00:00Pinaghahanap ang isang lalaking nagpakilala umanong NBI agent para mambiktima sa investment scam sa Iligan City.
00:08Base sa reglamo ng Amerikanong complainant, hinikayat siyang mag-invest sa isang agricultural product ng sospek.
00:15Pero scam daw pala ito. Nakipagkita pa raw siya ng isang beses sa sospek na may kasamang mga armadong lalaki.
00:23Kinumpirma naman ng ilang witness na nakikita nila ang lalaki na may suot na uniforme at badge ng NBI.
00:29Ayon sa NBI Iligan District Office, hindi nila lehitimong tauhan ang lalaki o ng anumang uniform service.
00:37Patuloy pa siyang tinutugis pati ang kanyang mga kasama.
00:41Mahaharap ang lalaki sa reklamong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority.
00:49Sinusubukan pa namin unan ng pahayag ang biktima.
Comments