00:00Sa ating balita, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa pagkilala sa mga Agrarian Reform Beneficiary o ARB sa ginanap na Gawad Agraryo 2025.
00:13Kinilala ng aktividad ang mga ARB, Agrarian Reform Organizations at Agrarian Reform Communities na naging malaki ang papel sa pagunlad ng reformang agraryo ng pamahalaan.
00:25Ayon sa Pangulo, ang contribution nila ang nagsisilbing patunay na walang pangarap na hindi kayang abutin.
00:33Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na patuloy ang pagpapatupad ng mga reforma para mapabuti pa ang kabuhayan ng mga magsasaka,
00:42kabilang na ang pamamahagi ng lupa at mga kagamitan sa pagsasaka.
00:47Sinabi naman ang DAR na simbolo ang pagkilalang ito para sa pagpapatuloy ng hakbang ng pamahalaan sa agrarian reform.
00:56Sampung ARB ang itinanghal na most outstanding na matagumpay sa pagbabagong buhay at pagangat ng kanilang komunidad.
01:06Lima naman ang most progressive ARBs na pagkilala sa mga operatiba na nagpapatibay sa kanilang mga kasapi
01:14at nagsusulong ng kaunlaran sa kanayunan.
01:18Habang apat ang napiling most progressive na agrarian reform communities
01:22na nagsilbing pagkilala sa mga huwarang pamayanan na nagpakita ng pagkakaisa, katatagan at sustainable growth.