00:00Muling tiniyak ng National Maritime Council Technical Working Group ang suporta ng gobyerno sa komunidad sa Pag-asa Island
00:07alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na whole of government approach sa pagprotekta sa ating soberenya, sa ating mga teritoryo.
00:17Sa katunayan, binisita ng mga opisyal ng NMC-TWG ang Pag-asa Island para kamustahin ang mga residente at alamin ang kanilang mga pangangailangan.
00:27Ayon kay Presidential Assistant for Maritime Concerns, Secretary Andres Santino, mahalaga ang mga ganitong aktibidad para personal na malaman ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa isla
00:39at para matiyak ang ating presensya sa ating mga teritoryo. Makakatulong din anya ito para makabuo ng mahalagang policy recommendations.
00:49Git ni Santino, mahalagang bahagi ng teritoryo ng bansa ang Pag-asa Island at iginit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahalagang maprotektahan ang presensya sa West Philippine Sea at iba pang maritime domain.