Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00PNP Anti Kidnapping Group
00:30sa dalawang kidnapping suspect sa inilunsad na operasyon noong September 11.
00:34Tatlo silang suspect na naaresto sa isang bangko sa Quezon City.
00:38At ayon sa mga otoridad, nasa gip din ang mismong biktima,
00:41isang babaeng negosyanteng 78 years old.
00:44Ayon sa DILG, September 2, dinukot ang biktima
00:48at humingi ang mga kidnapper ng 150 milyon pesos na ransom.
00:52Nasa bangko ang mga suspect at biktima
00:53at doon ay inutusan ang negosyante na mag-withdraw ng pera.
00:57Pero nauna nang naitim rin ang pamilya sa pulisya at sa bangko ang pagdukot.
01:02The top operators knew of the situation and contacted the PNP.
01:09And within minutes, the PNP arrived and arrested the three suspects
01:13and rescued the kidnapped victim.
01:16Dalawa sa tatlong suspect ay dating taga-marins na honorably discharged.
01:20Ang isa ay dating taga-army na dishonorably discharged.
01:23Patuloy ang pagtugi sa utak sa pagdukot.
01:26Hindi pa kumpleto ang tactical interrogations.
01:29Hinahanap pa namin kung sino ang mastermind nila.
01:32Pero safe to say, yung majority of the group nahuli na namin.
01:35Pero parang hindi sila yung leader ng grupo.
01:38The perpetrators of the crime were not of high intelligence
01:42because they actually went to the bank to withdraw the money.
01:46Sa San Jose del Monte, Bulacan naman,
01:52nakuna ng CCTV ang lalaking ito na nakahandusay sa kalsada katabi ang kanyang motorsiklo.
01:58Pilit niyang sinusubukang tumayo habang pinapapotok ang hawak ng baril.
02:05Sa pag-zoom out ng video, kitang dalawa pala ang motorsiklong tumumba.
02:10Isa pang lalaki ang kitang nakaupo sa tabi ng pangalawang motorsiklo.
02:14Tila may iniindaring sugat.
02:16Hanggang sa dumating ang kasamahan niya at pinagbabaril ng malapitan ang biktima.
02:21Isa pang kasamahan nila ang dumating para tulungan silang makaalis sa kanyang motorsiklo.
02:25Patay ang biktima na si Merwin Reyes.
02:28Sugatan ang isa sa tatlong nakabarila niya.
02:30Ayon sa pulisya, kinuha umano ng mga suspect ang baril ng biktima at mabilis na tumakas.
02:36Patuloy ang pagtugis at investigasyon sa motibo sa pagpatay.
02:40Sa Antipolo Rizal, patay sa pamamaril ang 60-anyos na opisyal ng Homeowners Association sa isang subdivision.
02:48Nagpapahangin umano ng gulong ng tricycle.
02:50Sa vulcanizing shop ang biktima ng lapitan ng gunman at pagbabarilin.
02:55Nakatakas ang dalawang suspect na riding in tandem.
02:57Walang maisip na posibleng motibo sa krimen ang pamilya ng biktima.
03:01Wala raw itong kaaway o kagalit.
03:03Ang pagkaalampas na namin dito, wala siyang kaaway na gun.
03:07Hindi lang, mabiging siya ng auskisya.
03:10Patuloy ang investigasyon.
03:12Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
03:17Pinangalanan na ng palasyo ang dalawa sa mga magiging miyembro ng Independent Commission for Infrastructure
03:30na sisilip sa mga maanumaliang flood control project.
03:34Isang alkada rin ang itinalagang magiging special advisor at imbesigador.
03:40Nakatutok si Jonathan Andal.
03:42Sinadating DPWH Secretary Rogelio Singson at Rosana Fajardo
03:50ang dalawang magiging bahagi ng three-member Independent Commission for Infrastructure
03:55na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control project.
03:59Si Singson, DPWH Secretary ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
04:02As former Secretary of the Department of Public Works and Highways,
04:07he led one of the most significant reform efforts in the agency's history,
04:12introducing systems to promote transparency, eliminate ghost projects,
04:16and ensure proper use of public funds.
04:19Certified public accountant naman si Fajardo at country managing partner ng SGV and Company,
04:25ang pinakamalaking professional services firm sa bansa.
04:28She has over three decades of experience in auditing, internal controls, and risk management.
04:35Her technical insight and financial acumen are critical in following the trail of public funds
04:41and determining where leakages and irregularities may have occurred.
04:46Special advisor at tatayong imbesigador si Baguio City Mayor Benjamin Magalong,
04:51dating hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Grupo CIDG.
04:55His experience in leading difficult investigations, uncovering internal wrongdoing,
05:01and enforcing compliance makes him a strong asset to this commission.
05:07Ang tatayong chairman ng komisyon, iaanunsyo raw mismo ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga susunod na araw.
05:13Sinusubukan pa namin kunan ang pahayagang tatlong pinangalanan kanina pero wala pa silang tugon sa ngayon.
05:18Pagtitiyak ng palasyo.
05:19Wala ni isa sa kanila ang konektado sa anumang ahensya o kontratistang iniimbestigahan.
05:26Gaya ng paulit-ulit na sinabi ni Pangulong,
05:29walang sasantuhin dito.
05:31Kahit kamag-anak, kaibigan, kaalyado.
05:34There will be no secret cause.
05:37The commission will begin its work immediately.
05:39Pero bakit kaya napili si Magalong kung ang sabi noon ng Pangulong,
05:43walang politikong itatalaga sa independent commission?
05:46Ang magiging papel po ni Mayor Benji Magalong ay special advisor.
05:52Hindi po siya kasama doon mismo sa three-member commission.
05:56So bigyan po natin siya ng pagkakataon.
05:59Walang binigay na timeline ng palasyo kung kailan matatapos ng ICI ang imbestigasyon nito
06:03sa rami ng dokumentong kailangan nilang busisiin.
06:06Pero inatasan silang buwan-buwan na mag-report sa Pangulo.
06:10May tutulad sa hukuman ng kapangyarihan ng ICI.
06:12Pwede itong magsagawa ng pagdinig, maglabas ng sabina sa mga ipatatawag na testigo at dokumento,
06:18magrekomenda ng isa sa ilalim sa Witness Protection Program,
06:22humingi ng report ng imbestigasyon ng mga kumite ng Kamara at Senado,
06:25court records ng Sandigan Bayan at mga libro, kontrata at bank records.
06:31May kapangyarihan din ang ICI na magrekomenda sa otoridad na maglabas ng hold departure order,
06:36magpa-uwi ng nasa abroad at magpa-freeze ng mga ari-arian, mga deposito,
06:42kung may sapat na basihang galing sa anomalya sa flood control o infrastructure project ang mga ito.
06:47Pwede rin silang magrekomenda ng agarang pagsuspinde sa mga pampublikong opisyal
06:52at magrekomenda ng parusa sa mga tatangging humarap o tumistigo sa isinasagawang imbestigasyon.
06:58Maging pribadong individual, parurusahan din sa ilalim ng batas.
07:03Sabi ng Palacio, kasama sa iimbestigahan ng komisyon,
07:06si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na ayon kay Senlor Panfilo Lacson,
07:11konektado rao sa isang kontraktor, bagay na nakarating na rao sa Pangulo.
07:15Patuloy naming sinusubukang kunin ang panig ni Bonoan.
07:18Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
07:23Uubusin ang mga tauhan kung kailangan.
07:27Yan ang tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon sa patuloy na paglilinis ng kagawaran
07:32at paghahay ng reklamo laban sa mga sangkot o manok sa mga maanumalyang proyekto.
07:37Kasama yan ang patuloy na panawagan ng iba't ibang sektor na panagutin ang mga sangkot sa katiwalian.
07:43Nakatutok si Bernadette Reyes.
07:44Tinatay ang tatlong daan na nakiisa sa kilis protesta kontra korupsyon sa People Power Monument.
07:55Di alintana ang mataas na sikat ng aral.
07:58Panawagan nila na may managot sa mga maanumalyang flood control project.
08:02Mula EDSA shrine na simbolo ng payapang revolusyon ng EDSA People Power 1,
08:08nagmarsya ang samutsaring grupo papunta dito sa People Power Monument
08:11para ipakita ang kanilang pagkondina sa isyo ng korupsyon.
08:15Matakot kayo.
08:17Andito ang puwersa ng kabataan ng mga mamamayang Pilipino na hindi tinatanggap na patuloy lang ang pangungurakot.
08:25Ang malinaw na simbolismo nito is it's a national shrine of our lady of peace po.
08:31At ang talagang pamamaraan ng pakikibaka na siguro tatak Pinoy ay yung mapayapang malakas at tumitindig na pakikibaka.
08:39Kailangan harapin ng Pangulo ang sarili niyang responsibilidad sa korupsyon.
08:46Yung mga budget na pinag-uusapan natin ngayon from 2023, 2024, 2025, pinirman niya lahat.
08:55That is the President's budget. May kapangyarihan siya ng veto.
09:01Kaya palang gawin yun. Bakit? Sa simula palang hindi ginawa.
09:05Kaya ang punto natin, ultimately, budget siya ng Presidente, may responsibilidad at pananagutan ang Presidente.
09:13Asahan na wang mas malaking pagkilo sa September 21 sa Luneta.
09:17Sana lumakay ang kilusan na ito. Sana lumakay ang grupo na ito.
09:20Kasi hindi lang naman ito laban ng kabataan, laban ng mga manggagawa.
09:24Laban ito ng lahat. Lahat tayo nagbabahid ng tax dito.
09:27Very peaceful naman po ang directive sa atin ng higher headquarters sa maximum tolerance po.
09:33Sa susunod na linggo, maaaring maghahain muli ng reklamo ang DPWH.
09:37Laban naman sa mga sangkot sa maanumalyang proyekto sa Mindoro.
09:41Binubusisi na rin ngayon ng DPWH sa mga report na maanumalyang proyekto sa La Union, Baguio, Nueva Vizcaya, Davao at Eastern Visayas.
09:50Babala ni DPWH Secretary Vince Dizon, hindi lang matataas na opisyal ang mananagot kung mapatunayang may katiwalian.
09:57Kung kinakailangan po e, ubusin natin o ubusin po natin lahat ng mga tao dito.
10:01Top to bottom talaga yung pagiginis dito.
10:03Hindi hoon natin masisisi din ang publiko na itong galit na nararamdaman natin lahat dahil dito sa mga ginawa ng mga ilang mga tagagang napakasasamang tao.
10:14Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
10:21Isinigawa sa West Philippine Sea ang maritime exercise ng Pilipinas, Amerika at Japan, sa anino ng China na may mga umaaligid pang mga warship.
10:30Nakatutok si June Veneracion.
10:33Apat na F-850 fighter jet ng Pilipinas ang nagpakitang gila sa yung papawid ng West Philippine Sea.
10:43Tatlong beses nagpabalik-balik ang mga fighter plane habang nagsasagawa ng division tactics.
10:48O laka-formation na paglalayag ang mga barko ng Pilipinas, Amerika at Japan.
10:52Stand by. Execute. Over.
10:58Roger. Roger. Out.
11:01Bahag ito ng huling araw ng 11th Multilateral Maritime Cooperative Activity.
11:05Habang nagsasagawa ng maritime exercise ang tatlong bansa, makikita ang umaaligid ang tatlong warship ng China na tila nagmamonitor sa mga aktibidad.
11:16Successful naman po yung event natin despite the presence of the interlopers.
11:22Layo din ng maritime exercise ang mahasa ang interoperability ng mga tropa ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa.
11:28Ginawa itong pagsasanay di kalayuan sa Scarborough Shoal kung saan plano ng China na magtayo ng isang nature reserve.
11:35Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na nakapaghaid na ng diplomatic protest ng Pilipinas sa nauna ng tinawag na aksyon ng China bilang illegitimate and unlawful.
11:45Sagot ng Foreign Ministry ng China, bahagi ng kanilang sovereign rights ang pagtatayo ng nature reserve dahil bahagi naman ito ng kanilang teritoryo.
11:52Sinabi naman ng Amerika, nasuportado nito ang Pilipinas sa magbasura sa plano ng China.
11:58Ang mga aksyon daw ng China sa Scarborough Shoal ay patuloy na nagbabaliwala sa regional security.
12:04Para sa GMA Integrated News, June Benerasyon na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended