00:00Inatasan ang official ng Department of Transportation na mag-commute papasok sa trabaho isang beses kada linggo.
00:07Sa ganyang paraan, mararanasan daw nila ang kalbaryo ng mga commuter dahil sa maraming problema sa transportasyon.
00:14May unang balita si EJ Gomez.
00:20Araw-araw, umaabot ng dalawang oras ang biyahe ni Princess mula o Bandubulacan,
00:25papunta sa kanyang trabaho bilang isang DSWD worker sa Mandaluyong.
00:29Mula sa kanilang bahay, maglalakad daw siya sa terminal ng jeep, sasakay ng bus, tapos MRT, at saka magji-jeep ulit.
00:37Ang pamasahin niya, umaabot sa halos 200 piso balikan.
00:42Pag sa bus po, sobrang hirap kasi ang layo po nang nilalakad, pati rin po sa MIT.
00:47Tapos po, minsan sobrang siksikan pag rush hour.
00:51Tagasan Jose Del Monte naman ang BPO worker na si Renzuel na graveyard shift ang trabaho.
00:56Sumasakay rin siya ng bus, tapos magtitrain mula ko ba o papunta sa trabaho sa Shaw Boulevard.
01:01Bukod sa arawang gastos sa pamasahin na mahigit 150 pesos, stress at traffic daw ang sinusuong niya.
01:08May init mam actually kasi ano, sobrang crowded, sobrang ano, lalo na pag rush hour mam.
01:16Sobrang hira po talaga.
01:17Kasi pipila ka po, tapos maghihintay ka po.
01:20Minsan may aberya pa po.
01:22Kaya minsan po nagka-nalilit po ako.
01:24Inatasan ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang mga opisyal ng Department of Transportation na mag-commute papasok sa kanila mga opisina nang hindi bababa sa isang beses sa isang linggo.
01:35Para personal nilang masaksihan ang dinaranas ng mga commuter at makagawa ng mga mas epektibong programa.
01:40Sa inilabas ng memorandum ng DOTR, kabilang sa mga opisyal ng road and rail sectors na inatasan ay ang Executive Director at Regional Directors ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising Regulatory Board.
01:54Kasama rin ang Administrator ng Light Rail Transit Authority at mga General Manager ng PNR, DOTR at MRT3.
02:02Pagkatapos ay pinagsusumiti ang mga nasabing opisyal ng report para sa rekomendasyon at action plan kung paano mapabubuti ang pampublikong transportasyon.
02:12Hiling ng mga nakausap nating commuter.
02:14Dagdagan po yung public transport station para po yung lahat makasakay, yung hindi po yung pila-pila talaga yung commuters.
02:23Sana po gawin pong mas comfortable yung pagko-commute lalo na po sa amin kasi sobrang hirap po talaga mag-commute lalo na pagsiksikan.
02:32Ito ang unang balita. EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
02:38Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments