00:00Patuloy ang pagbibigay ng ligtas at mas maayos na tahanan ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:08Sa katunayan, pinangunahan ng Pangulo ang pamahagi ng higit isang libong housing units sa mga pamilyang maapektuhan ng proyekto ng Philippine National Railways.
00:19Si Gavi Llegas sa Sentro ng Balita.
00:21Pinangunahan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-award sa mga bagong housing unit ng National Housing Authority sa St. Bart, Southville Heights sa San Pablo City sa Laguna.
00:33Present sa nasabing seremonya si na Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling, Transportation Secretary Giovanni Lopez, National Housing Authority General Manager Giovanni Miranda, Laguna Governor Saul Aragones at San Pablo City Mayor Arcadio Gabangada Jr.
00:52Aabot sa 1,099 ng mga housing units ang ipagkakaloob sa mga benepisyaryo na maapektuhan ng pagtatayo ng segment 2 to 7 ng South Long Haul Project ng Philippine National Railways.
01:05Nasa 800 pamilya ang unang nabigayaan ng mga units ngayong araw.
01:08Ang bawat housing unit dito sa St. Bart, Southville Heights sa San Pablo, Laguna ay may land area na 40.5 square meters at floor area na 27.5 square meters.
01:19Tara, silipin natin kung anong nasa loob ng bahay.
01:22Bawat bahay ay mayroong living at dining area, mayroong dalawang bedroom, at syempre, hindi mawawala dyan ang kusina at banyo.
01:34May iba pang itatayo ng mga amenities sa loob ng komunidad, tulad ng covered court, pamilihan, daycare center, health center at tricycle terminal.
01:43Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na ang nasabing housing project ay bahagi ng mas malawak na proyekto ng pamahalaan na magtayo ng tahanan para sa bawat pamilyang Pilipino.
01:54Masaya natin pinagdiriwang na may mas ligtas, mas maayos na tahanan na merong kayong mauuwian na.
02:02Ito po ang ating layunin.
02:04Kasabay ng pagpapaunlad natin sa infrastruktura ay ang pagginhawan ng buhay ng ating mga kababayan.
02:12Walang iniiwan, walang sinasantabi at walang pinababayaan.
02:17Nais rin ni Pangulong Marcos na bumuo ng mga komunidad na may maayos na tahanan at kompletong pasilidad.
02:23Ibinahagi rin ang Pangulo na nilagdaan nito noong nakaraang Mayo ang Republic Act 12216 o ang pagpapalawig sa charter ng NHA ng karagdagan 25 taon.
02:34Ayon naman kay NHA General Manager Tai, nasa 10,000 pamilya ang matatamaan ang PNR South Long Haul Project na babagtas mula Kalamba, Laguna hanggang Ligaspi City sa Albay.
02:45Tuloy-tuloy rin ang paglilipat ng mga apektadong residente sa mga housing sites.
02:50Ongoing naman po yung pagtatransfer kasi alam nyo naman po hindi po ganun kabilis magtransfer.
02:54Especially mga pamilya po doon may mga anak rin po siya na tumitira.
02:59So normally po marami po nagkatransfer na after the school year.
03:02Ayon rin kay GM Tai, ang St. Bart's Housing Site ang kauna-una ang nai-turnover ng NHA para sa nasabing proyekto.
03:09Mayroon pang walong housing project ang nakapila para sa mga residenteng apektado ng South Long Haul ng PNR
03:14na may mga housing sites sa Quezon.
03:17Ipinahayag rin ni GM Tai ang buong suporta ng ahensya sa pambansang pabahay para sa Pilipino o 4PH program ng pamahalaan.
03:24Masaya ang benepisyaryong si Marilyn na isa siya sa mga makatatanggap ng tahanan na may tuturing ng kanila.
03:30Masaya po kami ngayon dahil binigyan po kami ng isang pagkataon na magkaroon po kami ng bahay po dito po sa San Pablo.
03:38Ganito rin ang saluubi ng isa pang benepisyaryo na si Renaline.
03:42Para sa kanya, noon ay nag-aalala siya sa kaligtasan ng kanyang mga anak dahil sa nakatira sila sa tabi ng riles.
03:49Masaya po kasi magkakaroon na kami ng sarili naming bahay na hulugan.
03:55May pakiusap rin ang Pangulo sa mga bagong homeowners.
03:58Kaya ang pakiusap na lang sa inyo, alagaan naman ninyo ang mga tahanan ito at mahalin ninyo ang inyong komunidad.
04:06Magtuluman at pairalin ang malasakit sa bawat isa.
04:10Panatilihing malinis, ligtas at maayos ang St. Marks.
04:15Patunayan ninyo na kayo ay ang mga bagong Pilipinong.
04:19Pilipinong disiplinado, mahusay at may pagmamahal sa bayan.
04:24May minsahe naman ang mga benepisyaryo kay Pangulong Marcos.
04:27Maraming salamat po kay Pangulo kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi rin naman kami magkakaroon ng gantong sariling bahay.
04:34Gab Villegas para sa Pambalsang TV sa Bagong Pilipinas.