00:00Joseph Moro
00:302 metro dapat ang haba ng mga tubong ito sa dike sa Barangay Galumbaya, Bawanglaon yun.
00:36Pero sa nakita sa inspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon
00:40at Independent Commission for Infrastructure Special Advisor Benjamin Magalong,
00:45wala pang isang talampakan ng haba ng mga tubo na tila itinikit lang sa lupa.
00:50Walang pipe eh. Hindi naman tagusan eh peke lang yan eh.
00:54Para mapakita lang na meron pero hindi naman nakapatong lang oh.
00:59Nakakahalaga ng halos 180 milyon peso sa dike at riprap sa Barangay Galumbaya
01:04na ayon kay Dizon ay inaward sa kumpanyang Silver Wolves.
01:08Sinisikap ng GMA Integrated News na makuha ang kanilang panig.
01:12Noong Marso pa ito dapat natapos pero inabutan kanina mga trabahador na itinatayo pa ang proyekto.
01:18No doubt, kailangan ng flood control dito.
01:21So ngayon, ang ginawa namin ni Mayor Benji dito, tinitignan natin yung quality ng gawa.
01:27We want to check kung clearly hindi to ghost.
01:29Kasi nakikita niyo naman may proyekto.
01:32Pero mukhang, base pa lang sa observation namin ni Mayor Benji, mukhang napaka-substandard nito.
01:40We're going to declare this as a crime scene.
01:42Sa hiling ng DPWH at Anti-Money Laundering Council o AMLC,
01:52naglabas na ng freeze order ang Court of Appeals para sa 135 na bank accounts at 27 insurance policies
02:00ng 26 na individual na naunang sinampahan ng reklamo sa ombudsman.
02:05Dahil sa regulasyon ng AMLC, hindi nito kinilala kung kanikanino ang bank accounts na ito.
02:10Pero sa sulat ng DPWH na humihiling na ifreeze ang mga bank accounts at ari-arian ang mga sangkot sa issue ng flood control,
02:18kasama sinadating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
02:22dating OIC District Engineer Bryce Erickson Hernandez,
02:25dating Assistant District Engineer JP Mendoza,
02:28Construction Section Chief John Michael Ramos,
02:31at labing-anim ng iba pang tauha ng DPWH.
02:34Gayun din ang mag-asawang si Sara Sara Rowena Descaya at Pacifico Descaya II,
02:39at Maria Romare Mando ng St. Timothy Construction Corporation,
02:44Mark Alan Arevalon ng Wawa Builders,
02:46Sally Santos ng Sims Construction Trading,
02:49at Robert Imperio ng IM Construction Corporation.
02:52They will not allow the movement transfer deposit withdrawal
02:57and any or closing of these bank accounts that are covered by the freeze order.
03:05Meaning po, hindi talaga pwede na siyang gano'in.
03:08Sa ilalim ng freeze order din,
03:10kailangang i-report ng mga banko ang laman ng mga bank account.
03:13May isang araw ang mga banko para i-report sa AMLC kung magkano ang laman ng mga ito.
03:18Ang freeze order ay kaugnay ng mga kasang graft and corruption
03:22na inihain ng DPWH sa ombudsman.
03:25Para naman dun sa ibang mga kontraktor at opisyal at mga tauha ng DPWH
03:29na hindi pa nakakasuhan,
03:32ayon sa AMLC o Anti-Mono Laundering Council,
03:34maaari pa rin nilang tiktikan kung may aktibidad ang kanilang mga bank accounts.
03:39Ang magagawa po natin dyan,
03:41we can still look into those bank accounts where funds are withdrawn
03:46and the banks will have to file an STR,
03:49suspicious transaction reports, to the AMLC.
03:52Dun po namin makikita kung yung account na yun ay nag-withdrawan.
03:56We can still look into those persons who withdrawn this amount.
04:00Kung si yun ay nag-withdraw, kung anak ba yan,
04:02yung contractor nag-withdraw,
04:04malalaman po namin sa AMLC.
04:06Napakayaking step po ito.
04:08This is a major step in our road
04:12to make the people who did this accountable
04:19and to make sure that the people get their money back.
04:24Kasama rin sa investigasyon ng mga transaksyon sa kasino
04:28sa ilalim ng bagong Anti-Financial Account Scamming Act o AFASA.
04:32Iniimbestigan pa ng AMLC ang duda ni Sen. Panfilo Lacson
04:36na nalolonder o nalilinis sa kasino
04:38ang mga kickback na mga binansagan niyang BGC Boys
04:41o Bulacan Group of Contractors.
04:44Kabilang sa BGC Boys,
04:45sina Alcantara at Hernandez
04:46na sinampahan ng DOTR at LTO
04:49ng kasong paglabag sa Article 172
04:52ng Revised Penal Code
04:53o paggamit ng falsified documents.
04:56Kaugnay yan sa pag-amin nilang gumamit sila
04:58ng pecan driver's license sa kasino.
05:01Bukod kina Alcantara at Hernandez
05:03sasampahan din ng reklamo
05:04ang iba pang binansagan BGC Boys.
05:07Ang pagkakaalam ko po,
05:08tinatapos na po,
05:09bukas umakalawa,
05:11magsasampa rin po ang kaso
05:12ang LTO at DOTR.
05:14Iniimbestigahan na rin
05:15kung bigay nga ng kasino
05:16ang mga peking lisensya
05:18dahil pati nagbigay
05:19ay maaaring ireklamo.
05:21Sinusubukan pa ng GMA Integrated News
05:23na hinga ng pahayag si Alcantara.
05:26Sabi naman ng abogado ni Hernandez
05:27di pa nilang tatanggap
05:28ang kopya ng reklamo.
05:30Para sa GMA Integrated News,
05:32ako si Joseph Morong,
05:33ang inyong saksi.
05:35Mga kapuso,
05:37maging una sa saksi.
05:38Mag-subscribe sa GMA Integrated News
05:40sa YouTube
05:40para sa ibat-ibang balita.
Comments