Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Palikoh ang isang pickup truck sa Cagayan de Oro City
00:04nang salpokin ito ng dalawang motosiklo
00:06at sa lakas ng impact, tumila po ngay isang rider.
00:09Bago po iyan, ayon sa mga police,
00:11humarurot ang dalawang motosiklo
00:13paglagpas nila ng traffic light.
00:15Agad din nila sa ospital ang dalawang rider.
00:18Maayos na ang kanilang lagay
00:19at nagkausap na rin daw sila kasama ang driver ng pickup.
00:24Standard ang maraming pasahero ng LRT2 kanina umaga
00:28matapos madiskarilang isa sa mga tren nito
00:30at bandang alas 10.30 kagabi
00:32na diskarilang tren sa Santolan Station.
00:35Nawala po sariles ang apat na gulong sa unahan ng tren
00:38kaya tumama ang harapang bahagi nito
00:40sa kanto ng platform.
00:42Nasira rin ang track switch.
00:45Sa embisikasyon ng LRTA,
00:46lumalabas na human error ang sanhinang insidente.
00:50At dahil dito, pansamantalang nilimitahan
00:52ng operasyon ng LRT2 mula rekto hanggang kubaw at pabalik.
00:56Piniutos din ng DOTR ang libreng sakay ngayong araw.
00:59Posible namang umabot sa dalawang buwan
01:01ang pag-aayos sa nadiskaril na tren.
01:04Isilusulong sa isang forum na paiktingin
01:06ang pangalaga sa Verde Island Passage
01:08na sentro ng biodiversity ng bansa.
01:12Sa pangunan ng Department of Environment and Natural Resources
01:14kasamang ipapang stakeholders at partners,
01:17pinag-uusapan ang iba pang hakbang
01:19para mapanatili ang buhay sa Verde Island Passage.
01:23Target din nilang gawin itong Marine Scientific Research Station.
01:28Layan din ng forum na mapagsama-sama
01:30ang mga pagsasaliksik at iba pang hakbang
01:32para sa Verde Island Passage
01:34upang makabuo ng roadmap para sa lugar
01:37at para rin tulungan ang mga sektor na umaasa rito.
01:45Malaparaisong tanawin at nakaka-relax na view
01:48ang matatanaw sa ilang pasyalan sa norte.
01:50Ating saksihan.
01:58Simulan natin ang pamamasyal sa Claveria, Cagayan.
02:01Pagod sa work?
02:03Gusto lang munang mag-chill?
02:04Sa view deck na ito, tanawang beach
02:06at ang Verde, ang kabundukan.
02:08Tanaw pati ang Calayan Island.
02:10Perfect para sa mga trip mag-swimming.
02:15Tampis out to the max naman sa Pasuki ni Locos Norte.
02:17Maraming ganda.
02:19Yan ang Gusud Falls,
02:21taddad ng iba't ibang rock formations.
02:23IG worthy dahil sa malino na tubig,
02:26na malamig at nakakapresko.
02:32Biyahe naman tayo sa Carasi, Ilocos Norte.
02:35Sa Sabudam na may malaparaisong tanawin.
02:38Para sa mga adrenaline junkie,
02:40pwedeng subukan ang river crossing sa hanging bridge.
02:43May picnic area rin para sa mga naghahanap ng fresh na tambayan.
02:48Para sa GMA Integrated News,
02:50ako si Rafi Tima ang inyong saksi.
02:54Nakapiit man,
02:55pero hindi nagpagapos sa dilim.
02:58Ang isang dating inmate,
03:00kahit po nasa loob ng kulungan,
03:01natapos niya ang kanyang kurso
03:02at ngayon'y ganap ng engineer.
03:05Ang kanyang success story
03:08sa pagsaksi ni Nico White.
03:12Matalino,
03:16skolar,
03:17at may pagpapahalaga sa pag-aaral.
03:19Ganyan ilarawan ni Daniel
03:21ang kanyang sarili
03:22noong mga panahon nag-aaral siya
03:23sa kursong electrical engineering
03:25sa Central Mindanao University sa Bukidnon.
03:28Mataas raw ang pangarap niya
03:29para sa sarili at sa kanyang pamilya.
03:33Pero lahat yan,
03:34muntik maglaho.
03:36Matapos siyang mabilanggo
03:37noong 2019.
03:38Noong time na graduating po ako,
03:41yung last semester na lang yung kulang ko.
03:43Nabilanggo po ako.
03:44At saka,
03:45yun yung rason na
03:46ipag-drop po yung mga subjects ko dun
03:48at nakahinto sa pag-aaral.
03:53Tumanggi si Daniel
03:53na banggitin ang detalye ng kanyang kaso.
03:56Ang alam niya,
03:57mahirap ang buhay sa loob.
04:00Pero kahit gano'n ang sitwasyon,
04:02pinagpatuloy ni Daniel
04:03ang kanyang pag-aaral
04:03kahit nasa loob ng kulungan.
04:05Tinulungan daw siya
04:06ng kanyang eskwelahan
04:07para may pagpatuloy pa rin
04:08ang kanyang pag-aaral.
04:10Lalo at huling semestre na niya.
04:11Yung mga lessons ko po,
04:14mga handouts,
04:15mga lectures po,
04:16pinapadala po sa akin
04:17sa bilangguan.
04:18Yung exams ko lang,
04:20dadali ng mama ko,
04:21tapos pinapasagutan sa akin
04:22sa panahon ng dalaw.
04:23Ang thesis na ginawa ni Daniel
04:27inspired din ang kanyang kalagayan
04:29sa kulungan.
04:29Tapos yung thesis ko po,
04:31entitled po,
04:32Design and Installation of Jail Alarm
04:35and Communication System.
04:38Doon ko rin po na i-conduct.
04:40Doon ko po ginawa
04:41sa tulong ng mga teammates din doon,
04:45mga kasama ko,
04:46na may mga iba't ibang kaso.
04:47Hanggang sa tuluyang
04:51makapagtapos si Daniel
04:52sa kanyang kurso.
04:54Pero kung akala ni Daniel
04:55ay tapos na
04:56ang mga dagok sa buhay niya.
04:57At matapos ang dalawang taon,
05:24na-dismiss ang kanyang kaso
05:25at tuluyang nakalaya.
05:26At isang linggo matapos makalaya,
05:29binawian na rin ang buhay
05:30ang kanyang ama.
05:31Ang pangyayaring niya
05:32ng mas nagpatibay ng loob ni Daniel
05:34para makuha ang kanyang pangarap
05:36na maging engineer.
05:37Kahit hindi nag-review classes,
05:39ay nag-take ng Licensure Exam
05:40for Electrical Engineer
05:41at Master Electricians.
05:43At nang lumabas ang resulta,
05:47parehong nakapasa si Daniel
05:48sa Electrical Engineering
05:49at Master Electrician Exam.
05:52Si Daniel,
05:53Engineer Daniel Kisaot na ngayon
05:55at nagtatrabaho na sa gobyerno.
05:58At sa lahat ng pinagdaanan niya,
05:59napakarami raw niyang natutuhan.
06:01Kung may mga panahon po
06:04na tinetest tayo ng buhay,
06:07kung may mga panahon po
06:08na may mga dark past po
06:10sa ating buhay,
06:12hindi po nagbabago yung destiny natin.
06:15Hindi po nagbabago yung plan ni Lord sa atin.
06:19I-endure lang natin yung challenge na yun
06:22hanggang sa makatapos tayo.
06:24Para sa GMA Integrated News,
06:28ako si Niko Wahe,
06:29ang inyong saksi.
06:32Salamat po sa inyong pagsaksi.
06:33Ako po si Pia Arcangel
06:35para sa mas malaki misyon
06:36at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
06:40Mula po sa GMA Integrated News,
06:41ang News Authority ng Filipino.
06:44Hanggang bukas,
06:45sama-sama po tayong magiging
06:47Saksi!
06:51Mga kapuso,
06:53maging una sa saksi.
06:54Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:56sa YouTube
06:57para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended