Pero ang tawag ni Davao City Congressman Paulo Duterte sa nangyaring palitan ng liderato ay cover up o takipan.
03:13Sabi niya ang anak ng Pangulo na si Majority Floor Leader Sandro Marcos ang pumili kay D na kaalyado rin nila.
03:20Hirit pa niya kay Pangulong Marcos, kung seryoso ito na labanan ng korupsyon, bakit hindi raw agad gasuhan ang mga tiwaling mambabatas?
03:27Baka style niya yun nung anak siya ng Pangulo.
03:29Pero I can assure you that me, we are consultative with all the party leaders.
03:34Pwede mo silang tanungin.
03:35We met for plenty of weeks.
03:37Kung nagpakita sana si Kung Pulong dito sa trabaho at sa session, baka makikita din niya.
03:44But I'm sure he's busy looking for the 51 billion that was spent in his districts.
03:48Sinusubukan pa namin makuha si Congressman Duterte sa sinabing ito ni Majority Leader Marcos.
03:53Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal na Katutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended