00:00Update naman po sa mga luxury cars ng Pamilya Descaya na nasa kanilang kustudiya ating alamin kasama si Atty. Chris Bendijo, Deputy Chief of Staff ng Office of the Commissioner ng Bureau of Customs.
00:13Atty. Chris, magandang tanghali po.
00:15Ito po ang kasalukuyang bilang ng ating mga luxury vehicles ng Pamilya Descaya na nasa kustudiya na ng Bureau of Customs sa ngayon.
00:29At Atty. Paano po na kumpirman ang koneksyon ng mga ito sa kanila?
00:37Atty. Chris?
00:38As of today, we have a total of 30 vehicles in the custody of customs.
00:45Ito ay dumaan sa inspeksyon.
00:48Walo po dito, nakitaan po natin ng kakulangan sa import entry at certificate of payment.
00:55Pito naman po dito ay wala pong certificate of payment.
00:57At yung natitira naman po, nakitaan po natin ng kompletong dokumento pero nagbigay po ng urus ang ating commissioner na tingnan po kung tama po yung buwis na nabayaran sa mga sasakyang ito.
01:11So, bali, ano ito, follow up ko lang, 30, yung bilang para sa ating mga kasamaan sa media, 30 yung total, 8 yung kulang sa mga certifications, 7 ang walang certifications, tapos yung balanse na 15,
01:25kumpleto man ng certifications, kailangan i-check yung taxes.
01:28Yes, Yusef.
01:29O, maraming tayong aabangang either sisirahin o ibebenta ng BOC.
01:34Pero, attorney, ano po ang proseso na sinasagawa ng BOC mula sa unang pagkakaumpisa ng 12 sasakyan hanggang sa pagsuko ng karagdagang 16 paat pagkasamsam ng dalawa pang unit?
01:50Tama yan, Yusef. Aboy, pero linawi natin ang inklinasyon ng ating commissioner na si Ariel Pumoseno ay gawin pong revenue ang mga sasakyang ito.
02:02So, hindi po natin makikita yung pagsisira o yung condemnation kung tawagin.
02:07But, may kwento lang natin at tayo ay dumulog sa korte upang kumuha ng search warrant para dun sa 12 sasakyan.
02:14At pagkatapos natin i-proseso ito, meron tayong nakitang 8 na wala pong import entry at certificate of payment.
02:20Ibig pong sabihin, napaka-strong po nung presumption na iligal po yung importasyon nito.
02:25At ikalawa, wala po itong nabayarang customs, duties, and taxes.
02:29Yun naman pong mga natitira, nadaan po ito ng pinatawag nating post-clearance audit.
02:34Susuriin po ng ating PICAG team kung tama po yung nabayarang duties and taxes base na rin po sa mga dokumento
02:41at base na rin po sa certificate of payment na hinihingi pa po natin sa mga nag-import na mga sasakyang ito.
02:48So, sa kabuan po, natutuwa naman po tayo dahil sumunod ang Pamila Diskaya sa abiso at warning ng ating commissioner
02:57na isuko na lang po yung mga sasakyan dahil i-alert po natin ito sa HPG kung kaya tayo po ay dumating sa kabuang numero na 30.
03:05Attorney, nabanggit niyo po yan bilang na 30. Meron pa po bang ibang sasakyang konektado sa Pamila Diskaya na hinahanap o tinutukoy ngayon ng inyong ahensya base po sa inyong impormasyon?
03:17Tayo po ay nakikinig sa mga Blue Ribbon Committee, sa mga Privileged Speeches, at meron po kasing nababanggit na 40.
03:28Paliwanag na lang po natin ito, basis sa aming investigasyon at surveillance, karamihan po doon sa natitira,
03:34or yung mga natitira pa po sa 40, ito na po yung mga locally available.
03:39Ito po yung mga magbibiliin natin sa mga brands na available sa Philippine market.
03:44At sa madaling salita po, hindi na po ito sinisilip yung kanilang importasyon,
03:48dahil ito po ay dadaan sa mga brands na nandito sa Pilipinas.
03:51So tayo po ay nandito na sa Trentang ito, kahapon po na-surrender na po yung kahuli-huli ang sasakyan,
03:57kaya po natin naratingin yung 30.
03:59So ito na po yung matatawag nating mga high-end luxury vehicles na tinitingnan po natin kung tama po ba yung importasyon.
04:07Atty, sa usapin naman po ng tax compliance, paano po sinusuri ng Bureau of Customs
04:12ang tamang tax liabilities ng mga nakumpiskang sasakyan?
04:17Tama po yan, kapag tayo po ay mag-i-import ng sasakyan,
04:23tinitingnan ng Bureau of Customs yung tinatawag nating duty and hold of value.
04:28At dito po, magbabase tayo kung ano po yung components ng tax dito,
04:33mapa-vatman, mapa-excise taxman.
04:36At kapag tayo po ay nagbayad nito,
04:38mag-i-issue naman po ang BIR ng ATRIG.
04:42Ito po yung authority to release imported goods.
04:45At mag-i-issue naman po ang BOC ng Certificate of Payment
04:48na ito naman po yung magiging basihan para i-rehistro ng Land Transportation Office.
04:53So ito po ang mga values na ito,
04:55titingnan po natin, dapat po maipakita ng importer o ng consignee
04:59yung po ang Certificate of Payment bilang patunay sa buwis na kanilang binayaran.
05:03At ito naman po ay babangga natin sa computation ng ating import assessment section
05:07upang nakita kung may pagkakaiba ba yung dapat bayaran
05:10at yung kanilang talagang nabayaran na buwis.
05:12Kapag po mayroong pagkakaiba, dito na po magkakaroon ng iba't ibang remedyo
05:16ang ating pamalaan kung pwede po bang forfeiture,
05:19pwede po bang mag-issue ng warrant of seizure and detention,
05:22or kung pwede po bang pagbayarin din ng penalties at ng mga surcharges
05:25yung mga nagkulang ng payment ng taxes.
05:28Attorney, may follow-up question lang po ako.
05:30Kung sakaling alam nyo po, ito po ang mga sasakay na ito,
05:33may rehistro sa LTO kasi tabanggit nyo na kailangan pala ng authority to release
05:37kasama sa proseso bago sila ma-rehistro.
05:40So may rehistro po ba, attorney?
05:44Sa aming talan at sa aming investigasyon,
05:47meron tayong mga nakalap ng mga ORCR.
05:49So isa po yan sa ating tinitingnan,
05:52dahil narehistro po ang mga sasakyan ito,
05:54kahit na meron pong pagkukulang sa certificate of payment,
05:57pati na rin po sa import entry.
05:59So ito ay ating makikipag-ugnayan tayo sa Land Transportation Office
06:03upang mag-backtrack naman po tayo,
06:05paano po na rehistro ang mga sasakyan ito,
06:08ganun meron ang kakulangan sa mga dokumento.
06:11Tama, no?
06:12So parang kailangan iba-ibang government agencies tinitingnan din natin,
06:16hindi lang yung BOC.
06:17Pero, attorney Chris,
06:19ano naman ang mekanismo ng coordination natin ng BOC sa Senado?
06:23At maybe sa kongreso na rin,
06:24lalo't na at mga usapin na sasakyan,
06:26kahugnayan ng mas malawak na imbisigasyon sa flood control projects.
06:33Unang-unang po, no?
06:35Tayo po ay sumusunod sa alituntunin ng ating Pangulo, no?
06:40Patungkol sa mga lifestyle check
06:41at yung kanyang binilin sa ating Commissioner Arel Pumoceno
06:45na good governance, no?
06:46So dito po masasaklaw yung mga issues ng korupsyon.
06:49At dahil po dito,
06:51nagdigay po ng instruction ng ating Commissioner Arel Pumoceno,
06:54tayo po, we take note of everything that is mentioned
06:56sa mga imbisigasyon,
06:58sa mga privileged speeches,
06:59at lahat po ng maaaring masaklaw ng Bureau of Customs,
07:03ibig po sabihin yung mga articles,
07:04mga vehicles,
07:05yung mga kagamitan
07:06na masasubject to importation
07:08na napapangit sa mga imbisigasyon,
07:10ito po ay sisilipin at iimbestigahan ng Bureau of Customs
07:13kasi ang hapo lang naman po talaga ng BOC dito
07:16ay madetermine
07:17kung tama po ba yung nabayarang duties and taxes.
07:21Atty. Maliban po sa Pamilya Diskaya,
07:23may iba pa po bang sinusuri ang BOC
07:25na mga opisyal ng pamahalaan,
07:28particular po sa DPWH,
07:30kaugnay ng umanoy,
07:31pagmamayari ng mga high-end na sasakyan.
07:33Tama po yan, ma'am, no?
07:37This morning,
07:38nabanggit na rin po ng ating commissioner.
07:40Meron na po siyang direktiba,
07:42pagpupang imbisigahan,
07:45ang mga nababanggit na opisyal.
07:48Again po, no?
07:51Na maikakabit po natin
07:53sa mga mga mga hakalit,
07:58sa sasakyan na kinakagay,
08:01kailangan po dumamaan sa proseso ng importasyon, no?
08:05So, this morning po,
08:07nabanggit na po ng ating commissioner,
08:10After, inaimbestigahan na po natin sa sakyang, inuugnay din po sa mga opisya.
08:16Yes, attorney. Nagkaroon lang ng konti problema yung zoom natin but you're back.
08:20Attorney, ano po ba ang ginagawa ng BOC para masiguro na transparent at walang anomalya
08:27itong mismong proseso ng investigasyon at kustudiya ng mga nakumpiskang sasakyan?
08:35Makakaasa po kayo ng full transparency sa prosesong ito.
08:38Bukod sa pagpakonduct ng mga press conferences, tayo po ay weekly.
08:43Nagbibigay po tayo ng regular updates sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng ating mga press releases
08:49kung ano na po yung estado ng ating investigasyon.
08:52Gaya po this morning, gaya ng ating nabanggit, binanggit na po ng ating commissioner
08:56na yung mga nababanggit ng DPWH officials ay subject na rin po ng investigation
09:02patungkol sa mga luxury vehicles na nauugnay sa kanila.
09:05So, lahat pong, ang buong prosesong po ito ay magiging open sa public.
09:10Maaari po tayo magpunta sa aming website para sa mga press releases.
09:15At syempre po, yung ating regular na mga press conferences
09:19upang makapagtanong po ang ating mga kasamahan sa media.
09:22At makikita po natin, wala po tayong sinasanto dito.
09:25Ang mandato po ng ating commissioner ay i-apply ang batas sa lahat equally po.
09:29So, hindi po sabihin kahit po may tatamaan sa aming hanay, ay pasensahan na po.
09:34Ito po ay alinsunod sa direktiba ng ating Pangulo patungkol sa good governance
09:38kung kaya talaga pong i-apply natin ang batas sa lahat.
09:42Attorney Chris, kailan na mong po natin inaasahan na matatapos na ito yung mga pagsusuri sa ownership,
09:47sa tax compliance, ng lahat ng mga sasakyang ito?
09:50Thank you, sir.
10:20At po nagkaroon ng custody ang BOC, doon naman po susunod yung 15-day period.
10:24Sa tanaw po namin, baka po sa loob ng 60 days ay mayroon na po tayong initial na konklusyon.
10:30But alam nyo naman po, meron pa po yung proseso sa legal division.
10:34Yung po mga sasakyan na 10 million pataas, yung decision po nito ay kailangan pa pong
10:38reviewin ng ating Secretary of Finance.
10:40So, as far as the BOC is concerned po, we're looking at the time frame.
10:44Bako po within 60 days to 90 days, makompleto na po natin yung buong proseso.
10:48At makakapag-issue na po tayo ng kaukulang warrant of seizure in detention after 15 days,
10:53yung pong forfeiture proceedings, yung pong magiging decision ng legal.
10:57Within that time frame po, yan po yung pinitingnan nating timeline.
11:00Alright, maraming salamat po sa inyong oras.
11:03Attorney Chris Bendiho, Deputy Chief of Staff ng Bureau of Customs, Office of the Commissioner.
11:08Thank you and good afternoon.