Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Marangyang pamumuhay ng ilang opisyal kaugnay ng flood control projects, pinuna ng publiko _ Agenda
Transcript
00:00Tumani ng batikos ang viral video ni Samar Governor Shari Antan
00:05na sumasayaw habang pinapaulanan ng pera.
00:09Kasabay nito, lumutang pa ang ibat-ibang resibo ng umano'y marangyang pamumuhay
00:14ng mga opisyal na inuugnay sa maanumalyang flood control projects.
00:20Yan ang agenda report ni Joan Manalo.
00:25Kasabay ng pagputok sa umano'y mga anomalya
00:28sa ibat-ibang flood control projects sa bansa
00:30ang paglutang ng mga pangalang ilinadawit sa kontrobersya.
00:34Kabilang dito ang DPWH First District Engineer sa Bulacan,
00:39si na Henry Alcantara at Bryce Hernandez.
00:42Si Alcantara ay former District Engineer ng Ahensya
00:45habang humalili naman sa kanya ang bagong talaga na si Hernandez.
00:49Napabalitang na relieve at naka-floating status ngayon ang dalawa
00:52matapos ang investigasyon sa ghost project sa Lalawigan
00:56na matatagpuan lang daw sa distrito ang hawak nila.
01:00Ngayon, nasa hot seat ang dalawa dahil usap-usapan sa social media
01:04ang tila maluhong pamumuhay nila
01:06kahit nasa salary grade 19 to 25 lang daw
01:10ang usual na sahod ng isang district engineer.
01:13Sa isang larawan,
01:14makikitang suot ni Hernandez
01:16ang isang Louis Vuitton quilted button-up shirt
01:19na nagkakahalagang 96,700 pesos.
01:22Nakitaan din siyang suot ang isang Audemars Pigway wristwatch
01:26na nasa mahigit 2 million pesos ang halaga.
01:30Si Alcantara naman,
01:31nahulis sa isang larawan na suot ang isang Louis Vuitton Rivoli sneaker
01:35na nasa 1,258 US dollars ang presyo.
01:40May isang larawan din siya na suot niya ang isang Patek Philippe Nautilus watch
01:44worth 11 million pesos.
01:46Pero hindi lang ang mga engineer ang kino-call out ngayon sa social media
01:50kasama na rin ang mga contractor at local officials
01:53na hindi nakaligtas sa pamumuna ng publiko.
01:57Isang video ni Summer Governor Shari Ann Tan
01:59ang kumakalat ngayon sa social media
02:01kung saan makikita nagsasayaw siya habang pinapaulanan ng pera.
02:06Nakunan-umano ang nasabing videos
02:08isang event sa Summer Convention Center nitong Sabado
02:11na dinaluhan din ng iba pang local officials.
02:14Pinuna ito ng maraming netizen
02:16at tinawang pang flood control gala.
02:20Binigyang din ng isa,
02:21wala ito sa lugar dahil napakaraming substandard na proyekto sa lugar
02:25at naghihirap na ang mga kababayan.
02:28Pero giitnitan,
02:29tradisyon lang daw nila ito sa probinsya.
02:32Sa text message sa Billionario News Channel,
02:35pinaliwanag ng gobernador na napupunta rin daw
02:37ang pera sa simbahan at mga barangay project.
02:40Kaya nakakalungkotan niya ang pagtuligsan ng ilan sa kanilang tradisyon.
02:44Kabilang si Tant sa ruling political clan ng probinsya
02:47na ngayon ay nauugnay sa ilang mga proyekto
02:50ng JFR Construction Incorporated.
02:53Nakapagtala ito ng 18 flood control contracts
02:55worth $856 million mula 2022 hanggang 2024
03:00ayon sa sumbong sa Pangulo portal.
03:02Isa naman ang Eastern Visayas sa mga flood-prone areas sa bansa
03:07kaya base rin sa sumbong sa Pangulo website,
03:10hindi bababa sa isang daan ang recorded flood control projects sa rehyon.
03:15Marami sa mga ito, lalo na sa Leyte,
03:17SunWest ang contractor.
03:19Isa ang SunWest sa top 15 contractors
03:22na nakakuha ng pinakamaraming flood control projects sa bansa.
03:25Ang co-founder nito,
03:28si Ako Bicol Portalist Representative Zaldi Ko.
03:31Kaya usap-usapan na rin ngayon
03:32ang umano'y lavish lifestyle ng mga kapamilya nito.
03:36Sa Instagram ng kanyang pamangke na si Claudine Ko,
03:39makikita ang travels at vlogs ng dalaga sa iba't ibang bansa.
03:43Kita rin sa isang TikTok video
03:45na galing sa vlog ni Claudine
03:46ang pagsakay ng kanyang pamilya sa isang private plane.
03:50Bukod pa sa SunWest,
03:52hawak din ng pamilya Ko ang isang aircraft leasing business
03:55at nakapagtala rin sila ng 5 billion peso capital.
03:59Pagmamayari naman ang kapatid ni Zaldi Ko
04:01na si Christopher Ko
04:02ang High Tone Construction and Development Corporation.
04:06Nakasama rin sa top 15 contractors
04:08na isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Marquez Jr.
04:11Para sa agenda,
04:13Joan Manalo, Billionario News Channel.
04:16Nilinaw ng tanggapan ni Samar Governor Shari Antan
04:19na hindi nakunan ang viral video sa isang engranding dinner
04:22kundi sa hermano night ng piyesta sa Kat Balogan City.
04:27Ayon sa Summer LGU,
04:29invited guest lang ang gobernadora
04:31sa tinatawag na kuratsya
04:33at nakisayaw bilang bahagi ng tradisyon.
04:36Anila, bahagi nito ang gala o money showering
04:39na sumisimbolo sa pagbibigayan at community spirit.
04:43Bagamat naiintindihan anila
04:45na dapat maging sensitibo ang public officials,
04:48lalo na sa gitna ng iba't ibang problema ng bansa.
04:51Hindi raw ginawa ang pagtitipon
04:53para ipakita ang yaman o kapangyarihan
04:56kundi pagbibigay galang sa identity ng mga Samar nun.
05:00Muling binigyang diin ng opisina ni Tan
05:02na mapupunta ang proceeds
05:04sa iba't ibang simbahan sa Lalawigan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended

1:04:34
Up next