00:00Ikinadismaya ni DPWH Secretary Vince Tizon ang nadeskubring super substandard na ilang plug control projects sa La Union.
00:09Bukod sa mga mababang klaseng materyales ang gamit, may proyekto rin idineklarang tapos na kahit ginagawa pa lang.
00:16Si Janice Dennis sa report.
00:21Manipis na bakal at simento, walang pipe at sira-sira ang proyekto.
00:26Yan ang inabutan ni DPWH Secretary Vince Tizon sa kanyang inspeksyon sa isang dikes sa Bawang La Union kasama si Independent Commission for Infrastructure o ICI Special Advisor Benjamin Magalong.
00:42Ayon kay Tizon, substandard ang proyekto at walang maipakitang engineering design.
00:48Iginiit rin niya na tila minadali ang proyekto dahil super substandard ang mga materyales na ginamit sa proyekto.
00:57Well, nakaka-dismaya taga ka. Kasi sa mata pa lang, nakikita na natin na marami na namang problema.
01:05Kaparehas din ang mga problema na nakikita natin sa Bulacan, sa Mindoro. Nakikita din natin dito.
01:10Nakita din ni Dizon na hindi pa tapos at ginagawa pa ang proyekto, pero naireport na itong completed noong Marso.
01:19Ayon pa kay Dizon, aabot sa 180 million pesos ang pondo ng naturang proyekto.
01:26Sunod naman nilang ininspeksyon ang flood control project sa Barangay Anduyan at Rizal sa Tubao La Union.
01:32Ayon kay Dizon, magsasagawa sila ng structural assessment sa proyekto sa Barangay Anduyan kung naaayon ito sa specification.
01:43Ayon naman kay ICI Special Advisor Benjamin Magalong, kwestyonable ang mga teknolohiyang ginamit sa proyekto.
01:51Tama yung sinabi ni SecBenz kasi nga dapat may feasibility study, may technical study.
01:57At on the basis of the technical study, doon gagawa yung plano mismo, yung design.
02:02Engineering design.
02:05So kung wala, ibig sabihin, hindi natin alam. Siguro, si SecBenz lang makakasagot niyan.
02:12Tila inabando na naman ang flood control project na ito sa Barangay Rizal, Tubao La Union.
02:17Sa kanilang inspeksyon, nakita nilang nasimulan na at may mga nahukay na rin na mga lupa.
02:24Nakatanggap umano si Magalong ng sumbong sa komunidad.
02:28Ayon pa kay Dizon, posibleng ghost project ang proyekto.
02:32Sa mga nakikita nating either ghost o substandard, pag nagtanong ako, may plano ba dito? May plano ba? Akin ang plano? Nasaan ang plano?
02:40Ang sagot lagi, noong mga dinadatna natin doon, eh, walang plano.
02:45Iginiit pa niya na tila pare-pareho ang mga proyekto na substandard at walang mga kaplano-plano.
02:52Nagbabala rin siya sa mga kontraktor ng mga proyekto na posibleng maharap sila sa karampatang parusa.
02:59Kung mapatunayang ghost project ang mga ito.
03:02Janice Dennis para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.