Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pinaghandaan ng iba't ibang grupo at maginginama otoridad ang malawakang protestang ikinakasa bilang pagkundina sa katiwalian sa gobyerno.
00:09Ang isang grupo naman ng mga negosyante na babahala sa posible efekto na isyo ng katiwalian sa pagpapautang ng mga dayuhang institusyon sa Pilipinas.
00:19Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:21Mismong sa harap ng tanggapan ng Bulacan 1st District Engineering Office ang protesta ng mga estudyante mula sa isang universidad.
00:33Sa DPH Bulacan 1st District Engineering pareho nagsilbi si na-Engineer Henry Alcantara at Engineer Bryce Hernandez na parehong ginisa sa mga pagdinig dahil sa pagkakasangkot-umanok sa anomalya sa flood control projects.
00:48Mahiya naman po kayo.
00:50Sa EDSA naman, iba't ibang grupo rin ang nagtipon para kundinahin ang korupsyon.
00:57Layo nilang hilingin ang agarang pagbuo ng Independent Commission para investigahan ng flood control projects at paglabas ng statement of assets, liabilities and net worth o salen ng mga sangkot sa isyo.
01:11Hindi mo pwedeng ang pinaka-guilty sila ang nag-imbestiga. Dapat Independent Commission.
01:16Tama na ang pagnanakaw, tama na ang drama, totoong accountability naman. Sana may kasuhan, sana may makulong.
01:24Ayon sa NCRPO, may mga ikinakasang protesta sa EDSA Shrine at sa People Power Monument bilang bahagi ng mga pagkilos bukas at sa Sabado.
01:33Sa ngayon po, meron po tayong kabuoang 2,250 na polis na nakahanda para sa siguridad.
01:39Kabinang po dito ang Menjola, Batasan, Senado at EDSA Shrine.
01:43Hindi naman daw inaasahan ng DILG na mangyayari sa Pilipinas ang karahasan sa mga protesta sa Nepal at Indonesia.
01:54Pero handa raw ang DILG at PNP sa anumang mangyayari.
01:58People want accountability but not instability.
02:02So we will prevent the instability na mangyayari.
02:06Nasa maximum tolerance kami.
02:08We understand that people have grievances and it is nothing to take advantage of.
02:13Ngayong inaantabayanan kung sino-sino ang magiging bahagi ng Independent Commission na mag-iimbestiga sa flood control at iba pang infrastructure projects,
02:22gumugulong din ang investigasyon ng ibang ahensya.
02:25Ang Commissioner Audit, ibibigay sa Independent Commission ang Special Audit Report nito sa mga proyekto ng ilang kontraktor na nauna na nilang isirumite sa ombudsman.
02:37Ang BIR may tax fraud audit sa mga pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos na top 15 contractors na naka-corner ng flood control projects.
02:50Iniimbestigaan din daw ng BIR ang posibleng tax liabilities o dinabayarang buwis ng mga kawaninan DPWH at iba pang kawanina binanggit sa mga pagdinig ng Kamara at Senado.
03:02Ang issue ng katiwalian sa bansa, tinututukan din ang mga dayuhang investor na pwede raw magdalawang isip ngayon ayon sa isang ekonomista.
03:11Sa ganitong lakas ng ingay na nangyayari sa ating politika ngayon, marami ang magdadalawang isip at mag-hold back, mag-i-invest ka ba sa ganitong klaseng klima, ganitong klaseng environment.
03:28Tingin ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, kung hindi mareresol ba ang issue ng katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno,
03:35pwede rin maghinay-hinay ang mga dayuhang institusyon na nagpapautang sa Pilipinas.
03:40They're careful also na kung ganitong lumalabas, yung pera nila hindi naman na properly used for the project.
03:49Ang pinaka talagang dismaya kami, a staggering amount.
03:56You can imagine how much can be done with those billions of pesos.
04:01You could actually build a new city.
04:02Una na rito, ipinatigil ni South Korean President Lee Jae-myung ang pagpapautang sa Pilipinas ng 28 billion pesos para sa pagpapatayo ng tulay dahil sa issue ng katiwalian.
04:15Pero ayon sa Finance Department, bagamat ang inisyal na pagmumulan dapat ng pondo ay South Korea,
04:22noong 2024 pa, naghanap ng ibang mapagkupunan matapos di magkasundo sa ilang specification.
04:28Sa France na raw nakikipag-negosasyon ng gobyerno, kaugnay sa proyekto.
04:34Sabi ng mga eksperto, apektado rin ang issue ang buhay ng mga Pilipino,
04:39partikularang may hirap na nadedehado sa paglustay ng pondo ng bayat.
04:44Sa lawak at tindi ng katiwalian na ito, at na hindi naman naniniwala ang mga mamamayan na yung mga kontratista lamang ang isip at nakapagpatupad ng mga ganitong proyekto na punong-puno ng katiwalian.
05:01Makabubutian nila kung maipapakita ng gobyerno na may mapaparusahan.
05:06Na bid-up scam, no? At the end of the day, alam din natin na ilan politicians na pinagkulong sa detention.
05:18So I take it with this gravity of this blood protection scam, marami.
05:23Hindi lang yung sa political position, pero dito sa mga government agencies na DPWH, some of the former or maybe incumbent people working for DPWH,
05:38they went to casino na they lost almost 1 billion nga eh. We'll have to do the money trail.
05:44Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
05:50Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:54Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment