00:00Sa kaugnay na balita, inihanda na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
00:06ang family food packs at iba pang relief items sa mga lugar na dadaanan ng Tropical Depression Mirasol.
00:13Ayon kay DSWD spokesperson ASIC Irene Dumlao,
00:17mahigit 2 milyong family food packs ang naka-pre-position sa mga warehouse ng ahensya sa buong bansa.
00:24Bukod pa rito ang mahigit 114,000 na ready-to-eat food boxes
00:28para sa mga posibleng mastranded sakaling magsuspinde ng sea travel.
00:33Meron din anyang mahigit 300,000 na non-food items na nakahanda kabilang ang mga hygiene kit
00:40at modular tent para sa mga ililika sa evacuation centers.
00:44Dagdag ng opisyal mahigpit ang koordinasyon ng DSWD at mga lokal na pamahalaan
00:50para sa mabilis at maayos na paghahatid ng tulong sa mga mangangailangan.