00:00Sumalang na sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations ang DSWD
00:05para depensahan ng kanilang panukalang pondo sa susunod na taon.
00:10Tiniyak naman ang ahensya ang pagpapatuloy ng mga programa na makatutulong sa mga Pilipino.
00:15Si Mela Lesmora sa Sentro ng Balita, live!
00:20Angelique, supportado ng mga kongresista ang paghahati na sapat na pondo para sa DSWD,
00:25lalo pat mahalaga ang kanilang mga programa para sa ating mga kababayan.
00:29At tiniyak naman ng kagawara na tuloy-tuloy ang kanilang inisiyatibo para sa ating mga kababayan.
00:36Bandang alas 9 ng umaga kanina ng humarap sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations
00:41ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development para depensahan
00:45ang kanilang panukalang pondo para sa susunod na taon.
00:49Personal na humarap dito si DSWD Secretary Rex Gatchalian.
00:53Para sa taong 2026, higit 223 billion pesos ang pondo ng DSWD sa ilalim ng National Expenditure Program.
01:02Ayon kay Secretary Rex Gatchalian, kabilang pa rin sa mga pangunahin nilang programa na pagkagamitan nito
01:07ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4-Piece Sustainable Livelihood Program,
01:12Supplementary Feeding Program, Social Pension of Indigent Senior Citizens, at Quick Response Fund.
01:18Kasabay niya, nilinaw naman ang DSWD na wala ng ayuda para sa kapos ang Kita Program o ACAP sa 2026
01:25dahil sa mga isyong iniuugnay sa naging implementasyon nito.
01:29Para naman sa pinigting na servisyo ng DSWD, tinayak nila ang patuloy ang kanilang digitalization
01:35at magkakaroon na rin sila ng DSWD Academy para sa dagdag nilang mga kawani,
01:40particular na ang Social Welfare Assistance.
01:42Pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni Secretary Gatchalian.
01:45We are coming up with the DSWD Academy.
01:50It's a facility in Taguig that's about to open the end of the year.
01:54It's part of our capacity building.
01:56So one of the things that we want to push is kung walang social worker,
01:59we will now start working with Social Welfare Assistance.
02:03Yan yung mga, they act as social workers pero hindi kinikilala na yung mga signature nila.
02:08So what we had in mind was to empower them na pag train sila sa academy namin,
02:13yung signature nila should be accepted for certain issues.
02:21Angelique, kanina sa interpelasyon, ay natalakay nga rin itong pondo para sa AICS
02:26o Assistance to Individuals in Crisis Situation.
02:29At hinihiling nga ng DSWD, sana ay magkaroon ito ng dagdag budget
02:33dahil natapyasan ang budget dito dahil malaking tulong nga ito para sa ating mga kababayan.
02:38Yes, Mel, kung ang ACAP ay tinanggalan ng budget para sa 2026,
02:45yung kabuang budget ba ng DSWD para sa 2026 ay nabawasan din?
02:55Angelique, so far kasi maraming agency talaga na nabawasan yung budget
03:00pero ang tinitiyak naman ng mga kongresista, ito kasi ay tinatalakay pa nila ngayon
03:05kung talagang kailangan ng dagdag budget, ay yan naman ay kanilang tutugunan.
03:09Particular nga, Angelique noon, yung nga dito sa AICS, ay marami din yung mga kababayan natin natutulungan nito.
03:16Sabi nga kanina ng mga kongresista, yan ay lubos na nakakatulong sa kanilang mga constituents.
03:21So abangan natin yung magiging hakbang ng House Committee on Appropriations kung paano ito susolusyonan.
03:29Pero Angelique, ito nga, marami rin naman mga programa yung DSWD.
03:32So titignan natin kung may mga programa silang ibang ililipat na lamang sa AICS
03:37o ito ay may iba pang solusyon na naisip ang ating mga mga mababatas sa Angelique.
03:43Alright, maraming salamat, Mela Les Moras.